SELLina CHAPTER 52


“Pabili naman ako,!”bungad ni Drew sa dalawang dalaga na nagtitinda ng isda ng umagang iyon..nagulat pa si Carmona ..kung bakit narito ang hinayupak na ito .
“Bakit ka nandito baliw??seryuso nyang tanong
“Kung bibilhin mo lahat, ibibigay namin ng mura!”si carlita na walang pakealam sa galit ng ate
“Ilang kilo ba yan lahat?”
“Bakit?bibilhin mo ba?”si carlita muli
“Manahimik kanga dyan carlita!wag mong pansinin yang baliw nayan!”kaya natahimik nalang din ang kapatid dahil nanlilisik na ang mga mata ng katabi nito..ngunit halakhak lamang ang ganti ni Drew na mukhang sayang saya dahil sa galit na ang babaeng kausap..
“Lumayas ka dito pwede ba huh?”,kinuha nya ang pang taboy sa mga langaw at itinutok sa mapang asar na binata..
‘ganyan ba kayo sa mga costomers nyo?sino ang bibili kong hindi manlang marunong ngumite ang ate mo carlita?”nakangise pa ito
“Sayo lang ganyan yan,kanina naman bago ka dumating hanggang tenga ang ngite lalo na kapag may bumili!”habang natitig sa ateng nakabusangot..
“Tumigil ka carlita,ooohhh anu???bibili ka o hindi?kung hindi lumayas kana dahil marami pa kaming isda na kailangang ibenta!”
“Ang sungit mo naman,nagtatanong lang ang tao eeh!
“Eh ikaw kaya magkano?ikaw nalang kaya ang belhin ko huh?”sabay lapit ng mukha nito sa dalaga..hindi iyon naagapan ni carmona kaya naglapit ang kanilang mga mukha..
“Your blushing…!”sabay pitik nito sa tungki ng ilong ni carmona
“Anuuu bbaaaa!!!lumayas kanga rito!!!”
“Blag!”
“Blag!”
Sabay bato ng dalawang tray ng sunod sunod ngunit nakaiwas si drew..
“Tulongan kaya kita kung paano,masasapol ang pinatatamaan mo nyan…”ngiseng sambit ng binata habang nakapamulsa
“Hindi kapa aalis huh?gusto mo talaga masaktan?”akmang kukuha ng bangus at ibabato sa binata..
“Oyy ate,wag yan,nandadamay kapa ng isda eh,pag yan nabilasa walang bibili nyan mamaya,,
Ng marinig ni carmona, ay kumalma naman sya at umayos ng tayo..inayos ang hitsura at huminga ng malalim…
“,Bweset!!nanggigigil ako ahh!”
“Oh bat di mo itinuloy??”,pang aasara pa ng lalaki..
“Pwede ba drew?lumayas kana?baka di ako makapag timpi sayo at mahabol kita ng kotselyo…
Ang totoo naroon ang binata dahil pinahahanap sila ni sellina ng malaman nito buhat kay drew ang tungkol sa kanyang tiyang hilaw,nalaman ni sellina na nasa mintal pala ang tiyahin..at nasabi rin ng binata na ganito ang sitwasyon ng mga pinsan..kaya inutusan nya ito upang sanay matulongan…
‘ang sabi ni maam sellina makipag kita raw kayo sa mansyon sa sunday..”pag iiba nya ng usapan
Natigilan ang dalawa dahil sa narinig..
“Mabuti at mabait si maam kahit mga peke kayo eh,nais nya parin kayong tulongan..
Wag na kayong chusssy dahil para rin sa inyo yan!”
“At para magkalapit tayong mabuti!”mabilis itong nakalapit sa harap ni carmona at bumolong at sabay kindat..
“Pesteeee!!!”hiyaw nya kahit may parte ng kanyang puso na kinikilig..
patakbong umalis si drew…kailangan nya pa kasing bumalik ng mansyon,kulang ang tauhan doon at baka sumugod nanaman ang mga hayop na tauhan ni alejandro ….
“Mi-ra?gising kana…thank you god,!”,bulalas ni ashton dahil sa kakamulat lamang na babae..
“As-ashton??”
“Oo,ako mira!im so happy that your awaked now,sandali lang huh,at tatawagin ko ang doctor..”akmang tatayo ang binata mula sa pagkakaupo,sa tabi nito ng hawakan nya ang kamay ng lalaki..
“Ma-maya na!”mahina nitong sambit,siguro ay dahil sa ilang araw ring pagkakatulog..may dalawang araw na kasi itong tulog simula ng mailipat sa silid na iyon
“Pwe-pwede ba akong makahingi ng tu-tu-big?”ng marinig iyon ng binata ay agad naman nyang kinuha ang pitsel at baso na nasa katabing table lamang..
Pagkatapos mainum ng babae ay inilalayan ito ni ashton upang muling mahiga
“Thank you!”bulong nito
“Na-nasaan si ate sellina at pa-pa?”inilibot kasi nito ang paningin ngunit wala syang nakitang presinsya ng ama at kapatid,nakita rin nya na bakante ang isang kama,
“Naglakad lakad lang sa labas ang papa mo habang kasama si sellina,tinanong nila ako kung pwedeng ako muna ang magbantay sayo,”ngiteng sagot ni ashton..
“Sandali lang huh,tatawagin ko muna ang doctor mo!”tumayo ang lalaki at mabilis na lumabas ng silid na iyon…
Ngunit hindi pa nagtatagal ay muling bumukas ang pinto at..
“Mira?gising kana….”naglakad ito palapit sa kapatid na may masayang mukha,habang hawak hawak ang ama sa kaliwang kamay..
“Anak,gising kana talaga..”akmang maiiyak ang ginoo ng..
“Oops tama na ang iyak pa!makakasama sayo ang laging ganyan”si sellina iyon ..
“Pero nasaan si …
“Narito ako,”sagot mula sa likod,kasama nya ang doctor ….
Tumabi muna ang ama at si sellina upang matingnan ng doctor ang kalagayan nito..
May ilang minuto ring sinuri ang kanyang heartbeat at oxygen..maging ang decxtrose ay pinalitan din ng nurse na kasama nito..
Maya maya humarap na ang doctor kay sellina at dalawa pang lalaki na naghihintay..
“Mr.Balderama,okay na...


ang anak ninyo!ang paghilum nalang ng kanyang sugat ang ating alalahanin,masasabi kong matapang sya dahil mabilis itong nagising,may mga kaso hu kasi tayo na umaabot ng buwan bago magising ang isang paseyente na kagaya nya..”ng marinig iyon ng lahat ay apaw apaw ang saya sa kanilang mga puso..lumapit pa si sellina kay mira at hinawakan ang kamay nito..
May iilan pang sinabi ang doctor bago tuloyang lumabas
,ang ama nito ay pwede na raw lumabas ng araw din na iyon
Wala si Demon ng mga uras na iyon dahil pinauwe sya ni sellina upang kamustahin ang mga bata sa mansyon..ayaw nya sana ngunit wala itong magagawa dahil si sellina ang laging masusunod..
“Sorry ate huh!”malumanay na boses ng kapatid.nasa tabi lamang nya si sellina habang pinagbabalat nya ito ng orange..
“Anu kaba,wala na iyon!wag kang mag alala napatawad kana rin ng pamangkin mo mula sa langit..”
“Patawad talaga sa mga nagawa ko sayo noon…”nagbabadyang tumulo ang luha nito
“Ssshhh okay na,wag kanang magsorry ako nga dapat ang humingi sayo ng patawad.dahil kung hindi kapa nabaril hindi parin siguro tayo nagkabati.pasensya kana,masyado lang akong nasaktan..
“Basta magpagaling kana para uuwe na tayo..naghihintay si Alli at Elli sayo sa mansyon!”ng marinig nya iyon ay ganun na lamang ang galak sa kanyang mukha..
“Kambal ang mga pamangkin ko??”hindi nya makapaniwalang tanong
“Oo,kambal sila at gusto kana nilang makita!”
masaya ang buhay kapag wala kang kagalit.
masaya ang buhay kung wala kang hinanakit
Mas sasaya ang buhay kong magpapatawad
Magiging panatag ang iyong pakiramdam..
“Ashton,!!”tawag ni sellina sa binatang nasa likod,alam nya na may gusto ang doctor sa kapatid..
“Yes?”sagot nito
“Ikaw muna dito pupunta muna ako sa billing station para maayos ang mga bill ni papa sa hospital.i know kanina kapang hindi mapakali dyan!”sabay ngise
“Ate naman!!”protista ni mira
“Ahh-eh huh..si-ge…
“Kita mo,mautal utal kana,wala naman akong sinabi!”napatawa nalamang silang tatlo ma naroon sa loob..lumabas kasi saglit ang kanilang papa dahil may tatawagan raw..
May isang linggo rin ang itinagal ni mira sa hospital..at halos sa lahat ng uras si ashton ang nagbabantay sakanya..
Hanggang sa pag uwe nga,sa bahay nila ay kasama parin si ashton..
Kaya nasisigurado na ni sellina na mahal nanga talaga ng binta ang kapatid..
At masaya sya dahil don..
“Ooh wag kang lakad ng lakad huh?baka mabinat ka!”si sellina iyon na palabas na ng bahay ng ama..
Nasa mansyon pa kasi ang mga anak nito at hinihintay sya..
Bukas pa nya dadalhin ang mga bata,walang alam si Enrico na may mga apo na pala sya,isusurprise daw nila ang ama..
“Oo na!ingat ka ate!”kasama nya si ashton,sya ang tatayong doctor ni mira ..ang papa kasi nila ay busy nitong mga nakaraang araw,di nila alam kong bakit at anu nga ba ang pinagkakaabalahan..maaga itong aalis at hapon na kung bumalik..ngunit hindi naman nya nakakalimutang kamustahin ang mga anak..
Siguro marami lang gawain sa kumpanya,syempre pareho silang nahospital ni mira kaya wala ng nag aayos ng mga papeles…
“Dalhin mo sila bukas ate huh??”tinutukoy nya ay ang mga bata
“Oo,dadalhin ko ..basta wag kang magalaw,ashton,tandaan mo malalagot ka sakin kapag di mo sya inalagaan ng mabuti..
“Oo sige ako ng bahala sa kapatid mo,at sa magiging girlfriend ko!”mahinang sambit nito sa “girlfriend”
“Anu kamu??”
“Wala ah,wala akong sinabi maang maangan nyang sagot kay mira…
Tumalikod na si sellina dahil gusto nyang magkasarilinan ang dalawa..masaya talaga sya para sa dalawa..
“Tara na!”malambing na saad nito sa asawang nakatayo sa labas ng kotse..habang naka cross arm pa,mukhang nainip yata sa kahihintay sakanya..
“Akala ko mamaya pa eeh,bakit nga pala kinausap mo yung ashton?”seryuso nitong tanong kaya imbis na pumasok sa kotse ay hindi nya ginawa bagkos tumawa na lamang ito..
“whats funny??”
Ngunit wala paring sagot mula sa babae..puro tawa nalamang ang maririnig sakanya
“,Anu ba sellina,nagagalit na ako!”natigil lang si sellina ng midyo lumakas ang boses nito..
“Selos ka??”na may pang uuyam
“No!”
“Asus selos ka eeh!”
“I said no!”
“Selos lang yan..
Balikan konga doon si ashton tapos yakapin ko narin para …..
“Subukan mo,ng sumabog ang ulo nya..
Seryuso ito at halos magliyab ang mga mata sa galit..
Kaya tumigil na si sellina,lumapit sya sa asawa..at niyakap ito ng mahigpit..
“Joke lang eeh!ikaw ang love ko..
I love you honey!!”ng marinig iyon ni demon ay bigla na lamang nyang siniil ng halik ang asawang nakatitig sakanya habang nakayakap..
Napikit na lamang din ang babae dahil sa sarap ng mga labing dumadampi sakanyang mga labi…
“Tara,na!doon tayo sa bahay…akala mo makakatakas kapa!”bulong nito bago hinila ang babae papasok sa kotse…โค๏ธ






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. lagot ka sellina patay ka kaw kasi ehh ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

Leave a Reply


top