you are virgin


you are virgin”””
“”You are a virgin.”” Ito ang nausal ni Leonard pagkatapos niyang makatalik ang isang babae. Nakaupo siya sa gilid ng kama habang impit na humahagulhol ang babae.Makulimlim ang kuwarto at hindi niya gaanong aninag ang mukha ng babae. Maselan siya sa pagpili ng babae ngunit sa araw na ito ay nakalimutan niya na kilalanin muna ito.
“”Bakit mo ginawa ito?”” tanong niya rito.
“”Dahil po sa tatay ko,”” humihikbing sagot ng babae.
Hinawakan ni Leonard ang baba ng babae at napatitig siya sa mukha at mga mata nito na basa ng luha. Napamulagat siya at wala sa sariling nawika niya, “”Promise me, hindi mo na uulitin ito.””
Inilabas ni Leonard ang lahat ng pera sa kanyang wallet at inilagay sa palad ng babae at mabilis siyang nagbihis at lumabas ng kuwarto.
Naiwan ang babae sa loob ng kuwarto ng motel. Nanatiling nakatitig sa napakaraming pera sa kanyang kamay. “”May pampaopera na si tatay,”” lumuluhang wika nito.
Nasa loob nang kanyang kotse si Leonard ngunit nakatitig lang siya sa kanyang manibela. Naalala niya ang mukha ng babae. Maamo ang mukha nito at malamlam ang mga mata na parang laging nangungusap. Hindi niya maintindihan ang sariling damdamin. “”Nagkataon lamang,”” nawika niya sa sarili.
Napatigil sa pagmumuni-muni si Leonard ng tumunog ang kanyang cellphone. “Hello.”
“Li, may emergency kami rito. We need your assistance here,” wika ng kanyang kausap.
“Ok, I’m on my way.” Agad na pinaandar ni Leonard ang sasakyan. Humugot siya ng malalim na hininga at iwinaksi ang pansamantalang laman ng isip.
***
Mabilis ang mga lakad ni Leonard papasok sa hospital.
Binati siya ng guwardiya, “Good evening Doc.” Isang tango lamang ang sagot niya.
“Dr. Leonard Carpio! Dr. Leonard Carpio! Please proceed to OR!”
Tinatawag na ang pangalan niya. Tumuloy siya sa Doctor’s Station, naglinis siya ng sarili at nagpalit ng damit at nagbihis ng surgical gown.
Pagpasok niya sa operating room ay naroon na si Dr. Jayson Guzman at ang Anesthesiologist at apat na nurses.
“Li, mabuti naman nakarating ka. One of the patients need an immediate operation. Out of the country si Dr. Cheng.”
“Ok, I’ll take it.” Inabot sa kanya ng head nurse ang medical recordd ng pasyente. Binasa niya ang pangalan. ‘Menandro Domingo’
**
Samantala, nagmamadali papasok ng hospital si Jasmine at nakita niya agad ang kanyang nanay sa lobby. “Nay, si Tatay?”
“Nasa operating room na Anak.” Halatang galing sa pag-iyak ang kanyang ina.
“Puntahan po natin.” Inakay ni Jasmine ang kanyang ina na tuliro rin sa nangyari sa kanilang ama.
Umakyat sila ng second floor at umupo sa labas ng operating room para maghintay.
“Anak, paano kaya tayo makakabayad dito?” nag-aalalang wika ng ina.
Wala kasi silang perang naipon dahil lahat ng kinikita ng tatay nila sa pamamasada ay napupunta lahat sa mga gastusin nila. Dalawa silang nasa kolehiyo at dalawa ang nasa high schoool. Hindi na rin makapagtinda ang nanay niya sa palengke dahil sa nangyari sa kanyang ama.
“Hu-huwag kang mag-alala ‘Nay. Nakahiram po ako ang pera kay Mama M-musang.” Muntik pa siyang mautal sa pagsasalita. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsinungaling siya sa kanyang ina. Sa tantiya niya ay sasapat pa naman ang perang hawak niya dahil may SSS at insurance ang kanyang ama.
“Anak, baka kung anong kapalit niyan. Kilala mo naman si musang, mataas magpatong ng interes yun. At balita ko bugaw daw yun.”
Napalunok si Jas sa sinabi ng ina. “Nay, huhulughulugan ko naman yun at saka maghahanap agad ako ng trabaho pagka graduate ko.” Ayaw niyang magpakita ng kahinaan ng loob sa ina. Nag-aalala siya na baka ito naman ang magkasakit.
Mahigit-kumulang tatlong oras silang naghintay at napatingin ang mag-ina ng bumukas ang operating room at may lumabas na doctor. Lalapit sana si Jasmine ngunit dire-diretso lang itong lumabas at hindi sila pinansin. Hindi rin niya nakita ang mukha kasi may mask pa ito. May lumabas uli na doctor.
“Dok, kumusta po si Tatay?” agad na tanong ng dalaga.
“Ah, kayo po ba ang pamilya ni Menandro Domingo?”
Tumango naman ang mag-ina.
“Ligtas na po ang pasyente pero doon muna siya sa ICU ng ilang araw. Sige po,” paalam na wika ng doctor.
***
Nakatulala sa loob ng sasakyan niya si Leonard. Ang babaeng nabungaran niya sa labas ng operating room ay ang babaeng kasama niya kanina sa motel. Ama pala nito ang kanyang pasyente. Mabuti na lamang ay nakalimutan niyang magtanggal ng mask paglabas niya ng operating room. Bigla na lamang siyang kinabahan na hindi niya mawari. Gustuhin man niya itong i-comfort kanina pero alam niyang magiging awkward ang sitwasyon. Dahil sa pagmamahal ng dalaga sa ama nito ay nagawang ibenta ang sariling katawan. Maamo ang mukha nito katulad ni Estella. Malamlam din ang mga mata na parang laging nangungusap. Napabuntong-hininga si Leonard.
‘Nagkataon lamang na kahawig siya. Mas maganda pa rin si Estella ko.’
Pakunsuwelo niya sa sarili at pinaandar na ang sasakyan. Tumatakbo na ang kanyang sasakyan ng maalala niya bigla si Sam.
‘Oo nga pala, birthday ni Sam ngayon.’
Na-guilty siya dahil wala pa pala siyang birthday present sa anak at malamang tulog na ito pagdating niya. Bakit ba lagi niyang nakakalimutan ang birthday ni Sam? Dahil ba sa ito rin ang death anniversary ng kanyang asawa? Napabuntunghininga si Leonard. Hanggang ngayon ay hindi siya maka move-on sa pagkawala ni Estella. Kanina ay maaga siyang dumalaw sa puntod nito. Kapag nami-miss niya ang pinagsamahan nila, nabubuhay din ang pangangailangan niya bilang lalaki kaya nandoon na naman siya sa motel kanina. Pero iba ang mga pangyayari sa araw na ito.
Naaawa siya kay Sam. Hindi na nito nakita ang kanyang Mommy. Parang pelikula na naman na bumalik sa isip niya ang mga pangyayari.
“Daddy, parang kayrami yata nating binili para kay baby Samantha. Baka ang iba rito ay hindi na niya magamit.”
Masayang-masaya si Estella pagkatapos nilang mag-shopping para sa kaniyang isisilang na baby.
“Mommy, lahat yan magagamit, di ba baby?” sabay hawak ni Li sa tiyan ng asawa at excited na kinausap ang nasa loob nito, “two months na lang ay makakasama ka na namin ni Mommy sa pamamasyal.”
Sobra ang excitement nilang mag-asawa, limang taon nilang hinintay na magka-anak at konting panahon na lamang ay masisilayan na nila ang kanilang anghel.
“Holdaper!!!” sigaw ng isang ale sa tindahan ng mga alahas.
“Bang!!!bang!!!bang!!!”
Nagtakbuhan ang mga shoppers ng mall. Nayakap ni Leonard ang asawa.
“Dad-daddyyyy..”
Unti-unting dumausdos si Estella sa yakap niya.
“Mommy! My God! May tama ka!”
Nataranta si Leonard habang yakap-yakap ang bumagsak na asawa.
“Help! Help us! Please!”
Sumisigaw siya sa takot, humihingi ng tulong para sa asawa.
Sa hospital,
“Li, marami ng dugo ang nawala kay Estella. Baka hindi na makayanan pa ng katawan niya but the baby is alive and safe now,” ayon sa kasama niyang doktor na si Dr. Cheng.
General Surgeon si Leonard at mahusay sa kanyang larangan subalit wala siyang nagawa para iligtas ang buhay ng kanyang asawa.
Hilam na naman sa luha ang mga mata ni Leonard. Limang taon na ang nakakalipas ngunit sariwa pa rin sa kanya ang sakit ng pagkawala ni Estella. Maraming babae pero para sa kanya ay wala ng papantay pa rito. Binago niya ang ruta ng kanyang sasakyan patungo sa ibang direksiyon. May bukas pa namang shopping mall na mabibilhan ng kanyang regalo kay Sam.
**
Tulog na si Sam ng dumating si Leonard. Naaawa siyang hinaplos ang pisngi ng anak. Naalimpungatan at nagising ito. “Daddy.” Pupungas-pungas na lumapit at yumakap ito sa kanya.
“Happy birthday Anak.” Hinalikan ni Leonard sa noo ang anak at mahigpit na niyakap. “Here’s my gift for you.” Iniabot niya ang isang stuff toy na halos kasing-laki ni Sam.
“Wow! Mama Bear. Thank you, Daddy.” Tuwang-tuwa ang bata at mahigpit na niyakap ang stuff toy at inugoy-ugoy ito.
Muling niyakap ni Leonard ang anak. Alam niya kung bakit ito ang tawag ni Sam sa stuff toy. Ilang beses na siyang tinanong ng anak tungkol sa ina. Naintindihan na ni Sam na patay na ang ina pero isang katanungan ng bata ang hindi niya masagot.
“Daddy, kelan po ako magkaka-mommy?”
Nagulat si Leonard sa tanong ng anak. Muli na namang naulit ang tanong na mahirap sagutin.
“Baby, wala pa kasing nakikita si Daddy na kasing-bait at kasing-ganda ng iyong mommy.” Ito lang naman lagi ang sagot niya.
“Go back to sleep, baby. Hug your Mama Bear.” Pinahiga ni Leonard ang anak at kinumutan. Hinintay na makatulog bago pumunta sa kanyang kuwarto.
***
Kinabukasan ay oras ng pagra-round ni Li sa kanyang mga pasyente sa hospital. Tiningnan muna niya ang mga records ng mga pasyente kasama na rito ang chart ni Menandro Domingo. Pinagpawisan ang noo niya kahit may aircon. Baka magkita sila ng babae at hindi pa siya handa na magkaharap sila. Gusto niya itong makausap pero hindi sa ganitong pagkakataon. Pero kailangan niyang bisitahin ang mga pasyente. “Bahala na,” wika niya sa sarili.
Tapos na siya sa ibang pasyente at papunta na siya sa kuwarto kung saan naroon si Mang Menandro ng mamataan niya ang babae na palabas nang kuwarto, mukhang paalis na at naka school uniform. Biglang about-face si Leonard, nagulat pa ang nurse na kasunod niya, at bumalik siya sa nurse station. Hinintay niyang makalampas ang dalaga bago siya tumuloy. Sinundan niya ito ng tingin. Maganda ang hubog ng katawan at sa simpleng damit, sa mata niya ang dalaga ay kaakit-akit. Bigla uminit ang kanyang pakiramdam. Napailing siya, pilit iwinaksi ang laman ng isip.
***
Nag-angat ng mukha ang bantay ng pasyente ng pumasok si Leonard. “Ay, Dok, good morning,” nakangiti nitong bati kay Leonard.
“Good morning din po,” ganting bati ni Leonard sa bantay na sa tingin niya ay asawa ng pasyente. “Kayo po ba ang asawa ni Menandro Domingo?”
“Ay opo, Dok. Ako po si Gloria,” nakangiting wika ng kausap.
Kumusta na po si Tatay?” Nginitian niya ang pasyente habang kinukuhanan ng mga vital signs. Ngumiti din ang pasyente. Pinagmasdan ni Leonard ang pasyente, kahawig ito ng dalaga.
“Ay, unti-unti na pong lumalakas, nakakain na po siya,” masayang sagot ng asawa nito.
“Maganda pong sign yan, mapapabilis ang paggaling ni Tatay,” sang-ayon na komento ni Leonard habang may isinusulat sa chart ng pasyente.
“Kayo po ba lagi ang bantay ni Tatay?” baling niya sa asawa ng pasyente. Ang totoo ay naghahanap siya ng hint kung kailan dumarating ang anak nito.
“Ay, di naman lagi, mamaya papalitan ako ng anak kong si Jasmine. Nag-aaral kasi kaya sa gabi siya nagbabantay,” wika ni Aling Gloria.
Ngayon alam na niya ang pangalan at kung anong oras naroon ang dalaga sa Hospital.
“Tatay pagaling kayo ha,” baling niya sa pasyente na nakangiting tumango naman sa kanya. “Nanay, pag may kailangan ang pasyente, paki-inform na lang po ang nurse station,” habilin niya kay Aling Gloria.
“Ay sige po, Dok. Salamat,” wika ni Aling Gloria.
***
Sa office ni Agent Henry Mendez. “Li, Pare. Mukhang na-miss mo ako ah.”
Napangiti si Li sa tinuran ng kaibigan. Mula ng magkaroon sila ng kani-kanilang propesyon ay bihira na silang magkita. Hindi tulad ni Jay na pareho sila ng tinahak na landas. “Pards, alam mo naman ang trabaho ko. Walang fix hours.”
“I know. And for sure may kailangan ka sa akin,” nakangiting wika ni Henry kay Leonard habang pinapaikot ang ballpen sa dulo ng mga daliri.
“Yeah, you’re right.” May kinuha si Leonard sa bulsa ng kanyang polo. “I want you to background check this lady and her family.”
Binasa ni Henry ang nakasulat. “Jasmine Domingo. Name and address lang. Wala man lang picture? Anong connection niya sa’yo, bro?” kunot-noo na tanong nito.
“Wala akong picture. She’s young. A college student. Perhaps twenty or twenty one. Basta Bro, I need your B.I report,” pakibit-balikat na sagot ni Leonard. Ang totoo kahit siya ay nagtataka kung bakit gusto pa niyang alamin ang tunay na buhay ng dalaga.
“The last time you ask me to do a B.I was a decade ago before you started courting Estella,” komento ni Henry. “May utang ba ito sa’yo? Or someone special?” pabirong tanong ni Henry.
Napangiti rin si Leonard sa tinuran ng kaibigan. “”Bro, just do what I want.””
“Ok. Just give me a week,” wika ni Henry. “By the way, birthday ng inaanak mo sa Sunday. Wag kayong mawawala ni Samantha.”
**
Lunchtime sa isang restaurant.
“Jay, I’m attending a medical convention in New York next week. Dumating na si Dr. Cheng,” wika ni Leonard sa kaibigang doctor habang kumakain.
“How long you’ll be away?” tanong ni Jay sa gitna ng pagnguya ng pagkain.
“Two months. Actually more than a month lang but I will also visit my parents,” sagot ni Leonard na patuloy din sa pagkain.
Napangiti si Jay at tinudyo ang kaibigan, “Magha-hunting ka lang ng babae doon.”
Bahagyang kumunot ang noo ni Leonard sa sinabi ng kaharap. “Of course not. Gusto ko nga sanang isama si Sam kaso may pasok pa sa school.”
Sumeryoso ng tanong si Jay, “Li, kelan mo ba hahanapan ng pangalawang mommy ang inaanak ko.”
Napabuntonghininga si Leonard. Una si Sam ngayon pati si Jay ay nagtatanong kung kailan uli siya mag-aasawa. “Hindi madaling gawin ang sinasabi mo.”
“Don’t get me wrong, Pare. Alam mo naman ang profession natin, madalas sacrificed ang quality time sa family. Mas maganda kung may katuwang ka sa pagpapalaki ng anak mo,” paliwanag ni Jay.
Buntonghininga lang ang naging sagot ni Leonard.
“Siyanga pala, bakit mo sinagot ang hospitalization ni Menandro Domingo?” nagtatakang tanong ni Jay.
Napatigil sa pagsubo si Li. “Kawawa naman ang pamilya kung mawawala ang padre de pamilya,” sagot niya sa kaibigan.
“Yun lang?” patanong na wika si Jay.
Iniba ni Li ang usapan para tumigil na sa pag-usisa ang kaibigan. “Bilisan natin ang pagkain, ihahatid ko pa si Sam kay Ate Jelyn.”
***
Iniisip ni Leonard ang sinabi ni Jay habang pauwi ng bahay. Sinusubukan niya din naman na maghanap ng bagong mamahalin pero ni isa ay walang kumuha ng kanyang pansin. Walang pumasa sa kanyang pamantayan.
Wala na yata siyang mahahanap pa na katulad ni Estella, bukod sa maganda na ay mabait, matalino, mapagmahal, maalalahanin at isang ulirang asawa sa kanya. Isang buntonghininga ang pinawalan ni Leonard.
Naalala niya si Samantha. Lumalaki na at nagkakaisip na ito. Malaki ang pagkukulang niya sa anak dala ng kanyang trabaho. ‘Kawawa naman ang anak ko,’ nausal niya.
Biglang pumasok sa isip niya si Jasmine. Kahawig ito ni Estella. Kung mayroon man na pagkakaiba ay ang height dahil petite si Jasmine, curly hair ang kay Estella at straight hair ang kay Jasmine, napakaputi ni Estella pero maputi din naman si Jasmine.
Mula sa araw ng maangkin niya ito ay madalas niya itong naiisip. Tinatanong niya ang sarili kung dala lang ba ito ng pananabik bilang lalaki. Pero bakit ng makita niya ito sa lobby ng hospital ay tuwa at kaba ang kanyang naramdaman. Para siyang teenager na dinaga ang dibdib ng makita ang isang crush. Wala sa sarili na napangiti siya.
==
“”Daddy!””
Masayang sinalubong si Li ni Samantha. Kinarga niya ito at hinalikan sa ulo, “Hi baby, how’s your day? You’re getting heavier everyday,” inalog-alog pa ito.
“How is your work Daddy?” malambing na wika ng bata.
Sanay na si Sam sa walang fix time niyang pag-uwi ng bahay. Naunawaan na nito ang trabaho ng isang doctor kahit bata pa ito.
Hinaplos-haplos ni Li ang pisngi ng anak, “Baby, Daddy is leaving for USA. You’ll stay with Tita Jelyn while I’m away.”
“You are leaving?” malungkot na wika ni Sam.
“Yes baby, but don’t worry when I get back, we will go to EK,” masayang wika ni Leonard bilang pampalubag-loob sa anak. Ramdam niya kung gaano ito kasabik sa ina at madalas ay wala pa siya.
“Yeheyyy..!” Tuwang-tuwa si Sam na pumalakpak. Mahigpit na niyakap ni Li ang anak. Ang nag-iisang alaala na naiwan ng mahal niyang asawa na si Estella.
**
Chapter 2
Tuwang-tuwa si Jas habang papalabas ng university compound. Dala-dala niya ang letter of recommendation ni Dean Buenaventura. Recommended siya ng Dean bilang isang tutor at pag natanggap siya ay solve na ang medication ng kanyang tatay.
“Jas!”
Nilingon ng dalaga ang tumawag. Talagang kahit kailan smiling face ito at matikas at hindi pahuhuli sa mga tinaguriang hunks ng kanilang university.
“Ikaw pala Alfred.” Ang luwang ng ngiti nito sa kanya na ginantihan niya rin ng ngiti.
“Sabay na tayo,” anito at sabay na nilang binaybay ang patio palabas ng gate. “Kumusta na pala ang tatay mo?” wika na binata.
“On recovery na siya,” sagot ni Jas. Masugid niyang manliligaw ang binata mula pa noong high school. Mabait, gentleman at masipag ito. Mga katangian na hinahangan niya dito. Hindi pa niya ito sinasagot dahil pangako niya sa mga magulang na hindi muna magbo-boyfriend hanggang hindi siya tapos sa kolehiyo. Kilala nila ang pamilya ni Alfred kaya naman boto dito ang kanyang mga magulang kaysa sa ibang umaaligid sa kanya.
Bumigat ang dibdib niya ng maalaala ang nangyari sa kanya. Nakaramdam siya ng awa kay Alfred. Paano pa niya ito sasagutin kung sa simula pa lang ay parang niloko na niya ito. Alam nito na kahit kailan ay hindi pa siya nagka-boyfriend. Kung magiging asawa niya ito ay malalaman nito na hindi na siya birhen. Nanikip ang dibdib niya at pinigilan ang mapaiyak.
Napansin ng binata na malungkot ang dalaga, “Jas, huwag mong masyadong dibdibin ang problema, malalampasan nyo rin yan.”
Pilit na ngumiti si Jas, “Alfred salamat.” Kung alam lang ni Alfred na mayroon pa siyang ibang problema bukod sa tatay niya.
***
Kumakatok si Jas sa isang malaking gate ng magarang mansion. May lumabas na isang kasambahay. “Magandang araw po, ito po ba ang bahay ni Mrs. Jelyn Archangel?” magalang niyang tanong.
“Ito nga po. Ikaw po ba yung tutor?” magalang ding wika ng kasambahay.
Ngumiti si Jas sa kausap,“Opo. Ako po si Jasmine.”
“Pasok ka, hinihintay ka na ni Madam.” Iniawang ng kasambahay ang maliit na gate.
Sumunod siya sa kasambahay. Napanganga siya sa paghanga sa ganda ng modernong mansion. Larawan ng kasaganaan at karangyaan sa buhay ang nakikita niya. Sa kabilang bahagi ng garden ay may gazebo at tanaw niya na mayroon din itong malawak na swimming pool. Ang lawak ng garahe na may nakaparadang mga sasakyan at mukhang mamahalin ang mga iyon sa hitsura pa lamang.
Pinaupo siya ng kasambahay sa sala na sa sobrang luwang nito ay puwedeng magkasya ang buo nilang bahay isama na pati maliit nilang bakuran at garahe ng taxi ng tatay niya. May mga paintings ding nakasabit sa dingding at tiyak gawa ito ng mga premyadong pintor.
Maya-maya pa ay nakita niyang may babaeng pababa sa grandiyosong hagdan. Tingin niya ay kasing-edad ito ni Dean Buenaventura, mestiza ito at makikita sa bihis nito ang pagka-aristokrata at kagalang-galang. Hula niya na iyon na ang taong hinahanap niya.
Tumayo siya at nagbigay galang, “Good morning Ma’am. Ako po si Jasmine Domingo, ang ni-recommend ni Mrs. Patrice Buenaventura bilang tutor.” Napansin niya ang pagkunot ng noo ng kaharap ng tumitig sa kanya.
“Good morning,” wika nito. Iginiya siya nito na maupo uli at naupo din ito sa kanyang harapan. “Graduating ka na pala,” sabi nito habang binabasa ang kanyang bio-data.
“Yes Ma’am,” kinakabahang sagot ng dalaga.
“Okay Jasmine, ganito ang magiging trabaho mo. I have a niece living with me right now. She needs a tutor and at the same time someone who can attend to her needs like school activities and other activities if required. Now, I want to know your class schedules,” wika ni Mrs. Archanghel.
“Eh Ma’am, MWF po 4:30 ako pwede, TTHS sa hapon at Sunday pwede po akong whole day.” Lihim na nagdarasal ang dalaga na sana ay matanggap siya.
“Since recommended ka ni Pat, I think hindi niya ako bibigyan ng hindi ko pagkakatiwalaan. MWF 4:30 to 6:30, TTHS and Sunday 1:00 – 5:00. You will be receiving Php20,000 a month. Is that okay with you?” wika uli ni Mrs. Arkanghel.
“Po!” Nagulat si Jas sa laki ng sahod. “Y-yes Ma’am, o-okay po sa akin.” Halos magkanda-utal-utal siya sa pagsagot. Tuwang-tuwa ang dalaga dahil malaking bagay ang sasahurin niya sa kanyang pamilya.
“You can start tomorrow. Marta, pakitawag si Samantha,” baling ni Jelyn sa maid.
Ilang saglit ay bumaba sa hagdan ang maid kasama ang isang bata.
“Sam, I want you to meet Teacher Jas. She will be your tutor,” pagpapakilala ni Jelyn sa dalawa.
“Hi Sam,” nakangiting bati ni Jas sa bata.
“Hi,” nahihiyang ngumiti din ang bata.
Pinagmasdan ni Jas ang bata. Matangos ang ilong, maamo ang mukha at mapupungay ang mga mata, maputi at alon-alon ang buhok.
“Sam, say goodbye to Teacher Jas. You will see her tomorrow,” wika ni Jelyn at saka tumayo mula sa upuan.
Tumayo na rin si Jasmine at nagpaalam, “Thank you po Mrs. Archangel.”
“Call me Jelyn,” nakangiti nitong wika.
Nagulat man ay masaya si Jas sa tinuran ng kaharap. Hindi niya inaasahan na magiging magaan ang pakikipagharap sa kanya ng tita ni Sam.
“Thank you po Mam Jelyn, bye Sam,” nakangiting kumaway si Jas sa bata.
Nakalabas na ng gate ang dalaga. Hindi pa rin siya makapaniwala sa tatanggapin niyang sahod. Nakaplaster ang ngiti sa kanyang mukha. ‘Ang laki ng sahod ko. Solve na ang mga gamot ni tatay’.
**
Dumating ang unang araw ni Jas bilang tutor. Natanaw agad niya si Sam at mukhang naghihintay talaga sa kanya. “Hi Sam,” masiglang bati niya sa bata.
“Hi Teacher Jas,” ngumiti din si Sam.
“Sam, ready ka na?” Hinawakan niya ito sa kamay. “Come, saan mo gusto kitang turuan?” Hindi pala niya naitanong kung saan ang children’s room ng bahay kung meron man.
“There! Let,s go!”
inakay siya sa kamay ng excited na si Sam. Natuwa siya sa bata at mukhang malambing at sa tingin niya ay magkakasundo sila.
Pumasok sila sa isang room at lahat yata ng kailangan niya sa pagtuturo ay nandoon na. May bookshelf na puno ng children’s books at DVDs, may television at dvd player pa. ‘Iba talaga pag mayaman’ wika sa isip niya.
Pumuwesto...


agad si Sam sa mesa at naupo. Lihim siyang natuwa, mukhang hindi ito makulit katulad ng ibang kindergarten pupils na nakikita niya.
“Sam, before we start the proper lesson, magkuwentuhan muna tayo ha.” Gusto muna niyang makuha ang loob ng bata. “Sam, tell me about your favorites, likes and dislikes.”
“Hmm..” Humawak pa si Sam sa kanyang baba at nag-isip. “My favorite colors are pink and yellow, favorite foods… Fried chicken… pizza… doughnut… strawberry icecream. Favorite subjects… Math and Science. I like rides and I don’t like bad girls. How about you?” balik-tanong ng bata.
“Me? I like any food,” sagot naman ni Jas. Mahirap lang sila kaya hindi uso sa pamilya nila ang mapili sa pagkain. “I don’t like high rides and bad girls too.”
“Sam, tingnan natin ang mga ginawa mo sa school, meron bang mahirap sa’yo?”
Ipinakita naman ng bata ang mga ginawa nito sa school at nakita niyang magaganda ang mga marka ni Sam, ibig sabihin ay matalino ito.
“Wow, very good ka pala.” hinagod-hagod niya ang ulo na bata.
Lumuwang ang ngiti ni Sam, “Really! I am very good?”
“Yes, you’re very good,”” sagot ni Jas sa bata na tinapik-tapik pa ang balikat ng bata. “”Ganito ang gagawin natin, mag advance study tayo para sa susunod na lessons n’yo. Okay?”
“Okay!” excited na sagot ni Sam.
Nakagiliwan agad ni Jas si Samantha at naging madali ang pagtuturo niya sa bata dahil bukod sa masipag ito mag-aral ay masunurin din ito.
Nalalapit na ang kanilang graduation kaya bukod sa pagiging tutor ay busy na rin si Jas sa pagsasaayos ng mga requirements niya para sa graduation. Handa na rin ang kanyang application letters at resumé para makapag-email sa mga schools. Kung saan siya papalarin ay doon muna siya magtuturo. Naisip niya si Sam, mami-miss niya ito kapag nagtuturo na siya. Kung tutuusin, malaki ang sahod niya bilang tutor ng bata pero gusto niya magka-experience bilang teacher. Yun ang dream niya, ang maging isang mahusay na teacher. Masaya siya at na-maintain niya ang kanyang grades. Tuwang-tuwa rin ang mga magulang at mga kapatid niya ng malaman na Cum Laude siya. Palabas na siya ng campus ng may tumawag.
“Jas, wait.” Tumatakbong palapit sa kanya si Alfred.
“Alfred, ikaw pala.” Nakangiting bati niya sa binata. Halata ang excitement sa mukha nito.
“Pauwi ka na ba? Imbitahin sana kitang kumain sa labas.”
“Sige, hindi naman ako nagmamadali.” Sang-ayon niya sa request nito dahil matagal na rin silang hindi nagkakausap mula ng maging busy siya sa pagiging tutor.
**
Sa isang fast food chain sila kumain ni Alfred.
“Pasensiya ka na Jas, ito pa lang ang kaya ko. Hayaan mo kapag may trabaho na ako, sa five star hotel tayo kakain. Congrats nga pala ha, graduating with cum laude honor. Naks naman,” masayang bati ng binata sa kanya.
“Thank you at congrats din sa’yo. Cum laude ka din and soon to be an Accountant,” ganting bati ni Jas sa binata. Mataas ang pangarap nito at pareho lang sila na simple lang ang buhay na pilit iginapang ng mga magulang para makapag-aral sa kolehiyo.
Biglang nanahimik si Alfred. Tumigil ito sa pagkain at tumitig sa kanya. “Jas.” Hinawakan nito ang isang palad niya. “Jas, Kelan ko ba malalaman ang sagot mo?”
Alam ni Jas kung ano ang tinutumbok ni Alfred. Ang sagot niya sa matagal ng panliligaw nito. Parang nabarahan ang lalamunan niya. Hindi niya malaman kung ano ang sasabihin. “Alfred, ano kasi.”
“Jas, sana naman sagutin mo na ako.” Sa tono ng salita ng binata ay talagang umaasa ito ng positibong sagot. Lalong bumigat ang dibdib ng dalaga.
Aminado siya na hindi malalim ang pagtingin niya dito pero napakabait nito at ayaw niya rin itong masaktan. Kailangan na sigurong maging matapat siya, “Alfred, Mabait ka… a-at wala akong maipipintas pa sa’yo.P-pero sana wag kang magagalit o magtatampo sa akin.” Huminga muna siya ng malalim, “dahil yong sagot na gusto mo ay di ko maibibigay sa’yo. Sorry Alfred, pero maging magkaibigan na lamang tayo.”
Naramdaman niyang lumuwag ang hawak ni Alfred sa kanyang palad.
“Mahirap ba akong mahalin, Jas?” Gumaralgal ang tinig ni Alfred.
Kitang-kita ni Jas ang sakit sa mga mata nito. Lalo naman siyang nakunsiyensiya ngunit nais niyang maging matapat dito.
“Alfred, you deserve someone better, believe me darating siya.”
“Pero ikaw ang gusto ko.” Kitang-kita niya ang pamumula ng mga mata nito. Halatang pinipigilan ang maiyak sa harap niya.
“Alfred, subukan mong tumingin sa iba. Maraming magaganda at deserving na mahalin. Let’s be friends na lang, please?” nakikiusap ang tono niya.
“Bakit Jas, may iba na ba?” Lalong gumaralgal ang tinig nito.
“Ayokong umasa ka. Ang gusto ko bigyan mo ng chance ang sarili mo.” Meron na nga bang iba ang puso niya? Kahit siya ay nalilito na.
“Paano kung ayaw kong tumigil? Hangang hindi ko nakikita na may nobyo ka ay magpapatuloy ako sa panliligaw sa’yo.” Malungkot ngunit determinadong wika ni Alfred.
“Alfred, ayokong masaktan ka, please naman,” nakikiusap na sagot ni Jasmine.
“Please, Jas. Hayaan mo na lang ako.” may himig pakiusap din ang tono ng binata.
Napabuntunghininga na lamang ang dalaga dahil talagang determinado ang binata. “Buti pa umuwi na tayo,” nawika na lamang niya.
***
Nagpatuloy si Jas sa pagiging tutor kay Sam. Pati sa pamamasyal ay sinasamahan niya ito.
Sa garden habang nasa gazebo sila ni Sam at nagbabasa siya ng fairy tale story dito.
“Teacher Jas, can you attend to my graduation?” malambing na wika ni Samantha.
“Why Sam? I mean your daddy will surely come to your graduation.” Nawika niya kay Sam dahil ayon kay Jelyn ay pauwi na ang daddy nito.
“But Daddy is away,” sambit ni Sam na nakapangalumbaba pa.
“Don’t worry. Perhaps your Tita Jelyn will attend,” pag-alo niya sa bata.
“But I want you to be there.” Lumapit ito sa kanya at yumakap.
Naawa siya sa bata kaya naisip niya na pagbigyan ang hiling nito. “Ok, sige, I’ll be there.”
“Yes!” Tumalon pa Si Sam bago bumalik sa upuan. Muli na naman itong nangalumbaba. “Teacher Jas, masaya ba ang may mommy?”
“Oo, masaya kasi may nag-aalaga sa’yo, may nagmamahal. Bakit mo naman naitanong yan?” Napatingin siya sa malungkot na mukha ng bata.
“Kasi po ako walang mommy.” Nalungkot lalo si Sam.
“Why, nasaan na si mommy?” Malambing niyang sinuklay ang alun-alon nitong buhok.
“Nasa heaven na po.” Mukhang iiyak na si Sam
“Don’t be sad, kahit nasa heaven na siya ay love ka pa din ng mommy mo at saka may daddy ka naman, diba?” Niyakap niya ito at hinalikan ang buhok.
“Lagi naman akong iniiwan ni Daddy.” Napahikbi na si Sam.
“Why are you crying baby?” Isang malambing na boses lalaki ang narinig nila.
Kinabahan si Jas ng marinig ang boses ng bagong dating.
“Daddy!!!” Sigaw ni Sam sabay takbo at iniwan si Jas.
“How’s my baby? I missed you so much,” sabik na wika ng bagong dating. Dinig ni Jas ang katuwaan ni Sam.
Unti-unting lumingon si Jas at nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat.
“Teacher, teacher! Ang Daddy ko oh!” wika ng tuwang-tuwa na si Sam habang hatak-hatak ang ama palapit sa kanya.
Hindi makapagsalita si Jas, para siyang tuod at umurong ang dila. “Ikaw?” tanging nausal niya.
Chapter 3
Nanlamig ang buong katawan ni Jasmine. Gusto niyang tumakbo pero nawalan ng lakas ang mga tuhod niya. Nag-rewind sa kanya ang nakaraan at nagkaulap ang mga mata niya. Pinigilan niya ang pag-agos ng luha at ibinaba ang mga tingin.
Natigilan si Leonard sa naging reaksiyon ni Jasmine. Kanina habang pinagmamasdan niya ito na kausap ang kanyang anak ay ibayong saya ang naramdaman niya. Ngayon ay hindi niya rin alam kung ano ang sasabihin.
“Teacher Jas. Daddy ko oh.” Kinakalabit ni Sam si Jas.
Pakiramdam ni Jas ay pasong-paso na siya sa presensiya ni Leonard. “Sam, uuwi na ako ha,” nawika na lamang niya sabay bitbit ng hand bag at tumalikod.
“Jasmine, wait!”
Napatigil si Jas sa paglalakad ng humarang si Li sa daraanan niya. Napatungo siya at iniwas ang kanyang mga mata sa lalaki.
“Jas, kailangan nating mag-usap. Okay, not now but we will talk,” pabulong na wika ni Li.
Tumango lamang ang dalaga at ipinagpatuloy ang mabilis na lakad palayo sa mag-ama.
**
Mabilis ang mga hakbang ni Jasmine. Gusto niyang makalayo sa lugar. Pakiramdam niya ay gumuho ang kanyang mundo sa nangyari.
“”Bakit siya pa? Bakit siya pa?”” Paulit-ulit na bulong ng dalaga habang tumutulo ang mga luha niya.
Hindi niya akalain na magku-krus pa ang kanilang landas. Unti-unti na sana niyang nakakalimutan ang pangyayari sa buhay niya. Ginusto niya ang nangyari dahil para iyon sa kaligtasan ng kanyang ama. Pero parang binibiro siya ng tadhana dahil muli niya itong nakatagpo.
Pakiramdam niya sa kanyang sarili ay nakakahiya siya, isang babaeng bayaran. Pero hanggang doon na lamang iyon at hindi na mauulit muli.
‘Bakit ama pa siya ni Samantha?’ Napamahal na sa kanya ang bata at masaya siyang tinuturuan ito. “”I’m sorry Sam,”” bulong niya sa sarili. Hindi na siya muling babalik pa para mag-tutor kay Sam.
Pinunas ni Jas ang mga luha ng malapit na siya sa guardhouse ng village. Baka matanong siya kung bakit siya umiiyak.
Paglabas niya ng village ay muli na naman siyang naiyak at hinayaan niya ito hanggang sa magsawa ang mga mata niya sa pagluha.
Nasa jeep na si Jas pauwi sa kanila at hindi pa rin maampat ang mga luha niya. ‘Akala ko naka move-on na ako, bakit nakita ko pa siya at daddy pa siya ni Sam?’ Nagtakip siya ng panyo sa mukha at pinalaya muli ang mga luha hanggang sa maubos.
Matamlay siyang nakarating ng kanilang bahay. “Mano po Nay.”
Napatitig si Aling Gloria sa mukha ni Jas. “Anak, may dinaramdam ka ba? Namumula ang mga mata mo,” nag-aalalang puna nito.
“W-wala po Nay. Napuwing lang ako kanina.” Muntik na namang masamid si Jas sa pagsinungaling niya. “Si Tatay po?”
“Naku! Hayun sa palengke. Kasama ni Bong at naiinip daw siya dito. Babalik uli ako doon at magsasara na kami. Bahala na kayo diyan. Tulungan mo sa kusina si Ellen,” wika ng ina bago tumalikod.
“Opo Nay. Ingat po.” pahabol na wika ni Jas sa ina. Pagpunta niya ng kuwarto para magpalit ng damit ay nadaanan niya ang bunsong kapatid sa sala at saka ginulo-gulo ang buhok nito. “Mark, puro ka TV.”
“Ate naman. Buhok ko pa talaga.”
Tinawanan niya ang napikon na kapatid. Naisip ni Jas, di man sila mayaman sa salapi ay masaya naman siya sa pagkakaroon ng kumpletong pamilya.
Tumuloy siya sa kusina pagkatapos magbihis. “Hi sis, mukhang masarap ang niluluto mo ah.” Pinasaya niya ang bati sa kapatid.
“Ate, nakita ko si Alfred noong isang araw. Malungkot siya. Nag-away ba kayo?” wika na Ellen na bahagyang nakakunot ang noo.
“Tinapat ko na kasi siya,” malungkot na wika ni Jas. Hindi rin niya maiwasan na ma-guilty para sa kababata. Kinuha niya ang basahan at saka nilinis ang kalat sa mesa.
“Na ano?” kunot-noo na tanong ni Ellen habang nasa niluluto ang atensiyon.
Humugot ng malalim na hininga si Jasmine. “Na brotherly love lamang ang nararamdaman ko para sa kanya.”
“Ate, kawawa naman. Sincere naman siya sa’yo.”” may himig lungkot na wika ni Ellen habang hinahalo ang niluluto.
“Alam ko naman. Ang kaso-“” Hindi itinuloy ni Jas ang sasabihin. Dumako siya sa paminggalan para kumuha ng mga plato’t kubyertos at ihanda ang mesa.
“May iba ka ng napupusuan,” dugtong ni Ellen sa sinabi ni Jas at tumingin sa kapatid.
“Wala,”” mabilis na wika ni Jas kasabay ng iling. “”Gusto ko munang tulungan makabangon sina Nanay at Tatay.” Sino nga ba? Tanong niya din iyon sa kanyang sarili.
“Ate, puwede naman pagsabayin ang love at career,” wika ni Ellen habang tinitikman ang kanyang niluluto.
“Yaan mo sis, kusang bubukol pag talagang ukol.” Pumasok sa isip ni Jas si Leonard. Ang unang lalaki sa buhay niya. Unang lalaki na inangkin ang pagkababae niya kapalit ng pera. Hindi niya ito matingnan kanina dahil parang nanliit siya sa harap nito.
“Ate ha, masyado kang matalinghaga. ‘Wag naman sana pigsa.” Natawa si Ellen sa kanyang biro na pilit sinabayan ni Jas.
**
Hindi na nga bumalik si Jas sa bahay ni Jelyn mula ng dumating ang ama ni Sam.
Palabas na si Jas ng school compound ng lumapit si Alfred. “Jas, sabay na tayo sa pag-uwi.”
“Sige,” sang-ayon ni Jas. Talagang pursigido pa rin ang binata, sa isip niya. Ayaw niya naman itong itaboy dahil gusto niya itong kaibigan.
Wala silang kibuan hanggang marating nila ang kanilang bahay. Hindi katulad ng dati na marami silang napagkukuwentuhan.
“May bisita yata kayo,” puna ni Alfred ng makita ang nakahimpil na kotse sa harap ng bahay nila. “Sige Jas,” paalam nito.
“Salamat Alfred.” Kumaway ang dalaga sa papaalis na binata.
Nagtatakang pinagmasdan ni Jas ang isang magarang kotse ng pumasok siya sa kanilang bakuran. ‘Sino kaya ang bisita?’ Napatigil siya sa may pintuan na makilala ang boses ng kausap ng nanay at tatay niya.
“Jas, anak, nariyan ka na pala. Halika rito,” wika ni Aling Gloria ng mapalingon sa anak na bagong dating.
Walang nagawa si Jas kundi lumapit sa mga magulang at nagmano. Pakiramdam niya ay sinusundan siya ng mga titig ni Li at hindi niya magawang tumingin dito.
“Hi Jas,” nakangiting bati ni Li.
“Hello po Dok.” Tipid na ngumiti si Jas at agad ibinaling ang paningin sa ibaba.
“Umupo ka muna Jas,” wika ni Aling Gloria.
Nag-alinlangan ang dalaga subalit mas takot siya na magtaka ang kanyang ina. Walang nagawa si Jas kundi umupo sa upuan na katapat ni Li.
“Pumunta dito si Dok kasi inihatid ang sahod mo. Nakakahiya tuloy kay Dok,” may himig paumanhin ang boses ni Aling Gloria.
“Ok lang po yun. At least nadalaw ko rin si Tatay.” Ngumiti si Li kay Mang Menandro.
‘Ano raw? Tatay?’ Napasulyap si Jas kay Li at nakatingin din pala ito sa kanya. Nagbaba uli siya ng tingin dahil kinabahan siya sa mga titig ni Li.
“Tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Dok, ikaw ang nag-opera kay Omeng ko at tutor naman si Jas ng anak mo,” nakatawang wika ni Aling Gloria.
Napa-angat uli ng tingin si Jas.’Nag-opera kay Tatay?’ Kunot-noo na napatingin uli siya kay Li ngunit tumayo na ito at nagpaalam na sa kanyang mga magulang.
“Bye Jas,” wika ni Li sa dalaga na may kasama pang matamis na ngiti.
Sinundan na lamang niya ng tingin ang papalabas na doktor. Napaka-dignified nitong tingnan at hindi halata na mahigit trenta na ito.
Naagaw ang kanyang atensiyon ng magsalita ang nanay niya. “Oh, heto. Dala ni Dok. Pasalubong daw sa’yo.”
Nagulat siya ng tingnan ang mga laman ng paper bag. Napakaraming chocolates at mga beauty products.
**
Habang nagmamaneho ng sasakyan pauwi ay hindi mawala sa isip ni Li si Jas. Natuwa siya kanina ng dumating ito at para siyang teenager na lihim na kinilig pero ramdam niya ang pag-iwas nito sa kanya.
‘Jas, why you’ve great effect on me. I always missed you.’ Sabi ng isip niya pero hindi lang siya ang nakaka-miss sa dalaga dahil bukambibig ito ni Sam palagi at nagtatanong kung kailan ito babalik.
**
“Ate..! Bilisan mo ang paliligo. May tumatawag sa cellphone mo,” tawag sa kanya ni Ellen habang kumakatok sa pinto ng banyo.
“Lalabas na.”
Iniabot ni Ellen sa kanya ang cellphone pagkalabas niya.
Hindi registered ang number ng tumatawag. “Hello.”
“Teacher Jas, where are you?” Boses ni Sam at parang umiiyak.
Nag-alala siya ng marinig ang hikbi ng bata.
“Sam? What’s wrong, baby?”
“You promised me… na pupunta ka sa graduation ko,” sagot ni Sam sa gitna ng mga hikbi.
Natigilan siya, nakalimutan niya ang graduation ni Sam. “Don’t worry, don’t cry, I’m on my way, bye.” Pinutol niya ang tawag at dali-dali siyang nagbihis at nag-ayos. Naisip niyang nandoon si Li. ‘bahala na, para naman kay Sam itong gagawin ko’, katwiran ng isip niya.
“Ellen, pupunta ako sa graduation ni Sam, pakisabi kina Nanay,” paalam niya sa kapatid at dali-dali siyang umalis.
***
Kanina pa nag-aabang si Sam. “Baby, I think you should sit, darating naman siguro si Ti – err…Teacher Jas.” Natawa si Li sa sarili niya dahil parang iba ang gustong ibigkas ng bibig niya.
“Teacher Jas, here!” Kumakaway si Sam sa paparating na si Jas.
Nakatitig si Li sa parating na dalaga. at lumukso ang puso niya. Naka-casual dress ito at nakalugay ang buhok, may konting make-up pero lutang na lutang ang simpleng ganda.
Nakatingin din si Jas sa mag-ama at napatitigsiya kay Li, ‘ang guwapo pala niya, magkahawig sila ni Sam ng ilong at mata’, sabi ng isip niya. Kinakabahan siya habang papalapit sa dalawa at ngumiti siya sa mga ito.
“Teacher Jas, yehey!” tuwang-tuwa na sambit ni Sam. At si Li hanggang tainga ang ngiti kasama na mga mata.
Hinawakan ni Sam ang kamay ng dalaga at hawak naman ni Li ang isang kamay ng bata. Nagmukha tuloy silang isang pamilya.
Nagsimula ang recognition bago ang graduation exercise ng mga kinder pupils. Sinimulang tawagin ang mga may special awards, ilang beses tinawag si Sam at nakailang balik si Li sa stage para magsabit ng medals sa bata. Siya naman ay busy sa pagkuha ng pictures sa mag-ama. Tinawag na ang third honor at sumunod ang second honor, mga parents ang nagsabit ng medals.
“And now, for the overall first honor of Kinder Classes, Samantha Carpio!” Umugong ang palakpakan, tuwang-tuwa si Jas ganoon din si Li. Umakyat si Sam sa stage.
“May we request the parents to come up the stage,” sabi ng emcee.
Tumayo si Li at nagulat si Jas ng hawakan siya sa siko nito at itinayo saka mahinang nagsalita, “Please, para kay Sam.”
Nagpatianod si Jas. Si Li ang nagsabit ng medal at nagkuhanan pa ng pictures bago sila bumaba. Hawak pa rin siya ni Li sa siko, ngumiti ito sa kanya ng makaupo sila at mahinang bumulong. “Thanks.”
Tumango at tipid na ngumiti naman si Jas.
Nang matapos ang graduation rites ay nagpaalam na siya sa mag-ama. “Mauna na po ako sa inyo, Dok.”
“No, Jas. Ihahatid ka namin,” pigil ni Li sa dalaga.
“Teacher Jas, sige na. Payag ka na,” wika ni Sam na yumakap pa sa dalaga.
‘Bakit ba ang hirap tanggihan ng batang ito?’ sa isip ni Jas. “Sige,” sang-ayon niya.
Dahil bata si Sam kaya sa likuran siya nakaupo at siya sa tabi ni Li. Wala siyang kibo at nakatuon lang ang kanyang paningin sa kalsada.
Tumatakbo na ang sasakyan ng magsalita si Li. “Baby, I think this calls for a celebration. What do you want? Where do you want to go?” Kinakausap niya ang anak sa rear view mirror.
Na-excite si Sam, “”Really daddy? We will celebrate? Teacher Jas, sama ka ha,” baling agad nito sa dalaga.
Hindi si Jas makasagot. Naiilang siya na kasama si Li. “No Sam, kayo na lang.”
“Ah basta. Gusto ko kasama ka.” Nagmaktol agad ang bata.
“Jas, please. Pagbigyan mo na si Sam,” pakiusap ni Li habang nakatutok ang mga mata sa kalsada.
“Sige. Sasama na ako, Sam,” sang-ayon ni Jas dahil ayaw niya sumama ang loob ng bata.
“Yehey!” Tuwang-tuwa si Sam na sinabayan pa ng patalon-talon sa loob ng kotse.
**
Kumain sila sa isang fast food chain kung saan favorite ni Sam ang fried chicken. Hyper si Sam at panay ang daldal habang kumakain. Si Jas pangiti-ngiti lang habang ang atensiyon ay sa bata pero ramdam niya ang mga titig sa kanya ni Li.
Pagkatapos nilang kumain ay nagyaya pa si Sam na sumakay sila ng carousel. Nagsilbi naman si Li na taga picture nila. Nag-lakad-lakad pa sila sa loob ng mall, hawak nila si Sam sa tig-isang kamay ng may itinuro ito sa loob ng toy store. “Dad, let’s buy that.”
Patakbo ang bata na pumasok sa store at sumunod naman silang dalawa. “Here.” Hawak nito ang Bear Family na stuff toy. “This is Daddy, Mommy, me and baby brother.”
“You like it?” tanong ng ama at tumango naman si Sam. “Okay, we’ll buy it.” Inakay ni Li ang anak papuntang counter.
Hyper pa din si Sam at may namataan na naman ito. “Daddy, movie.” Hila-hila silang dalawa ng bata.
Napatingin si Li kay Jas. “Okay lang ba sa’yo Jas?”
Ayaw ni Jas na magmaktol ang bata kaya tumango siya.
Dahil bata ang kasama nila kaya doon sila sa pambatang palabas. Bumili muna sila ng popcorn at fruit shakes bago pumasok sa sinehan. Dahil madilim ay kinarga ni Li si Sam at ginagap ang kamay ni Jas.
Mahigpit ang hawak ni Li sa kamay ni Jas kaya walang nagawa ang dalaga kundi sumunod dito. Pakiramdam ni Jas ay may kuryenteng dumaloy mula sa palad ni Li.
Lihim naman na napangiti si Li, kay sarap hawakan ng kamay ng dalaga. Kung puwede lang ay hindi na niya bitiwan ito, kaso sa gitna nila mauupo si Sam.
Humihikab na si Sam ng matapos ang palabas kaya nagpasiya si Li na iuwi na ito. Walang kibuan sina Li at Jas sa loob ng sasakyan at walang may nais magsalita sa kanila. Nagpapakiramdaman samantalang tulog na tulog si Sam sa likuran.
Lihim na napahanga si Jas ng pumasok ang sasakyan ni Li sa loob ng isang malaking bakuran. Kasing ganda at kasing laki ito ng bahay ni Jelyn. Karga ni Li ang tulog na anak at nakasunod naman si Jas na dala ang mga medals ng bata at ang binili nitong stuff toy.
Inihiga ni Li ang anak at binuhay ang air-conditioner. Tinanggal ni Jas ang sapatos at medyas ng bata at pati na ang damit. Kumuha naman si Li ng damit pantulog ng bata. Binihisan ito ni Jas na sa sobrang pagod ay hindi man lang naalimpungatan.
Lihim na natutuwa si Li sa nakikita niyang pag-aalaga ng dalaga kay Sam. Mahal ito ni Sam at ramdam niya na mahal din nito ang kanyang anak. Ano kaya ang pakiramdam kung kasama siya sa inaalagan ni Jas? Parang kinilig pa siya sa iniisip.
“Jas, ihahatid na kita sa inyo. Sandali lang at ibibilin ko lang si Sam,” wika ni Li at tumalikod na. Hindi na si Jas nakapagprotesta pa.






Share On Whatsapp

"9" Comments
  1. full story pls

  2. Goldenia R ibay

    Simple but entertaining. Enjoyed reading it….

  3. NameAnalyn M.Arcena

    nice story kaya lang bitin…more episode pa plss…

  4. nice story maraming moral lesson

  5. salamat sa gumawag

  6. very nice sory

  7. Reymalin Mariongan

    maganda yng story kaya gusto ko tapusin

  8. nice story and gusto q Sana Siya matapos

Leave a Reply


top