Chapter 13
“Misale, kakain na tayo!” tawag ni manang Edna sa kanya. Agad naman niyang tinapos ang kanyang ginagawa at nagtungo sa dinning room.
“Ano po ang niluto niyo, mama Edna?” tanong niya sa ginang. Nasa hamba pa siya ng pintuan kaya nagtanong na siya.
Ngumiti ang ginang. “Adobong manok, iha.” nakangiting sagot nito sa kanya.
Napangiti siya sa sagot ng ginang. Aamin niyang paborito niya ang niluto ng ginang. Miss na niya ang kumain ng adobo.
“Nyay, favorite ko po yan!” Masaya niyang sabi at pinaghila ang sarili ng mauupuan.
Masaya nilang pinagsaluhan ang kanilang agahan. Libre ang lahat ng kanilang kinain sa loob ng condo ni River. Lahat ng kailangan nila ay sinagot nito. She feel like she’s important.
“Mama Edna, nahihiya na po ako sa May ari ng condo na ito. Umaasa nalang ako sa libre. Nakakahiya.” Nakangusong sumbong niya sa ginang na ikinakunot ng noo nito.
“Huwag kang mahiya. Siya nag offer nito atsaka mabait na bata si River. Matulungin din iyon.” pampalubag loob na diskusyon ng ginang.
Napabuntong hininga nalamang siya sa sinabi ng ginang. Hindi siya kombensido sa sinabi nito. Ayaw niyang abusuhin ang kabaitan ng isang taong. Paano kung may girlfriend pala at pumunta dito? sa isip niya ayaw niyang maging dahilan para masira ang relasyon ng ibang tao. Tama na ang sakit na naramdaman habang kasama ang kanyang ina, pagod na siya.
“Mag iisang buwan na ako dito sa susunod na buwan, mama Edna. Siguro, panahon na to para tumayo ako sa sarili kong Paa. Yung hindi na aasa sa tulong ng iba kasi hindi naman lahat ng panahon May handang tutulong sa akin. Paano nalang pag nasanay ako sa tulong ng iba?” Mahabang litanya niya habang Naka tanaw sa malayo.
Napabuntong hininga ang ginang na nasa kanyang harapan at nakikinig sa kanya. “Nasa iyo desisyon, iha. Pero kung aalis ka, saan ka tutuloy? Babalik ka nanaman ba sa mama mo?” nag-aalalang tanong nito sa kanya.
Marahan siyang umiling sa tanong ng ginang. Kahit maging pulubi man siya ay hinding hindi na siya babalik sa bahay hanggang nandiyan pa ang lalaking muntik ng sumira sa kanya.
“Hindi po. Hindi ako babalik don hanggang mahina pa ako. Saka na ako babalik kapag May lakas na akong harapin sila, si Condrado.”
“Sige, babalitaan ko nalang si River sa naging desisyon mo. Na delay ang pag uwi ng batang yon. Sayang at hindi na kayo makapag abot.” Nanghihinayang na sabi ng ginang habang masuyo siyang tinitigan nito.
Matipid siyang ngumiti. “Hayaan nalang ang tadhana na pagtagpuin muli ang aming landas, mama Edna. Kapag nangyari yon ay personal ko ng maipaabot ang aking pasasalamat.” Nakangiting sabi niya.
Natapos silang kumain at si Edna na ang naghugas ng kanilang pinagkainan. Pumasok sa kanyang silid, sandali siyang nagmumuni-muni kung ano ang gagawin kapag aalis na siya dito.
Bigla niyang naalala ang calling card na ibinigay ni Sanny sa kanya.
“Sana lang hindi yon nawala.”...