When a Single Mom meet the HOT CEO Continuation of Chapter 10


David’s POV:
Sa pagsulong ko sa swimming pool, mapwersa kong ini-ahon si Kate para iligtas siya.
Kaso naalala kong wala na pala akong saplot ngayon dahilan para lumaki ang mata ni Michael at mapasigaw ito.
“Papa, yung bird niyo po, baka lumipad!”, sigaw nito at tinakpan ang mata gamit ang kanyang kamay.
But I don’t care anymore, sila lang na dalawa ang makakakita nito, dahil pinaalis ko ang mga maids.
So ang ginawa ko, agad kong hinawakan ang mukha ni Kate para i-mouth to mouth siya.
Eto kasi ang tanging alam ko kapag nalunod ang isang tao.
“Papa, nakaka-ilang kiss ka na kay mama ha? Chinachansingan mo na yata siya.”, saad nito sa akin.
D*mn! Akala ko ba, hindi na ito nanood?
Nakasilip pa rin pala ang isa nitong mata para panoorin ako.
“Michael, tumalikod ka nga. This is not suitable to your age.”, bigkas ko sa bata.
Kaya agad n’yang sinunod ang bilin ko, at muli kong hinalikan ang mama niya dahilan para mapa-ubo ito ng tubig.
“Thanks God, you’re now safe!”, sambit ko kasabay ng pagyakap ko sa kanya.
“G-gag* ka! Papatayin mo talaga ako!”, pagmumurang bigkas ni Kate.
“Sorry na. Akala ko kasi, nagbibiro ka lang nung una.”, malambing na turan ko para patawarin niya.
Pero bahagya n’ya akong tinulak, kaya awtomatikong napa-upo ako sa sahig.
And because of it, buong-buo niya nasilayan ang pagkatao ko.
I guess, halos tatlong minuto s’yang nakatingin kay j*njun habang ang bibig niya ay nakanganga.
“You like it?”, mapang-asar na saad ko.
“H-huh?”, tanging bigkas nito at napaiwas ng tingin.
“H-hindi ah.”, she continue.
“Then why are you blushing? Gano’n ba ako ka-hot, pagdating sayo?”, I asked her.
Nanatiling nakangisi ako para tuksuin siya.
“Hindi ko alam, kung saan ka humuhugot ng yabang para sabihin ‘yan?”, inis nitong wika.
Tumayo siya at tumalikod na rin.
But still, patuloy siya sa pagsasalita.
“Maliligo, tapos walang saplot o suot na brief man lang? What the hell?! Kulang ka yata sa bakuna!”, panenermon niya.
Kaso sa halip na magalit ako, I choose to laugh.
Lagi n’ya akong napapasaya kahit na below to the belt na ang mga sinasabi nito...


sa akin.
“Magtuwalya ka na nga! P*ste ka! Ang kabastusan mo nakikita ng anak natin! Anong klase kang ama ha?!”, muli nitong sigaw.
Wait, did she said the word, ‘natin at ama?’
“I mean, m-magtuwalya ka. Potah!”, saad ulit ni Kate na tila nabigla kanina.
But it’s too late.
Because I already heard it.
“Eto na nga, susuotin ko na ang tuwalya, honey. Dahil ayokong nagagalit ang ASAWA KO.”, madiin na bigkas ko para maramdaman niya ito.
Kaya agad kong pinulot ang towel, at muli itong pinulupot sa aking bewang.
“I’m done, wifey. You can look at me, now.”, pagtuturan ko.
“A-ayoko nga. Baka jinojoke mo lang ako eh!”, saad nito na animo’y hindi naniniwala.
So I don’t have choice kundi ang yakapin siya mula sa likuran niya.
“You feel it? May towel na ako, Kate.”, bulong ko sa tenga ng babae.
“Edi ayos! Baliw ka talaga!”, bulyaw nito at binatukan pa ako.
“Honey naman, hindi lang ako sanay na sumuot ng brief kapag naliligo. Feeling ko kasi, hindi na-eenjoy ni j*njun ang paglangoy kapag nasa loob.”, pagpapaliwanag ko para sa gano’n malinawan siya.
“Tsk. Alien ka yata! Ang lakas ng loob mong mag-ganyan sa harapan ko!”, pangbabatok niya ulit.
“Mama, papa, tama na po ang away. Kanina pa ako nangangalay sa kakatakip ng mata ko eh!”, rinig kong saad ni Michael.
Hanggang ngayon, hindi pa rin niya inaalis ang kamay sa mata.
And yeah, that’s my son!
He’s a good boy! Masyadong masunurin.
“Okay na Michael. Pwede mo na kami tingnan.”, turan ko sa bata.
And this day, we enjoy our swimming.
Nagsuot na rin ako ng trunks para kahit papano, hindi maging awkward ang moment naming tatlo.
At sa oras na ‘yon, narealize ko na mas mabilis turuan ang bata na lumangoy kaysa sa babae na puro daldal.
Hindi ko sinasabi na si Kate ‘yon ha? Pero parang gano’n na nga.
©Binibining_Timoji
____
A/N: Natatawa ako sa mga comments niyo. Matagal ko na ‘tong tapos last year pa. Nasa Chapter 70 po ito lahat. Sana nagugustuhan niyo, kung ano ang pagtawa niyo, ganon din ang pag-iyak niyo sa mga susunod na kabanata.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. omg….nabaliw aq saglit kay david

Leave a Reply


top