The bitches Chapter 4


Nakasimangot siyang umuwi sa kanila.
“ Okay lang?” bungad sa kanya ni Lewis ng makapasok siya sa loob ng kanilang bahay, hindi ma ipinta ang kanyang mukha.
“ That bitch pinahiya ako sa harap ng mga kaibigan niya” sumbong niya sa asaw.
“ May sa demonyo talaga yang si Julia” bulalas nito sa inis.
“ Ipag pahinga mo nalang yan, magiging okay karin bukas” anitong inakbayan siya paakyat sa itaas.
Nakahiga na siya sa kama hindi parin nawala ang pangigil niya kay Julia.
Napakuyom siya sa galit. Naramdaman niya ang pagyakap ni Lewis sa kanya yumakap siya rito pilit pakalmahin ang sarili niya. Alam niya sa sarili niya na kapag may kina-iinisan siya hindi iyon basta basta nawawala sa kanya.
“ SAB, sorry talaga sa nangyari ka gabi, hindi ko talaga sinasadya” ani Julia sa kanya maaga siyang pinuntahan nito sa bahay niya.
Nakatayo siya sa gate, kalalabas lang ni Lewis papuntang trabaho ng kausapin siya ni Julia.
“ Pasensiya na Julia, may gagawin pa ako” aniya at sinirado ang gate.
Sawa na siya sa ugali nito. Kung pakikipag plastican lang naman ito sa kanya minabuti niyang tuldukan na niya. Wala naman siyang kailangan rito, ano pang saysay mag imbak siya ng plastic na katulad ni Julia sa buhay niya.” Tapon na kita ng ma recyle ka ng iba, plastic!” aniya sa sarili pumasok sa loob ng bahay.
Kapapasok palang niya ng tumunog ang kanyang celphone kinuha niya iyon at tinignan sino ang nag message.
Napakunot noo pa siya ng makita ang mensahi ni Brandon.
“ Hi, Sab” denilet niya lang ito at muli nilapag ang celphone sa ibabaw ng center table.
“ Sab, ako na ang hihingi ng tawad sa ginawa ni Julia sa iyo ka gabi” text nitong muli
Ni replayan na niya ito para matigil na
“ Okay lang, pero ayaw kuna pumunta pa kayo dito sa bahay”
Hindi na ito nag reply pa sa kanya. Siguro na hiya na ito sinabi niya.
Sumandal siya sa kanyang inuupuan at pinikitpikit ang kanyang mata.
Napa piksi siya ng tumunog ang kanyang celphone.
Inabot niya iyon, napangiti siya ng makita ang number ng asawa.
“ Babe, napatawag ka?” aniya
Napakunot noo siya sa sinabi nito.
“ Nag aya si Brandon sayo?” tanong niya rito
“ Hindi naman sa sinali ko siya sa galit ko kay Julia ayaw ko lang makita ang pagmumukha ng babaeng iyon” tugon niya
“ Kung hindi kasama si Julia di okay, pupunta ako mamaya, hindi na ako magluto ng hapunan kung ililibre niya tayo mamaya” pagkasabi niyon ay pinindot niya ang end button.
“hmmmm babawi siya para sa kasalanan ng walang hiya niyang nobya. Sa bagay wala rin naman itong kasalanan” aniya sa sarili.
Alas sais ng hapon nakapag bihis na siya. Hinantay niya nalang na sunduin siya ni Lewis.
Nagulat siya ng may bumosena sa labas ng kanilang gate, sinilip niya iyon, napakunot noo siya makita ang sasakyan ni Brandon nag antay sa labas.
Yon din ang nag text sa kanya si Lewis
“ Babe, si Brandon nalang ang susunod sayo, nasa bahay daw siya ni Julia papunta din naman siya rito sumabay kanalang sa kanya” ayon sa text ng asawa.
“ Kakahiya naman” bulalas niya
Nilabas niya si Brandon. Nag mamadali itong bumaba sa hilux nito ng makita siyang palabas ng pintuan.
“ Hi” nakangiti nitong bati ng makalapit siya sa may gate.
“ Hello, nakakahiya naman sayo ikaw pa ang sumundo sa akin” aniya
Binuksan nito ang passenger seat sa tabi ng driver seat.
“ Naku ayos lang yon, nasa kina Julia din naman ako. Nang mag usap kami ni Lewis, since malapit lang ako, nag alok na ako kay Lewis na danan nalang kita at antayin niya nalang tayo doon sa club” anito
“ Pupunta tayo sa club?” kunot noo niyang tanong.
“ Oo, para naman mag karoon tayo ng bonding tatlo. Na -e-stress na rin ako sa pag uugali ni Julia” anito sa kanya pinaandar ang sasakyan.
Napa ismid siya” naku wag na natin pag usapan iyon parang nakaka bad vibes ang babaeng iyon” nakangiti niyang sabi rito.
“ Mabuti panga” tugon nito
Gusto niyang sabihin na “ mabuti nakatagal ito sa pag-uugali ni Julia” pero pinigil niya ang sarili baka ano pa ang isipin nito.
“ Mabuti pa si Lewis naka hanap ng katulad mo mabait. At kuntento lang sa buhay” bigla nitong sabi
“ Mabait din kasi ang asawa ko, mapag mahal siya” mabilis niyang tugon rito.
“ Ako din naman mabait” sinundan nito iyon ng tawa.
Bahagya siyang natigilan hindi niya alam kung bakit nito iyon nasabi” well, makahanap karin ng katulad mo mabait” sabi na lamang niya
“ Sana yong kagaya mo” walang pasintabi nitong sabi
Ramdam niya ang pag init ng kanyang pisngi siguro kung maliwanag lang nakikita siguro nito ang pamumula ng pisngi niya.
“ Sana maka abot na tayo noh? baka kanina pa nag hihintay si Lewis” pag iba niya sa paksa nila.
“Yaan mo makarating din tayo” nakangiti nitong sabi
Twenty minutes din ang binayahe nila bago narating ang club kung saan nag hihintay si Lewis.
“ Buto hindi kayo na traffic” bungad sa kanila ni Lewis ng lapitan sila nito. Pinagbukas siya nito ng pinto.
“ Walang traffic kaya smoth ang takbo ng sasakyan” sabad ni Brandon.
Inalalayan siya ni Lew makapasok sa loob.
Gusto niya sabihin rito na wag na nitong ulitin na papasundo siya ng iba, Kapag hindi siya masundo nito e suggest nalang niya na mag taxi siya. Pero nakabuntot si Brandon. Intayin nalang niyang makauwi sila sa kanila.
Nakahanap sila ng table na ma uupuan nilang tatlo.
Magka tabi sila ng upo ni Lewis ng may tumawag sa kanya.
“ Sabrina!”
nilingon niya ang pinanggalingan ng
boses.
“ Summer, ikaw pala yan. Sino kasama mo...


dito?” aniya sa kaibigan.
“ Sino pa sila Mia at Agnes” nakanhiti nitong tugon.
“ Hindi kayo nag yaya” aniya sa nagtatampo na boses.
“ Gaga! andito kana yayain kapa namin.” Naka bungisngis nitong sabi.
Tinawag nito ang mga kaibigan at tumabi at sumama sa table nila.
Masaya silang nag ku-kwentuha habang ang dalawang lalaki si Lewis at Brandon nag iinuman.
“ Wow, nandito pala kayo, hindi man lang kayo nag yaya sa akin”
Sabay sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses.
Saglit siyang na tigilan ng makita si Julia, “ Oh andiyan ka pala” sabi niya ng makabawi.
“ Join us” aya pa niya rito.
Umupo si Julia sa tabi ni Brandon.
“ This must be a good party” Bulalas niya kay summer.
Napaindak sila sa tugtug habang nakaupo.
Hinila siya ni Summer papunta sa gitna hindi na nito na tiis ang sarili.
mayamaya lumapit ang groupo ni Julia sa gitna. Nakisali na ito sa kanila kasama ang iba pang nagsasayawan.
Napansin niyang patawa-tawa ang groupo ni Julia
Nilingon niya si Lewis na noon ay busy nakipag usap kay Brandon ng biglang may tumulak sa kanya.
” Shit!” sigaw niya ng napasubsub siya sa lalaki nag sasayaw.
“Bakit kaba nanunulak?” inis niyang baling kay Julia
“Sorry hindi ko sinasadya” anitong nakangiti.
Naiinis siyang bumalik sa table nila. Sinundan siya ni Summer.
May naisip siya idea magantihan si Julia at ang groupo nito.
Binulungan niya si Summer napahagikhik pa ito sa sinabi niya.
mayamaya nakita niya si Julia nag lakad palapit sa kanila. Natatawa parin ito.
“Muntik kuna maka limutan birthday pala ni Charmen bukas” aniya sa mga kaibigan.
” Bukas ba yon?”Takang tanong ni Mia agad itong kinurot ni Summer hudyat sumakay ito sa kanila.
” Oo nga pala naka limutan kuna” Sabi nito na nakangiti.
” Ano daw outfit?” Tanong ni Summer.
” Sabi niya sa text, Kailangan naka long dress daw. Para maganda sa picture taking alam mo naman yon maarte” tugon niya
” Ang bongga naman niyan buti nalang may dress na ako” ani summer.
” Julia, gusto mo ba sumama?” Baling niya dito. Pwedi mo din naman isama ang mga kaibigan mo kung gusto mo” ayaw niya rito
” Sama na tayo Julia, may pa long dress outfit sila, Sosyal yon diba?” Sabad sa isa sa mga kaibigan ni Julia.
nag isip ito saglit. ” Sige sasama kami” anitonv nakangiti
” Bukas, mga alas 6 ng hapon. Pakuha ko nalang kayo sa driver namin” Alok ni Summer sa kanila.
Maghahating gabi na nang ayain na niya ang asawa umuwi. Nakainom ito pero hindi naman nalasing.
Habang nakahiga siya sa kama inisip niya ang plano niya para kay Julia sagad na sagad na siya rito.
HAPON ng alas singko palang handa na ang groupo ni Julia excited na ang lahat sa party. Naka sout ng golden long dress si Julia, na may slit sa gilid. At kinukulot nito ang mahahaba nitong buhok.
” Ganda mo naman ma’am Julia” Puri ng driver na sumundo kina Julia. Inalalayan nito si Julia makasakay sa van.
” Nasaan sina Sabrina?” Tanong ni Julia ng hindi makita si Sabrina.
” Nauna napo sila ma’am”
” Saan ba ang venue?” curious niyang tanong sa driver.
” Sa Maridel Hotel po ma’am”
” Wow… Ang bongga naman 5 start hotel kaya pala pinag long dress tayo” Bulalas ng isa niyang kaibigan.
” Julia sa birthday mo diyan mo din e celebrate, afford mo naman yan” Sabi ng isa pa niyang kaibigan
” Oo syempre, si Brandon naman ang mag babayad” nakangiti pa niyang sabi.
” Picture picture tayo girls” Sabi niya sa mga kaibigan. Ang saya saya nila nakikipag picturan.
Bigla siyang natigilan ng huminto ang van sa funeral homes
” Kuya, bakit po kayo huminto dito?” Hintatakutan niyang tanong.
” May dadaanan lang po tayo dito ma’am.” Tugon ng driver.
NAPANGITI si Sabrina ng makitang pumarada ang Van na sinasakyan nina Julia sa kanilang likuran. Sakay sila ng taxi hinintay sina Julia.
bumaba siya at nilapitan ang Van.
” Hi girls! Ang ganda niyo naman sa Long dress niyo, reading ready na talaga kayo sa party” Nakangiti niyang sabi.
” Lipat tayo ng sasakyan gagamitin kasi itong van” aniya
Bumaba si Julia at sumunod ang mga kaibigan nito.
” Bakit dito tayo sa funeral home?” Maang nitong tanong.
” Kasi, dito kayo makiparty.” aniya rito
” Ano? gaga kaba!?” bulyaw nito sa kanya
” Bagay sa iyo ang gown mo dito sa funeral homes Julia. Kabaong nalang ang kulang saiyo.” Nakangiti niyang sabi.
” You bitch!!” Sigaw nito sa kanya akma siyang sabunutan.
Mabilis na hinawakan ni Summer ang kamay nito at hinila si Julia.
” Ganyan ang napala sa swapang mong ugali.
Ang haba ng pasensiya ko saiyo, pero hinihila mo palabas ang sungay ko. Ngayon, taste your own medicine. Ibabalik ko saiyo ang mga kawalanghiyaan ginagawa mo sa akin” galit niyang sabi rito sagad na sagad na siya sa kamalditahan nito.
” Bitch ka lang, Julia pero super bitch ako.
Hindi mo alam kung anong tinatago sa likod ng pagiging mapakumbaba ko saiyo.
Hindi ako tanga Julia para hindi ko mapansin pinag gagawa mo” Mariin niyang sabi.
” You will pay for this!!” Inis nitong sabi sa kanya.
” Gaganti ako sa iyo.”
” Then be it Julia. Guess what Julia?
maghanap kayo ng masasakyan niyo pauwi.” pagkasabi niyon ay sumakay na sila ng van at iniwan ang groupo ni Julia.
” Hindi ko na imagine, nag gown sila papunta funeral” Natawang sabi ni Summer
” Yan ang napala niya, kinalaban niya ako.
Ang tahimik ng buhay ko tapos basta basta nalang niya ako pinapahiya sa karamihan” aniyang tinignan sina Julia nakatayo sa gilid ng kalsada.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top