GENRE:RANDOM
AUTHOR: DEEJEE SAI
Makikita mo lang talaga ang tunay na halaga ng isang tao kapag nawala na ito sayo.
Ako si Mhart, tall, rich and handsome sabi ng marami. Not until that kara came into my life. Kahit saan ako pumunta nakasunod siya.
She even told me that she loves me na dahilan kung bat naiirita ako sa kanya kaya lagi ko siyang iniiwasan at iniinsulto.
Isang araw,
Palabas ako ng gate ng bahay namin nang maramdaman kong may kumalabit sa balikat ko. Lumingon ako at nairita lang nang makita kung sino ito.
“Hi mahal. P’wede ba tayong mag-usap?”
Ngiting-ngiti ito sa harap ko. Ayan na naman siya. I hate that Endearment! Inaasar talaga ako ng babaeng to.
“Anu na naman kailangan mo?! Kelan kaba mawawala sa buhay ko?!”
Naiiritang bulyaw ko dito.
“Bakit mahal? Nagmamadali kaba? Sige ka, ma mi-miss mo ako.”
Nakangiti parin ito sa kabila nang mga sinabi ko.
Kapal talaga ng mukha ng babaeng to.
“Gan’yan kaba talaga ka tanga? O talagang masokista kalang? HINDI NGA KITA GUSTO! wala ka nang ibang ginawa kundi sundan ako! Para kang aso! Please lang, TIGILAN MO NA AKO!”
Tinalikuran ko na siya pagkasabi ko ‘nun.
Akala ko tuluyan na siyang natauhan sa kahibangan niya dahil isang linggo siyang hindi nagpakita sakin pagkatapos ng araw na ‘yun.
Pero nagulat ako nang may tumawag sa’kin.
Unknown number pero sinagot ko ‘yun.
Nairita na naman ako ng matunugan ko ang boses sa kabilang linya.
Tss.
Sinu pa? E di si Kara.
“Hi Mahal..kamusta kana?”
Masiglang bati nito sa kabilang linya.
“Anu na naman? ‘Kala ko ba tinigilan mo na ako?!”
“Na miss kasi kita. Na miss mo din ba ako?”
Sa narinig ay mas lalo akong na imb’yerna.
“Para malaman mo, hindi kita na miss. Peste ka sa buhay ko. Kaya pwede ba, lumayo-layo kana! Masaya ako na wala kang letche ka!”
I was about to hang up nang magsalita siya.
“I’m sick, and I’m dying..”
Nakarinig ako nang hikbi, oo, humihikbi siya. Umiiyak ‘yung letcheng kara.
Sobrang na shock ako at tila di makapaniwala.
Seryuso ba siya?
“Pwede bang maging tayo? Pwede mo ba akong samahan sa mga bagay na gusto kong gawin? Nang sa ganun, maranasan ko din ang makasama ka bago ako mawala, please.”
She sounds so serious.
I don’t know what to say.
Ngunit sa huli ay pumayag ako. Sino ba naman ako para hindian ang huling hiling ng babaeng mamamatay na.
But right after I agreed, She laughs and told me that she was just joking.
“Joke lang naman yun eh, pero pumayag kana kaya wala ka nang kawala.”
Naisahan ako ng letcheng kara.
Wala na akong nagawa kundi ang sundin ang gusto niya. Besides, she promised na hanggang new year lang ‘yun.
Ilang araw lang naman.
December 24,
Nagpasama siya sakin ma-mili ng mga regalo.
“Gusto ko sana makasama ka sa christmas eve. Saan mo gusto pumunta tayo?”
“Kahit saan.”
Kibit balikat na sagot ko.
“Sige. Sa bahay niyo nalang tayo”
I saw so much pain in her eyes everytime na napapansin niyang nababagot akong kasama siya.
But she still manage to smile and act that she’s really happy.
Eksaktong ala-una ng hapun, nasa mall kami. Kasalukuyan siyang tumi-tingin tingin sa mga naka display na watches habang ako busy sa cellphone ko.
Maya pa ay hinawakan niya ‘yung braso ko dahilan kung ba’t napatingin ako sa kan’ya.
Isinuot niya sa kamay ko ang relong hawak niya.
“Para sayo ‘yan mahal. Para kahit pa’panu may remembrance ka sa’kin, wag mong huhubarin ‘yan ah?”
As usual kibit balikat lang ang isinagot ko sa kan’ya.
Hanggang sa napadaan kami sa mga naka display na nag-gagandahang necklace.
Napatitig siya sa isa sa mga ‘yun and pinilit akong bilhin ‘yun para sa kan’ya.
Pero hindi ko siya pinagbigyan.
She painted a wide smile at sinagot ang phone niyang kanina pa nag ri-ring.
Bahagya siyang lumayo sa’kin upang kausapin ang tumawag.
NASA harap kami ng bahay ng letcheng kara.
Nagpahatid pa kasi siy, di bale, malapit na’din naman matapos ‘to. Kunting tiis nalang.
Akmang bababa na sana ito ng kotse nang hawakan ko siya sa kaliwang braso.
Lumingon siya sa’kin.
Inabot ko sa kan’ya ‘yung box kung saan nakapaloob ‘yung k’wentas na gusto niyang bilhin kanina.
Oo binili ko ‘yun.
Ewan ko kung bakit. Pero ‘nung makita kong ang lungkot-lungkot niya ay parang may tumulak sa’kin para bilhin ‘yun.
“Bi-binili mo para sa’kin?”
Gulat na gulat ito nang makita ang laman ‘nun. Nakita kong sobrang natuwa ito.
“Oo. Pero hindi libre yan. Bayaran mo ako niyan.”
Bigla niya akong niyakap.
“Oo naman. Babayaran kita mahal. Promise.”
Natulala ako. Parang bigla akong kinabahan kasi bumilis ang tibok ng puso ko. Bahagya akong kumawala sa yakap niya.
“Sige na. Bumaba kana. Kailangan ko nang umalis.”
Bago siya bumaba ay humalik muna siya sa labi ko. Smack lang naman ‘yun pero para akong na estatwa.
“Pupunta nalang ako sa inyo mamaya.”
‘Yun lang at tuluyan na itong bumaba.
NAG stay siya sa bahay sa mismong christmas eve.
Ngunit nakarinig lamang siya ng mga masasakit na salita galing sa mga pinsan kong nan’dun nang mga oras...