Chesca’s POV
Pauwi na ako matapos kong i-meet si Dale and just like before wala parin siyang mahanap tungkol sa kapatid ko. Hindi ko na alam kung saang lupalop pa ng mundo ko hahanapin ang kapatid ko. Ang isang bahagi ng isip ko nagsasabing tumigil na pero hindi, hindi ako pwedeng sumuko nakaya kong ipahanap siya ng anim na taon at kakayanin ko paring maghintay kahit ilang taon pa. Mahanap lang siya.
“Mahahanap din kita, Mia.” naiiyak na bulong ko sa sarili.
Ringgggg…..
Narinig kong may tumatawag sa phone, nang kunin ko iyon, unknown lang ang nakalagay.
“Hello?” isang boses na hindi ko alam kung kanino.
Nawala din ang tawag at nung di-nial ko ulit hindi na siya makontak. Nagtataka akong nakatitig sa number pero wala talaga akong maalala na may pinagbigyan ako ng number ko.
Nasa elevator ako nang bigla kong maalala na nakalimutan ko sa kotse ang book na binili ko kahapon kaya naisipan ko itong balikan. Nang nakuha ko na ito bumalik agad ako sa elevator hindi pa...