The Heartless Mafia Chapter 14


ADAM DAVID: The Heartless Mafia 🌹
Chapter 14:
NATATAWA ako dahil sa kalagayan ni Boss, hindi ko alam na katulad ng apat niyang kaibigan ay under din pala itong si Boss kay Luna. Kung hindi ko lang siya kilala ay baka kanina pa ako humandusay dito sa katatawa. Si Adam ang tipo ng lalaking marahas at walang awa, minsan nga natatakot ako sa mga pinagagawa niya dahil hindi talaga siya magdalawang isip na pumatay.
Sa loob ng ilang taon na pagtratrabaho ko sa kanya ay nakilala ko ang tunay na Adam, wala siyang takot ni kahit ang mamatay ay hindi niya kinatatakutan kaya gulat na gulat ako sa aking nadatnan. Kahit kailan walang taong kayang sigawan si Boss, ayaw na ayaw niya ang sinisigawan siya ngunit parang nag-iba ata ngayon.
“Luna my heron, please…Hindi nga ako nambae.” Napailing na lang ako dahil sa sinabi ni Adam, kahit kailan hindi siya nagmamaka-awa, kahit ata barilin siya ng kalaban niya hinding-hindi siya magmakaawa para lang mabuhay siya ngunit ng dahil lang kay Luna ay nagbago siya.
“Sinungaling!” Patuloy pa rin si Luna sa pagsigaw.
Hindi ko alam kung dapat ba akong maging masaya, alam kong umibig na si Boss kay Luna ngunit pinigilan niya lang dahil ayaw niyang mapahamak si Luna sa mundo niya. Natatakot siyang mawala ang babae dahil sa mundo na mayroon kami kahit gaano kapa kainosente ay kailangan mong madungisan manalo ka lang.
Kapag nalaman ito ng kalaban ni Adam alam kong papatayin nila si Luna. Kaya naintindahan ko si Adam kong bakit ayaw niyang aminin na mahal niya si Luna ngunit kahit hindi niya man aminin halata pa rin sa kilos niya.
GALIT na galit ako dahil sa mga kaibigan ko, kahit kailan kurimaw talaga sila, pinagalitan pa ako ni Luna at ginisa sa mga tanong niya. Siguro nga tama sila baliw na talaga ako, ako lang ata ang lalaking pinagalitan na’t lahat lahat, sinisigawan at hinahampas ay masayang masaya pa rin ako.
Kahit kailan hindi ko pa ito naranasan noon, mula ng mamatay ang aking magulang ay nalimutan ko na ang maging masaya ngunit ng dumating si Luna sa buhay ko ay pakiramdam ko ay araw araw akong masaya.
“Sana akin ka na lang. I will never leave nor hurt you. I love you, Boss.” Para akong baliw na ngumiti dahil sa sinabi ni Luna, akala niya ata tulog ako nun pero ang totoo gising na gising ako. Pinigil ko pa ang aking sarili na halikan siya pabalik para lang umakto na mahimbing ang aking tulog.
“Sana akin ka na lang. I will never leave nor hurt you. I love you, Boss.” Luna is in love with me. My heron is freaking inlove with me, she love me and I am very happy.
“Tama talaga ang hula ko na baliw na si Adam. Ngumiti siya kahit wala namang nakakatawa.” Matt.
“Sabi ko sa inyo dalhin natin siya sa Albolaryo dahil baka sinapian siya ng masamang espirito.” Si Niko.
“Kurimaw talaga kayo. May naalala lang ako.” Saad ko sa kanila.
Andito ulit ako sa meeting place namin, apat na lang kami dahil umuwi ang isang kurimaw na si Rain.
“So what’s the plan?” I asked.
“Yun pa rin, walang binago.” Saad nila.
“Kurimaw I think magiging daddy na ako soon.” Si Matt.
Nanlaki ang mata namin dahil sa sinabi niya, ang bilis naman ata niya, hindi ba siya nag-iisip? Delikado para sa mag-ina niya ang gagawin namin.
“What?” Gio.
“Bakit mo binuntis? Sana gumamit ka man lang ng proteksiyon.” Si Niko.
“Kurimaw talaga.” Ako.
“Anong meron sa kurimaw na iyan at lagi kong naririnig?” Hindi namin pinansin ang tanong niya.
“Congrats.” Si Gio.
“Sana mabaog ka.” Si Niko.
“May galit ka sa akin, Nik? Yung babae mo hindi mo binuntis? Kung ako sa inyo buntisin niyo ang mga babae niyo para hindi kayo iwan.” So, kapag binuntis ko si Luna ay hindi na niya ako iiwan? Hindi kaya magagalit iyon? Nakakatakot pa naman siya magalit.


/> “Sana akin ka na lang. I will never leave nor hurt you. I love you, Boss.” Napangiti ulit ako dahil naalala ko na naman ang sinabi niya. Sabi ni Luna hindi niya ako iiwan at sapat na sa akin ang salita niya.
“Ganun ba iyon? Pero hindi ako iiwan ni Shantal dahil mahal niya ako.” Si Gio.
“Naniniwala ka naman? Iba talaga kapag binuntis mo dahil wala ng kawala.” Tama nga naman, iniisip ko pa lang na iiwan ako ni Luna ay parang magwawala na ako sa sakit.
Kailangan ko na namang akitin? Hinding-hindi ko na gagawin ang ginawa ko noon, ang pilitin siya.
“Paano? Nakakatakot si Luna kapag nagalit.” Ako.
Nanlaki ang mata ng tatlo at humahalakhak dahil sa sinabi ko, para silang hindi makapaniwala na natatakot ako sa isang babae pa.
“Akala ko ba wala kang kinatatakutan? Ano? Na under de saya ka na? Under de Luna?” Umiling lang ako dahil tama siya, kinain ko na ang sinabi ko, kung noon wala akong kahinaan, wala akong kinatatakutan, ngayon mayroon na and its Luna.
“Isa itong kape na pampagana, hindi iyan nakakasama. Iyan ang pina-inom ko kay Laura.” Si Matt.
Binigyan niya kami ng dalawang box ng kape na sinasabi niya.
“Ayos lang kayang mabuntis?” Si Gio.
“Off course, bakit ba kayo natatakot makabuntis eh ang dami niyo namang pera.” Si Matt.
Tama nga naman siya, bakit ba ako matatakot kong mabuntis ko si Luna gayong kaya ko naman siyang buhayin. Ang isiping buntis si Luna sa magiging anak ko ay naghahatid sa akin ng subrang kasiyahan, may matatawag na akong pamilya at uuwi ako galing sa trabaho habang naghihintay sa akin si Luna at ang aming magiging anak.
Ang problema ay galit iyon sa akin, ni hindi nga ako pinansin ni Luna, dahil sa mga kurimaw na ito. Kung hindi dahil sa kanila maaga sana akong naka-uwi at hindi na sana kami nagtatalo ni Luna.
“Paano na? Ayaw ni Shantal ng kape.” Si Gio.
“Mabuti na lang mahilig ang sa akin ng kape. Araw araw ko siyang timplahan nito.” Si Niko.
Nakita ko ang pag-ngiti ni Matt na para bang nanalo siya ng lotto, hindi ko pa nakita o nakilala ang babaeng kinababaliwan ni Matt kasi wala akong oras para alamin ang lovelife ng iba, maliban sa kay Gio, Niko at Rain kilala ko ang mga babae nila tanging kay Matt lang ang hindi.
Marami na kasing nangyari sa loob ng limang taon. Limang taon ng na sa akin si Luna, sixteen pa lang siya noon at ako naman ay biente tres, Ngayon ay twenty one na si Luna at ako namay nasa twenty eight.
“Ano bang pangalan ng girlfriend mo?” Tanong ko kay Matt.
“Laura.”
“Laura? Just Laura? Walang apelyedo?” Si Gio.
“Kurimaw ka talaga kahit kailan. Pangalan lang ang tinanong kaya bakit ko lagyan ng apelyedo?” Si Matt.
“What’s her full name?” Niko.
“Laura Rabiya Laurente.” Napaawang naman ang aking labi dahil sa tinuran niya, bago ko dinala si Laura sa mansiyon sa pilipinas ay pina-imbestigahan ko siya. Ang boung pangalan niya at ang mga pamilya niya.
Luara Rabiya Laurente at Luna Naveah Laurente ay magkapatid. Si Laura na binuntis ni Matt at ang Luna na nasa pader ko ay magkapatid.
“What the hell!” Paanong nangyari? Ang bata pa ng kapatid ni Luna tapos binuntis na niya. Nasa nineteen na ngayon ang babae and she still so young.
“Bakit ka nagmura?” Sila.
“Wala! Ang pangit niyo. Mga kurimaw kayo kahit kailan.” Ako.
“Ano bang mayroon sa kurimaw na iyan? Lagi ko iyang naririnig. Hindi ko gets.” Si Matt.
“Ikaw! Kurimaw ka!” Si Gio.
“Oo nga, mukha kang kurimaw.” Si Niko.
“Gwapo ba ang kurimaw?” Si Matt.
“Yeah it’s gwapo. Kurimaw means gwapo.” Si Gio.
Ang kurimaw ay ibigsabihin ay baliw, kurimaw talaga siya kapag nauto siya ng dalawa.
“Wow! Kurimaw pala ako.” Si Matt.
Napailing na lang ako sa mga kabaliwan nila.
*Baka po matagal akong makabalik sa pagsusulat, one week po. Thank you.*






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. Okay lang po, Miss A. Kayo po bahala. Sslamat sa ud.

Leave a Reply


top