Serenity
Hindi ko na alam kung saang lupalop na kami dahil paggising ko ay tanghali na. Medyo sumasakit na rin ang aking likuran sa kauupo at nakaramdam ako ng pananakit ng aking pantog. Medyo mainit na rin ang klima kaya naman inalis ko na ang aking jacket.
“Mommy, I’m hungry,” reklamo ni Ryleigh at napatingin ako kay Ryker sabay sinabing nagugutom na rin ako.
“Sige. Igigilid ko lang at tamang-tama may kainan na akong nakikita riyan. We can stop by to eat then go back to the road bago tayo abutan ng dilim sa daan.” Tumango naman ako at natuwa naman ang kambal.
Napatigil kami sa isang maluwang na store na gawa sa bahay kubo at sobrang ganda rin dito dahil mahangin. Nag-inat ako ng aking mga kamay at halos lumagatok ang aking likuran sa tagal kong umupo. Inakbayan ako ni Ryker at kinumusta kung ano ang aking nararamdaman. Sinabi ko namang ayos lamang ako. Pagpasok namin ay agad kaming umupo at umorder ng pagkain dahil gutom na kaming lahat.
Habang hinihintay namin ang aming pagkain ay biglang nag-ring ang telepono ni Ryker at napatingin siya sa akin. Ibinigay niya sa akin ang kanyang cellphone at nakita ko na tumatawag dito ang aking ina. Agad ko naman itong kinuha at saka sinagot nang marinig ko ang nag-aalalang boses ng aking ina.
“Oh my…Anak? I heard what happened to your house? Are you okay? Nasaan na kayo? Bakit hindi man lang kayo tumawag sa amin para hindi kami nag-aalala?” Huminga ako ng malalim at napahilot sa aking noo.
“Sorry, Mama. Ang dami ho kasing nangyari at hindi ko na ho alam ang uunahin ko. Pasensya na kayo at hindi ko kayo agad nasabihan. Kumusta na ho kayo ni Papa?” pangungumusta ko sa kanila.
“We’re fine iha. Kayo ang inaalala namin at nakita namin ang nangyari sa bahay ninyo? Ano ba’ng nangyayari iha?”
“Mama, ayos lang ho kami at kasama ko ho ang buong pamilya pati ho ang mga kasambahay. I will explain to you everything, Mama. Sa ngayon wala ho kayong dapat ipag-alala dahil ayos na ayos lang ho kami. We just wanted to have some fresh air, that’s all.” Napabuntong hininga ang aking ina at wala na ring nagawa.
“O siya sige. Pero oras na may nangyari ay tatawagan mo kami agad ha? Naku naman anak, ano ba iyong pinasok ninyong dalawa na mag-asawa?” Pinatay na niya ang tawag at saka binalik na ang telepono nito kay Ryker.
Nang matapos kaming kumain ay bumalik na kami sa kotse at itinuloy ang pagpunta namin sa address na ibinigay sa amin ni Janice. Ka-text ko lang siya kanina at sinabi niya na susunod na raw siya. Si Janice kasi ay isang ilokano at may bahay silang hindi ginagamit sa Ilocos Sur. Ayon sa kanya ay maganda na raw na taguan iyon ng kahit ni sino dahil malayo ito sa bayan at may malaking gate ito bago makapasok sa mismong bahay. Tinakot niya nga lang kami na baka raw may multo sa bahay na iyon dahil ang tagal nang hindi natitirhan.
Medyo gising na ang aking diwa dahil ang ganda ng mga palayan na aking nakikita. Ang ganda sigurong maglaro at magtakbuhan dito dahil puro palayan ang nakapalibot sa daan. Habang tinatahak namin ang daan ay nakita ko ang isang sign na papasok na kami sa Vigan City. Pagpasok namin ay sinundan na lang ni Ryker ang address na ibinigay ni Janice gamit ang waze. Ilang minutong pagda-drive pa ay narating na namin sa wakas ang misteryosong bahay bakasyunan ni Janice.
Kaso hindi naman ito mukhang pinamamahayan ng multo dahil ang bahay ay sobrang ganda. Para siyang mini hotel resort ng mga mayayaman kaya hindi mo iisipin na walang tumitira rito. Isa pa ay wala ring kapit bahay ito dahil sa mismong harapan ng bahay ay isang malawak na palayan ang meron at bago makapasok ay may gate roon. Naka-password lock pa iyong gate kaya safe na safe talaga ang lugar na ito. Ayon kay Janice ay sa kanya ang buong lugar na ito at ipinaman ito sa kanya ng kanyang lola bago ito namatay.
Ipinarada ni Ryker ang sasakyan sa harapan ng bahay...