I’M HER DAUGHTER AND HE’S THE LAST HEIRS❣️KABANATA IKA-LABING SYAM


Padarag na binuksan ni Eight ang pinto ng Dean Office tsaka ibinagsak ang dalawang kamay nya sa mismong harap ni Esteven.
*BLAAAAG!
“Ano ba talagang balak nyo! “galit na ani Eight sa lolo nya. “Una! Tinapon nyo si Yana sa impyernong iyon! Pangalawa ay dinamay nyo pati ang kaibigan nya! ” hindi nito napigil ang pag sigaw nya. “Gusto nyo ba talagang kamuhian ako ng kapatid ko! ” nang gigilid ang luha ni Eight dahil sa galit.
“Kumalma ka apo, dahil si Thalia naman ang gumawa noon para sa’yo.”nakangising ani Esteven.
“Lolo! “sigaw ni Eight na halos lumabas na ang litid nito sa leeg, iniangat nya ang paningin nya tsaka pumikit kasabay ng paghigop nya ng hangin para pakalmahin ang sarili. “Gumagawa kayo ng hakbang na walang pasabi manlang sa’kin? Bakit Gusto nyo din bang gumawa ako ng hakbang na wala ang utos nyo..”
Napatayo si Esteven kasabay ng pag bagsak din nya ng palad sa mesa. “Kinakalaban mo ba’ko Estevan Ieon Throy! ”
“wala po akong binanggit pero kung ganun ang dating sa inyo, wala akong magagawa, sa susunod na galawin nyo ang babaeng iyon ay hindi ako magdadalawang isip na makipag usap kay Alexa Chadreia para pigilan kayo.”
Nasabi iyon ni Eight dahil iniisip nya ang kasunduan sa pagitan ng babaeng iyon at nang bunsong kapatid nya.
“p-paano mo nakilala ang taong iyon! “galit na sigaw ni Esteven kahit pa nauutal sya.
Hindi sumagot si Eight sa halip ay tinalikuran nya ang sariling Lolo.
“Eight.. “bungad ni Ivo nang makalabas si Eight sa office.
Nakapamulsa nyang tinungo ang Office ng mga professor. ” I suggest to make a Party with in one month, pati na ang Campus Queen ay babaguhin na. ” ani Eight.
“Pero bakit? “anang babaeng proffesor sa English.
“isang tanong mo pa ay sa Deathris kita dadalhin. ” nakakatakot ang paraan kung paano magsalita at umasta si Eight. “Ngayon, magsisimula na ang totoong laro.” ani Eight tsaka nagpatuloy sa paglakad kasama si Ivo at Raizen.
tinungo nilang tatlo ang classroom kung saan naroon sila Thalia.”Kailangan kitang makausap. “malamig na saad ni Eight. ” pati ikaw. Sa punishment room. ” tukoy nito kay Avanshien.
“Bro hindi kaya maging tagilid tayo sa Gregx Group?”bungad ni Raizen pag labas ni Eight.
“Subukan nila na kantiin ang isa man sa’tin ay hindi ako mag dadalawang isip na papuntahin ang babaeng Mc Cleary dito. ” tukoy ni Eight sa ina ni Hayasein.
“sinong babae? “takang tanong ni Ivo. “Si Alexa ba? Iyong Captain ng Alpha? Pero hindi ba’t kalaban sya ng ating pamilya?”
“Sa bawat kwento may nakatagong sekreto paano kung sya ang nag sasabi ng totoo? ” ani Eight.
“Ibig mo bang sabihin ay Kakampi tayo sa babaeng iyon at tatalikuran natin ang ating pamilya.? ”
“Wala akong sinabing ganun. “ani Eight bago buksan ang Kwarto kung saan naroon si Hayasein at Calvin.
“anong lagay nya? “ani Ivo.
“minor lang naman ang mga sugat nya iyon nga lang ay napagod sya ng husto dahil ilang araw syang walang pahinga.” ani Calvin.
“Teka, tama ba ang pagkakaintindi ko na magkalatid kayo?”tanong ni Raizen, tumango si Seken.”pero matagal na namin syang binabanggit sa’yo. ”
Napayuko si Seken ” ang tanga ko nga sa Part na hindi ko manlang nalaman na sya pala yung hinahabol ng Black Phantom.”
‘malamang na walang ideya si Calvin tungkol kay hayasein. ‘ iyon ang laman ng isip ni Eight pero itinikom nya lamang ang bibig nya dahil kulang pa ang mga alam nya. “Tama na yan, puntahan mo si Thalia at kausapin mo sya nandon sya sa Punishment room. ” ani Eight.
” ginawa nyang hayop ang kapatid...


ko kaya ipararanas ko rin iyon sa kanya. ” ani Calvin. Tsaka binuksan ang kwarto palabas.
“teka! Sino ang maiiwan kay Hayasein kung lahat tayo ay pupunta ron? “ani Ivo.
“Ako na lang. ” nakangising saad ni Raizen, Napataas ang kilay ni Eight at Calvin dahil wala talaga silang tiwala sa kaibigan nilang ito pag dating sa babae.
“Ako na. ” lahat sila ay napalingon sa pagsulpot ng panibagong boses.
“Kenzo? ” chorus na saad ni Ivo at Raizen.
“paano kang nakapasok dito? “ani Ivo, pumusisyon si Raizen dahil iyon ang unang batas ng East, paslangin ang mga taong makakaalam ng sikretong paaralan.
“hwag kayong mag alala. “ani Kenzo tsaka iniangat ang manggas sa bakikat nya at bumungad ang tatoo nito’ ~ G-5~’ na katulad sa mga Rank Student “ako ang ika-lima.”
ang tatlo ay nagulat dahil ang inaakala nilang lampa, na si Kenzo Gray ang syang ika limang myembro ng magic eight, maliban kay Eight na nakatanaw lang dito. “tayo na .” anyaya ni Eight.
~
“sabihin mo kung bakit mo iyon nagawa kay Hayasein!” matigas na tanong ni Seken kay Thalia.
“at bakit hindi? Pilit nyang inaalam ang tungkol sa East, hindi ba at ganuon naman dito? Ang matapang mananatili at ang mahihina ang syang ma-manatay, bukod don ay pinakawalan nya ang dalawang bihag.” sarkastikang ani Thalia.
“Pero yung bihag ang syang inutusan mo para parusahan sya? Tama ba yun? ” ani ivo patungkol kay Avanshien na tahimik na naka upo.
“Paano mo nasabing siya ang nagpakawala? Siguro ay naroon ka? “bawi ni Eight na ikinalunok ni Thalia.
“s-syempre, iyon sabi-sabi sa west ” confident na sagot ni Thalia ngunit hindi nito maitago ang kaba sa loob nya dahil sya talaga ang may kagagawan noon katuwang si Spade na myembro ng black phantom.
” utos ni Dean na patayin ang babaeng iyon. “natahimik sila sa pagsagot ni Avanshien. ” lahat ng Black phantom ay nag nanais na makitil ang babaeng iyon para sa kalayaan!” hindi makapaniwalang nilingon ni Raizen si Eight, alam nila na pumapatay ng tao ang pamilya nila ngunit hind kabilang ang inosenteng tulad ni Hayasein.
” Matapos kitlan ng mga buhay ang pamilya namin nang mga Ama nyo ay Ilang taon kaming ikinulong dito kaya’t bakit kami magdadalawang isip na hindi sya paslangin! ” matapang na saad ni Avanshien habang nang gigilid ang luha nito.
Itinikom ni Ivo ang kamao nya. ” hindi totoo yan! hwag kang manira! ”
“totoo ang lahat ng sinasabi ko! Inangkin ng organisasyon ang mga kayamanan namin matapos ay pinagpapatay sila kaya kami nandito ngayon! ”
“Ano ba!”maarteng saway ni thalia kay Avanshien.
“Alam kong alam mo iyon Thalia dahil gumawa din kayo ng kasunduan. ” ani Avanshien. “narinig ko ang usapan nyo ni Dean kung mapapatay mo si Hayasein ay hahayaan ka nyang makasama si Master Eight habang buhay…kaya’t kung papatayin nyo ako, nasisiguro kong lahat ng estudyanteng narito ay magtatangka din sa buhay ng babaeng niligtas nyo.”
Ngumisi si Eight. “akala nyo ba talaga ay maiisahan nyo kaming Rank Student? “ani Eight. “sige… kung may mga kasunduan din kayong ganian magpapatupad din ako ng panibagong patakaran, ang sino mang humawak sa babaeng iyon ay kikitlan ko ng buhay…kahit pa ang buong organisasyon ang makatapat ko. ” nag babanta ang boses ni Eight. “Ikaw thalia, ay ibinababa ko sa posisyon mula sa pagiging campus Queen ako si Eatevan Ion Throy at ito ang hatol ng pinaka mataas na Ranggo.” walang imosyong ani Eight tsaka umalis sa lugar.
“Eight! Please.. Magagalit ang daddy ko sa’yo ayokong mangyari yon! “naiiyak na saad ni Thalia ngunit hindi sya pinansin ni Eight.
SAAN PO KAYO NAGUGULUHAN?






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top