Fatima Iha are you alright? Bakit di ka na lumalabas diyan? Is there something wrong?” sunod sunod na tanong na nagmumula sa labas ng pintuan. Hawak hawak ni Fatima na ang pregnancy test at dalawang guhit ang lumabas doon. Its mean buntis siya. Sobra ang saya na nararamdaman niya at ang kaba kung paano niya sasabihin iyon kay Tyler kahit alam niyang gusto rin namang nitong magkakaanak sila ulit.
Binuksan niya ang pintuan at lumabas na. Ang Tita Clara niya agad ang sumalubong sa kanya. Mukhang sobrang excited nito malamang ang resulta.
“Positive po” mahina niyang ani pero sapat na para marinig nito.
“Mommy ano po yung positive? Mommy may sakit po ba kayo?Lola-Mami ano nang ang mangyayari sa mommy ko.” naandyan rin pala ang anak niyang si Faith na mukhang walang alam sa nangyayari.
“Fatima I’m so happy! Kailangan nila itong malaman.Matutuwa sila lalo na ang asawa mo. Faithy magkakaroon ka na ng kapatid”sabi ng ginang dulot ng sobrang kasiyahan.
” Buntis ka po mommy? Wala po kayong sakit? Yey!!!! Ang aga naman po nung birthday gift ko.Mommy love you po talaga!!!Yiee!!! Matutuwa si daddy!!!” bahagya silang nagawa sa reaksyon ni Faith.
“Baby pwede Wag mo muna ng sabihin sa daddy mo?”
“Bakit Iha ohh I know. Don’t worry we’ll keep it. Di ba Faithy sa atin munang tatlo ng mommy ang secret na ito?” sabi ng ginang ng may ngiti sa labi. Tumango lang naman ang anak niya.
“Siyempre po.”
“Fatima do you want something?anong gusto mong kainin? Mag-uutos ako sa maids. Just tell me.”
“Wala naman po. Matutulog lang po muna ako sa kwarto.”
“Doon ka matulog sa kwarto niyo ni Tyler. Just rest in there.”
“Edi bawal na po asarin ni Tito Troy si mommy? Lagi niya po kasing iniinis si mommy ko, di naman po funny.”
“Pagsasabihan natin ang Tito mong yun Faithy.Gusto mo bang pumunta sa restau ni Tita Trish? Punta tayo doon ibili natin ng food ang baby sa tummy ng mommy mo.”
“Sige po! Para po makapagpahinga ng mas better dito si mommy para walang kukulit sa kanya.” masayang ani ni Faith. Gustong gusto kasi nito sa restau ni Trish.
“Baby behave ka doon ha.”
“Oo naman yes mommy. Uuwi rin po kami agad. Para pagwake up niyo po may kasama na ulit kayo dito.” niyakap niya naman ang anak niya. Ang ginang naman ay masaya lang silang pinapanood pero di kalaunan sumama na ito sa yakap.
“Thank you for coming in this family Fatima. You’ve bring so much happiness to us.” mahinang sabi ng ginang pero sapat na para marinig niya. Napangiti naman siya sa sinabi nito.
Pagkatapos noon ay nagpunta na nga siya sa kwarto nahiga doon pagkatapos ay natulog.Nakatulugan niya ang pag-iisip kung may kinalaman ba talaga ang sorpresang iyon sa di pagpansin sa kanya ni Tyler.
“SIR umalis po ang mommy niyo kasama si Faith. Si Ma’am Fatima po nasa kwarto natutulog po” bungad sa kanya ng kasambahay pagkapasok niya sa mansyon. Kailangan niyang bumawi sa asawa. Ang daddy nila muna ang nag-aasikaso ng kompanya para mapagtuunan niya naman ng pansin ang asawa. Malapit na rin kasing matapos ang inahahandang sorpresa para rito.
Pagkarating niya sa kwarto nila naandun nga si Fatima. Mahimbing itong natutulog. Di maiwasan ni Tyler na pakatitigan ang magandang mukha ng asawa.
Hinalikan niya ang noo nito. Sunod ay ang pisngi.Hanggang sa...