Adopted the Billionaire Son


Karugtong ng chapter 03 💚

Naalim pungatan ako ng maramdaman kong huminto ang sasakyang sina sakyan namin ni Jerish. Nakita ko namang bumaba ng sasakyan yung binatilyong kasama ni kuyang driver. At nag tungo ito sa isang tindahan at may kung ano itong binili.
Napatingin naman ako likuran ng kina uupuan ko at nakita ko ang mag inang himbing sa pag kakatulog.
Dahil sigurosa pagod.
At hindi naman nag tagal ay muli na namang umusad ang sasakyan.
Napag alam koring patungo ng kabisayaan ang sasakyang sinakyan namin ni Jerish.
Para ihatid ang isang daang sako ng bigas. Kaya naman napag pasyahan namin ni Jerish na sumama nalang sa kanila kong saan man sa bisayas sila pupunta.
Hindi naman nag duda si kuyang driver na may tinatakasan kami. Dahil ang kwento ko ay nag layas si Jerish sa asawa nitong nang bubugbog sa kanya at uuwi nalang siya ng probinsya.
Naniwala naman ito, kaya pinasakay kami nito at ihahatid padaw sa probinsya ni Jerish na hanggang ngayun ay pinag iisipan ko pa kung saan sa bisayas.
Inabot na kami ng hapon sa byahe. At wala namang kakaibang nangyari. Habag papalayo kami ay napansin kong walana ang mga nag tataasang mga gusali.
Dahil pawang mga nag tataasang mga puno na ang na dadaanan namin. Siguro ay malapit na kami sa probinsya. Dahil bibihira nalang ako makakita ng mga kabahayan.
At nalalanghap ko na ang malamig at sariwang hangin. Na hindi katulad sa manila na mausok at maalikabok ang hangin doon.
Habang nakatingin ako sa mga nag tataasang mga puno sa gilid ng kalsada ay napansin kong bumabagal ang takbo ng sasakyan sinasakyan namin.
Hanggang sa dahan-dahan itong gumilid sa tabing kalsada at tuluyan na nga itong tumigil.
Nakaramdam naman ako na kaba dahil nasa kalagit naan kami ng kakahuyan. At bibihira lamang ang mga kabahayan sa paligid.
Napatingin naman ako kay kuyang driver na kakamot kamot pa sa kanyang ulo.
“Bakit po tayo tumigil?”
Tanong ko kay kuyang driver na sinusubukan ulit buhayin ang makina ng sasakyan.
“Pasensya na miss, mukhang nasiraan yata tayo.Sandali lamang at titingnan ko kung anong dahilan.” Sagot naman nito at agad bumaba ng sasakyan.
Kaya sinundan ko naman ito ng tingin patungo sa unahang bahagi ng sasakyan.
Makapal na usok ang sumalubong dito ng buksan nito ang unahang bahagi ng sasakyan.
“Bakit tayo tumigil, nandito naba tayo?” Tanong naman ni Jerish na nagising na pala.
“Nasiraan tayo.” Sagot ko naman at kinuha sa kanya si baby dahil gising narin ito.
“Hello baby kumosta ka naman?” Sabi ko kay baby habang pinag lalaruan ang mallit nitong kamay. Ngumiti naman ito na parang naiintindihan niya ang sinasabi ko.
Mabait na bata ito pag lumaki. Dahil nanatili lamang itong tahimik at hindi umiiyak mula pa kagabi. Siguro ay na iintindihan niya ang kalagayan namin ng kanang ina.
Bumaba muna kami ng sasakyan dahil mukhang ma tatagalan pa ang pag aayus nila. Kaya naman ng punta muna kami sa maliit na tindahang namataan namin sa hindi kalayuan.
Dahil kanina pang umaga nag rereklamo ang mga alaga ko sa aking tiyan.
“Siguro naman hindi nila ma iisipang sundan tayo dito hindi ba?”
Sabi ko habang kumakain ng tinapay.
“Sana nga Inno. Dahil gusto kunang sumuko, dahi na papagod na ako sa kakatakbo at kakatago.”
Sabi naman nito habang pinaka titigan ang kanyang anak.
Nakaramdam naman ako ng awa sa mag inang ito. Bakit ba nangyayari sa kanila ito?
Gustohin ko mang kunin at alagaan ang anak ni Jerish pero hindi ko naman alam kong paano ko ito palalakihin bilang isang ina. Dahil hindi ko naman naranasang lumaking may kasamang ina. Tanging si nanay Suraya lang naman ang tinuring kong ina ng iwan ako ng aking nanay dahil sumunod ito sa aking tatay sa kabilang buhay.
Kaya naman nag pasya nalang akong tulungan si Jerish na tumakas at lumayo sa mga taong gustong pumatay sa kanila. Para naman kahit papaano ay lumaking ang anak nitong kasama siya kahit walang ama.
“Ano kaba. Hanggat may matatakbuhan ka tumakbo kalang.
At hanggang may mapag tataguan ka mag tago ka. Kung para naman iyon sa ikaliligtas n’yong mag ina ay gawin mo.
Wagkang susuko dahil lang sa mga taong iyan.”
Sabi ko naman sa kanya.
Nakita ko naman itong nag punas ng kanyang mga luha.
“Salamat Inno ha? Dahil hindi mo kami pinababayaang mag ina kahit hindi mo naman kami kilala.”
Sabi naman nito habang nag pupunas ng mga luha.
“Maliit na bagay hahaha. Ano kaba. Hindi naman ibig sa bihin na hindi kita kilala ay hindi na kita pweding tulungan? At isa pa alam kong malaki ang dahilan kong bakit tayo pinag tagpo ng diyos. Dahil siguro ay ikaw ang mag bibigay ng swerte sa akin para yumaman hahahaha!!!”
Pag bibiro ko sa kanya, at nakita ko naman itong tumawa.
“Biro lang gusto lang naman kita patawanin. Masyado ka kasing seryuso eh.”
Dagdag ko pa at iniwan ito sa upuan sa kubo malapit sa tindahan.
“Ate pwedi po bang maki cr?”
Tanong ko sa tendera na abala sa kung ano man ang ginagawa nito.
Napatingin naman ito sa akin at tumango.
“Sigilang. Nandoon iyon sa likod sa may tabi ng puno ng malunggay.”
Sagot naman nito at muling bumalik sa ginagawa nito.
Agad naman akong nag tungo sa likuran kong saan itinuro ng tindera. Sumunod naman sa akin si Jerish dahil papalitan daw ito ng diaper si baby.
Pag katapos kong mag cr ay nauna akong bumalik sa tindahan para bilhan ng meryenda si kuyang driver pero hindi paman ako tuluyang na kakaliko sa kanto ng bahay ng may narinig akong nag tatanong ng kung sino.
Kaya naman dahan dahan akong sumilip para alamin kong sino iyon.
Ganoon nalang ng gulat ko ng makita ko ang apat na kalalakihan.
“Ate may nakita n’yo ba nag babaeng ito?”
Narinig kong tanong ng isang lalaki na may dalang mataas na kalibre ng baril.
“Anong gina-
“Shhh..wag kang maingay.”
Bulong ko kay Jerish na agad kong natakpan ang bibig nito.
At hinila ito pabalik sa likuran.
“Nasundan nila tayo, kaya...


wag kang maingay. Sumunod ka sa akin.”
Sabi ko sa kanya at sinukbit ang bag ng pera at kinuha sa kanya si baby dahil narinig kong itinuro kami ng tindera.
“Oo nakita ko nga siya, may kasama siyang babae at may dala naman iyang sanggol.”
Narinig kong sagot naman ng tindera na lalong nag pakaba sa akin.
Kaya naman halos mag kandarapa na kami sa pag lalakad pababa dahil sa takot na baka masundan kami.
Hindi paman kami tuluyang na kakalayo ay isang putok ng baril ang narinig namin.
At ilang sandali pa ay nasundan iyon ng tatlong putok. Dahilan ng pag iyak ni Jerish dahil sa takot.
Galit naman ang naramdaman ko para sa mga taong walang awang pumatay sa mga taong inosente.
‘Hayop kayong mag ina.’ Galit kong bulong
Habang mabilis ang lakad pababa sa kung saan.
Bakit kailangan pa nilang pumatay ng mga taong wala naman kasalan sa kanila?
Mga demonyo talaga ang mag inang Annalou at Caleb na iyan kong sino man silang mga hayop sila.
“Saan na tayo pupunta Inno?”
Para naman akong nagising sa tanong ni Jerish. Ganoon ba ako kalutang at hindi ko na namalayang na nandito na kami sa pinaka dulo ng masukal na damuhan.
Isa itong bangin na sa tantya ko ay may taas na lagpas tao. At ang baba nito ay isang ilog na hindi ko alam kong gaano ito kalalim.
“Kailangan nating tumawid diyan papuntang kabila.”
Sabi ko naman sa kanya na mukhang na takot naman. Dahil hindi namin alam kong hanggang saan ba ang lalim ng tubig.
Napalingon naman kami ng makarinig kami ng mga kahol ng aso. Kaya naman sa taranta ni Jerish ay nahulog ito pa ibaba sa ilog.
Dahil gumuho ang lupang tinatapakan nito.
Halos mapasigaw ako ng makita ko itong duma os-os pababa sa tubig.
At ilang sandali ay agad naman itong naka ahon mula sa pag kakalubog sa tubig.
“Ayos kalangba?”
Nag aalala kong tanong tumango naman ito bilang sagot.
Kaya dahan dahan naman akong bumaba dahil papalapit na iyong kahol ng mga asao.
Peste nag dala patalaga sila ng aso. Ganoon ba sila ka disperadong mahuli si Jeriah? Bakit hindi nalang nila pabayaan ang mag ina?
“Kunting tiis nalang baby malapit na tayo.”
Sabi ko kay baby habang itinaas ko ito sa ire para hindi ito mabasa sa tubig na hanggang dibdib ko.
Pasalamat kami dahik hindi ganoon kalakas ang agos ng ilog kung nag kataon ay aanurin kami.
Na’ng makatawid na kami ay agad kaming nag kubli sa malalaking batuhan at palihim na sinilip ang mga humahabol sa amin.
Nag paikot ikot pa yung mga nag lalakihang mga aso kung saan nahulog si Jerish.
Kaya naman alos gumapang na kami papalayo sa mga batuhan dahil baka maisipan nilang tumawid.
At sigurado akong maaabutan nila kami. Kahit hirap mag lakad si Jerish dahil sa paa nitong na mamaga ay pinilit niyang mag lakad.
At ng masiguro naming malayo layo na kami ay mabilis kaming nag lakad patungo sa nag tataasang mga damo.
Pasalamat talaga ako dahil sa ganitong lugar pa kami na siraan. Dahil marami kaming mapag tataguan kompara sa kabayanan na wala kaming mapag tataguan at walang tutulong sa amin.
“Kaya mo pabang mag lakad?”
Tanong ko kay Jerish na napapangiwi na dahil siguro sa paa nitong na mamaga.
“K-kaya ko pa.” Sagot naman nito.habang tinatahak namin ang may isang dipang sapa.
Dito namin naisipang dumaan dahil sa amoy namin ang sinusundan ng aso. Kaya naman naisipan naming sa tubig kami dumaan para mahirapan silang masundan ang amoy namin.
Habang nasakalagit naan kami nag pag lalakad ay bigla naman bumuhos ang malakas na ulan. Kaya naman agad akong nag hanap ng dahon na pweding ibalot kay baby para hindi ito mabasa. Dahil baka mag kasakit ito.
Sandali muna kami sumilong sa ilalim ng mga punong kahoy hanggang sa tumila na ang ulan kaya naman nag simula na akong mag lakad ng mapansinkong hindi ko mikilos si Jerish at nanatili lamang itong nakatingin sa akin. Habang yakap ko ang anak nito.
“Tara na ano kaba?” Sabi ko sa kanya at hinila ang kamay nito.
Ganoon nalang ang gulat ko ng mahawakan iyon. Ang init nito at nanginginig pa ang katawan nito.
Inaapoy ito ng lagnat.
“Tara na Jerish. Dahil baka maabutan nila tayo.”
Sabi ko sa kanya at pilit itong hinihila pero umiling lamang ito at pilit na tinatanggal ang kamay ko.
“Mauna kana Inno dalhin mo na ang anak ko. Iwan mo nalang ako dito dahil hindi ko na kaya. Pagod na pagod na ako.
Ako lang naman ang hinahabol nila kaya iwan mo na ako dito dahil na giging pabigat na ako sayo.”
Umiiyak nitong sabi habang na ngingig pa.
Isang malakas na sampal ang binigay ko sa kayan baka sa kaling magising ito. Sa kung ano mang ang pinapanaginipan nito.
“IIWAN KA? BAKIT SUSUKO KANALANG BA HA JERISH? NGAYON PANG MALAYO NA TAYO AT KUNG KAILAN NAMAN NAISILANG MO NA ANG ANAK MONG UMAASA SAYO.
ALAM MO KONG NA KAKAPAG SALITA LANG YANG ANAK MO MALAMANG SASABIHIN NIYANG..
WAG KANG SUMUKO MAMA DAHIL NANDITO LANG AKO AT HINDI KITA IIWAN.
ISIPIN MO NAMAN SANA YUNG ANAK MONG UMAASANG HINDI KA SUSUKO PARA SA KANYA.
PLEASE NAMAN JERISH KAHIT PARA NALANG SANA SA ANAK MONG UMAASA SAYO.”
Hindi ko na napigilan pang sigawan si Jerish dahil sa naging sesyon nitong sumuko nalang basta.
“Alam ko namang pagod kana sa kakatakbo. Pero sana naman isipin mo naman sana ang anak mo. Paano nalang siya kong susuko kanalang?”
Dagdag ko pa at dahandahan kong binitawan ang anak niya. Dahil kinuha niya ito at mahigpit na niyakap.
“Patawarin mo si mama anak ha? Hindi ko manlang naisip ang nararamdaman mo.
Patawad anak ha? Wag kang mag alala mula ngayun ay magiging matapang na si mama ha? Lalaban tayo anak pangako iyan.”
Sabi ni Jerish habang yakap nitp ang kanyang anak na tumatawa.
Siguro ay masaya ito sa naging desesyon ng kanyang ina.
Ganyan nga Jerish lumabang ka dahil may anak kang umaasa sayo.






Share On Whatsapp

"1" Comment
Leave a Reply


top