THE NERDY GIRL MEETS THE CAMPUS PRINCE❤️(Troy Baltazar and Kate Story)
❤️CHAPTER 4❤️
💙TROY’S POV💙
“Bro, totoo ba?”
Naguguluhan ako sa tinanong ni Patrick sa akin. Isa siya sa mga tropa ko.
“Ang alin?” tugon ko sa malamig na boses. Alam na nila kapag wala ako sa mood.
“Na may gusto ka kay Kate dun sa campus nerd”
Nagpanting ang tenga ko sa dahil sa aking narinig. Napakuyom ako ng kamao at agad din naman nila iyong napansin.
“Bro kung gusto man siya ni Troy wala na tayo dun.” Saad ni Kevin na nasa tabi ko.
“Nagtatanong lang naman ako, easy lang kayo.” May halong biro niya pang sabi.
“Si Samantha hindi mo gusto? Balita ko patay na patay yun sayo.” Sabi pa ng isa kong tropa na si Mark.
Kailanman ay hindi ako magkakagusto sa isang bully lalo na sa Samanthang yon! Laging si Kate ang napagdidiskitahan niya.
Natigil kami sa pagkukuwentuhan ng dumating na si Prof. Magtitiis na naman kami sa isang nakakaantok na discussion.
Kahit naman hindi ako makinig ay alam ko pa rin ang lesson dahil nagaadvance reading ako sa mansyon.
Ayaw kong madisappoint sa akin ang mga magulang ko lalo na si dad. Mabuti nga at mabait ang mga professor ng campus sa akin kaya hindi ako lagi sinusumbong sa kanila. Pero nakakarating kay Kuya Tyler!
After ng lesson ay agad na kaming lumabas ng room. Diretso sa cafeteria. Mabuti naman dahil tahimik at walang gulo.
Himala mukhang wala ata si Sam at ang mga kaibigan niya, sila kasi ang laging pasimuno at pinagmumulan ng kaguluhan sa campus.
Nakita ko si Kate at kasama niyang kumakain si Cindy. Mukhang masaya sila. Its nice to see na palagi silang ganon.
Whenever I see her I can’t help but to smile. She makes me happy. Pero mukhang manhid siya.
Mukhang di niya napapansin na may dahilan ang lahat ng ginagawa ko para sa kanya. F*ck I like her! Gusto ko siya.
Si Kevin na ang umorder para sa amin.”Bro, wag katitig baka matunaw yan.” pang-aasar ni Mark.
“Alam ko na kung bakit mo siya nagustuhan.” Napatingin ako kay Patrick ng magsalita siya. “Bakit?”pangtatanong ko pa.
Siguraduhin niya lang na maganda ang sa sabihin at hindi niya lalaitin si Kate. Kung hindi uuiwi siya ng may pasa sa mukha.
“Because she’s different from the other girls around us. Wala siyang gusto sayo. In short kakaiba siya”
“Paano naman nasabi na walang siyang gusto kay Troy?” tanong pa ni Mark kay Patrick. Ngumisi lang ang g*go saka sumagot.
“Hindi niya nga pinapansin ang kaibigan natin at isa pa kung katulad siya ng ibang babae edi nagpapacute na yan ngayon kay Troy.”
Masyadong honest sarap sapakin. Di na lang ako umimik.Tinutukso ako ng mga loko. Wag sana silang sagutin ng mga nililigawan nila! Kung di ko lang talaga sila kaibigan.
May naisip ako pupuntahan ko si Kate mamaya sa bahay nila. Alam ko naman na gusto ako ni Mang Kanor para sa anak niya at mukhang nahahalata naman nila na may gusto ako dito.
Nagdaan ang mag hapon. Hindi naman naging ganon ka boring ang araw ko. Pasakay na sana ako sa kotse ng bigla ng may tumawag sa akin.
“Troy wait up!”nakakairita ang boses. Ang sakit sa tenga.Si Samantha lang pala. Pagdating sa akin takot...