BEING HE’S PERSONAL MAID CHAPTER SEVEN


“ano’t nakahubad ang batang iyan? ” bungad ni Inay nang makarating sya sa Kubo palibhasa’y mabagal akong maglakad kaya’t huli na nang makita ko ang magandang katawan ni Suho, mukhang namalagi ito sa gym dahilan para maabot nya ang magandang hubog ng mga Muscle sa braso, dibdib o kahit pa sa tyan nito.
“Nainitan daw sya kaya nag alis ng Damit. “pangangatwiran ni Itay. “Kesya anak, tumungo ka sa manggahan at manungkit ka ng bungang Hinog don. ” nawala lamang ang paningin ko kay Suho dahil sa utos ni Itay
ibinaba ko muna ang Basket na dala ko. “sapat na po ba ang walong piraso tay? ” tanong ko.
“Samahan na kita.” pakiramdam ko ay mula nang dumating si Suho ay hindi na nawala ang pagkakangiti nito, hindi ako kumibo. Itinali sandali ni Suho ang aso nya sa gilid ng Kubo tsaka sumunod sa’kin.
“baka umitim ang balat mo. ” kahit paano ay nag aalala din ako.
“May Body cream akong inapply sunblock yon para hindi ako masunog. ” tugon nya habang sinusundan ako.
“Bakit ka ba pumarito? Baka magalit si Mam shiena kapag nalaman nyang nandito ka.”
“Alam nyang nandito ko. ” napahinto ako sa paghakbang kaya nagkasabay kami. ” ito sana ang unnag araw ng trabaho mo pero mas pinili kung pag pahingahin ka dahil sa, dami ng Activities ng School. ”
“B-bakit ka ba lapit ng lapit? Dati naman ay hindi mo ako kinakausap.” sa wakas ay nasabi ko, parati akong walang pagkakataon na kausapin sya dahil sa mga nakapaligid sa kanya.
Pumunta sya sa harapan ko. “ikaw lang yon, ikaw lang ang hindi kumakausap sa’kin. ” hindi ko alam kung tama ang nakikita ko pero tila may pait ang bawat linyang binitawan nya. “sa twing kakausapin kita ay nagba-baba ka ng tingin nung nasa Manila tayo, twing tutulungan kita ay mabilis kang lumalayo, ang sabi ng mga kaklase natin ay nakakatakot ako kaya naman nagdesisyon akong tigilan ang kakasunod sayo.”
Pero….bakit nya’ko sinusunsundan?
“Kinausap ako ni Jade.” pilit kong inilayo ang paningin ko. ” ibinilin nya na lumayo ako sa’yo kaya kung pwede? Kapag nasa School tayo ay hwag mo na’kong kausapin. ”
“Hindi nila hawak ang buhay ko kaya lalapit ako sa Gusto kong lapitan. “walang interes na aniya tsaka nya kinuha ang kamay ko.
“Pero ako ang ginagantihan nila..” saad ko tsaka pilit na binawi ang kamay ko pero hindi ko iyon nagawa ng humakbang palapit sa’kin si Suho.
“Hwag kang mag alala, sa lunes ay ibibilin kong dumistansya sya sa’kin at tigilan ka nya.. Okay na ba? ” ang huling sinabi nya ay nagdulot sa’kin ng kakaibang pakiramdam lalo pa’t ibinulong nya iyon sa mismong tainga ko. “Kaya’t tayo na para kumuha ng Mangga, hindi din alam ni Tito na Anak ako ng Mam Shiena mo. “nakangising aniya, hindi ko alam kung ano ang nangyari sa’kin nang makita ko ang ngisi nyang iyon. basta kusang humakbang ang paa ko para sumabay sa pag akay nya.
“Magkaibigan si Mommy at ang mommy ni Jade kaya kami naging magkaibigan.”
“Bakit mo ito sa’kin sinasabi? ” tanong ko.
“Wala lang… Baka isipin mong gusto ko si Jade eh. ” natatawang aniya kahit wala naman akong pakialam.
“Bilisan mo na ang pagkuha ng Mangga baka mapagalitan tayo ni Itay.” nakangiwing saad ko.
“Sinabi ko kay Tito na magkaklase tayo, sabi nya ay bantayan daw kita, lalo na kay Dexter. ”
Sa ikawalong mangga na pupulutin ko ay napalingon ako dahil sa sinabing iyon ni Suho.
“Gusto mo si Dexter? ” maya-maya’y saad nya.
“Baliw kana! ”
“Hahahahahahah “umugong ang malakas na pagtawa nya.
” ang Cute mo kapag naiinis ka. ” dugtong pa nya habang hindi nawawala ang pagtawa nya.” Mas gwapo ako don kaya wag mong Gustuhin yon. ”
Napakunot ako...


ng noo. Eh ano naman kung mas gwapo sya? Hindi ko naman tinatanong.
Nawala ang pagtawa nya nang mapansin nya ang pagtitig ko. “a-ako na ang magdadala ng Basket. “aniya pa tsaka nya inagaw ito sa Akin, napailing na lamang ako.
“Ang tagal nyo patapus na kaming Kumain ng Inay mo.” ani Itay, “Mag sabay na lang kayo at mamimitas ako ng prutas para maiuwi ni Suho. ”
“Anak, ipaghain mo si Suho. “bilin pa ni Inay bago sila umalis ni Itay, hindi talaga ko makapaniwala sa mga pangyayaring ito tila ba pinagtutulungan nila kong tatlo!
“Siguro naman ay kumakain ka ng Talangka at sugpo? “tanong ko bago ko buksan ang baunan na pinaglagyan namin ni Inay.
“Ta-Talka? “nakangiwing ani Suho, napabuntong hininga ako.
“Heto ang dala naming ulam.” inalis ko ang takip.
“Oh, it’s a crab and tempura right? With Coconut. ”
Gusto kong sapuhin ang noo ko. Ayaw pa nya ng Sugpo at Talangka..english pa ang Gusto.
“halika na Kumain na Tayo. “anyaya ko sa kanya, ipinagsandok ko lang naman sya ng kanin kaya’t ano kaya ang ka ngiti-ngiti? Siguro kung napupunit lamang ang pisngi, kanina pa nagka gunit-gunit ang mukha nya.
“Taste good huh! Si Tita ang nagluto ?” aniya habang abala sa pagbabalat ng Sugpo.
“Hmmm.. Kumain ka lang. ” anyaya ko, sa ilang minuto na pagkain namin ay hindi talaga nawala ang pagkakangiti nya minsa’y nahuhuli ko pa syang tinititigan ako.
‘Baliw na yata talaga to. ‘
“Tara puntahan natin sila Itay. ” anyaya ko nang makapagpahinga kami, ” magdamit ka na baka liparin ka nang hangin. ” biro ko.
“Sus, alam ko namang nag e-enjoy ka sa pagtitig sa mga abs ko. .” natatawang aniya din kaya lihim akong napabungisngis.
“Tayo na, isama mo Yang Anak mo. ” patungkol ko kay Sucon, tumayo na Ako at naglakad palabas ng Kubo, malamlam na ang panahon kaya hindi ko na sinuot ang Sumbrero ko.
Nauna pa silang dalawa sakin nang itakbo sya ni Sucon hatak ang tali nito, napatawa ako nang malakas matapos syang masubsub sa Damuhan. “Ah tinatawanan mo’ko? ” nagbabantang aniya.
“Hindi! ” dipensa ko kahit natatawa padin ako”b-bakit haha naman kita tatawanan hahaha. ”
“hindi e! Tinatawanan mo’ko e! “aniya tsaka bumangon. “Ikaw hah! ” aniya pa tsaka nagtatakbo palapit sa’kin kaya nagsimula narin akong tumakbo palayo, hindi ko alam kung ano ang gagawin nya sa’kin sa oras na mahuli nya’ko basta lalayo ako! “Kapag nahuli kita makikita mo! ” banta nya habang patuloy sa paghabol sa’kin.
“A-ano ba! Hindi nga kita tinatawanan.! “saad ko pero hindi parin Sya tumigil pati si Sucon ay nakihabol narin sa’min .” tumigil kana kasi! ” saad ko, sandali pa akong lumingon para alamin kung gaano na kalayo ang distansya namin pero dalawang hakbang nalang pala hanggang sa mahigit nya ang kamay ko at tuluyan nya akong ikinulong sa bisig nya para hindi na ako makawala.
“Huli ka! ” aniya pa habang tumatawa sa gitna ng hingal na tinamo namin pati si Sucon ay nag lulu-lundag tila tuwang-tuwa nang mahuli ako ng amo nya.”Ngayon ka tumawa sa Harap ko. ” nakangiting Aniya, naging seryoso ang mukha ko at tila bumilis ng tibok ng Puso ko.
Ano ang pakiramdam na ito.
Hindi kami natinag sa posisyon namin kahit pa bumubuhos na ang malakas na ulan, tila huminto ang buong paligid.
“Napaka lakas ng Ulan! Ngayon pa talaga kayo naglarong mga bata kayo! ” nangangaral ang tinig ni Inay sa di kalayuan, dahil sa malakas na ulan ay hindi na namin sa matanaw, binitiwan ako ni Suho.
“Sorry! “saad ni Suho, kahit yata umuulan ay nag init parin ang pisngi ko. Patakbo akong bumalik sa kubo para sumilong at ganun din Si Suho.
JUSME KUMALMA PO KAYO 😂😂






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top