Ikaw lang ang nasa puso ko – Ang Pagwawakas


Thank you po Admin sa pag-approve bawat chapter ng story ko, Salamat po ๐Ÿฅฐ๐Ÿฅฐ
Ikaw lang ang nasa puso ko
(Ang Pagwawakas)
.
Elena : Ariel, Katherine, magsigising kayo!! (Sigaw ni Elena, habang niyuyogyog ang anak)..Ariel, gumising ka!
.
Nagmulat si Ariel dahil sa gising sa kanyang mama, si Katherine naman ay bumangon na nun, pero hindi pa siya bumaba sa kama, sumandal siya sa headboard ng kama.,at natutuwa naman ang kalooban dahil sa nangyayari, siguradong sasabihin ng mama ni Ariel na magpakasal silang dalawa, dahil ang iisipin daw ni Elena ay may nangyari sa kanila ni Ariel.,
.
Ariel : ma, dumating na po pala kayo.
.
Napapikit si Ariel dahil masakit ang kanyang ulo.
.
Elena : Ariel, bumangon ka, mag-usap tayo..kailangan mong pakasalan si Katherine. Kailangan mong panagutan ang ginawa mo sa kanya!
.
Biglang bumalikwas ng bangon si Ariel dahil nagulat siya sa sinabi ng mama niya, at nagulat din siya ng bigla niyang nalaman na wala pala siyang damit.
.
Ariel : ma, anong sinasabi mo? At bakit ko naman pakakasalan si Katherine eh–
Elena : at bakit hindi. May nangyari sa inyo diba..(at tumingin sa gawi ni Katherine)
.
At laking gulat ni Ariel ng makita niya si Katherine na naroon din sa kama niya ang babae..at nagtaka si Ariel dahil wala itong damit, at ikinubli lang sa kumot ang hubad na katawan nito na katulad niya…nagimbal si Ariel.
.
Ariel : Katherine, anong ginagawa mo dito? Bakit nandito ka?(galit niyang tanong)
Katherine : bakit mo ako tinatanong, imposible namang wala kang alam, natulog tayong magkatabi, at nag-ano tayo!
Ariel : hindi katherine wala akong ginawa sayo!
Katherine : Ariel, may nangyari satin, at kailangan mo akong pakasalan dahil baka magbunga yong ginawa natin.
Ariel : hindi totoo yan..walang nagyari satin..hindi ako magpapakasal sayo Katherine!!(sabay alis sa kama)
.
Hindi na niya alintana na siya ay walang saplot dahil galit na galit ang kalooban niya, Kinuha niya agad ang kanyang tuwalya at ibinalot sa hubad niyang katawan..Nagpupuyos sa galit ang kaloobab ni Ariel.
.
Elena : ayaw mo palang panagutan si Katherine sana hindi mo siya pinakialaman! (Pagalit na sabi nia)
Ariel : ma, walang nangyari samin ni Katherine!! (Pasigaw din niya)
Arman : ano bang kaguluha dito.kay aga aga ang iingay niong mag-ina.
.
Nagulat si Arman ng makita niyang nasa kama ni Ariel si Katherine at balot na balot ito ng kumot, at alam na ni Arman kung ano ang pinagtatalunan ng mag-ina.
.
Arman : ano ito Ariel, may nangyari sa inyo ni Katherine?
Ariel : Pa. Wala pong nangyari sa amin ni Katherine. Paniwalaan nio naman po ako.
Katherine : sige Ariel okay lang kung ayaw mong panagutan ang nangyari satin, pero ito ang tatandaan mo, kapag, nagbunga ito, hinding-hindi mo makikilala ang anak mo.
Ariel : dahil wala naman talagang nangyari satin alam mo yan, tulog ako, na hindi ko alam kung bakit, bigla na lang akong nahilo, samantalang ilang lagok lang naman ng alak ang ininom ko.
Elena : oh nag-inuman kayong dalawa?
Ariel : hindi ma, inalukan niya lang ako ng isang baso ng alak, at yun lang ang ininom ko, tapos bigla nalang akong nakramdam ng sakit ng ulo tapos nahilo ako, at hindi nagtagal ay nakatulog na ako..sa katunayan po ma, pa pabalik po ako nun kila Mary Ann..hinihintay ko lang po kayo kagabi, dahil magpapakasal na kami ni Mary Ann ma, pa..
Arman&Elena : ANO??????
Ariel : opo mam, papa. Pakakasalan ko po si Mary Ann dahil si Mary Ann ang mahal ko, at isa pa, may nangyari samin ni Mary Ann kagabi ng ihatid ko siya sa kanila?
Elena : oh my God, anong gulo ang napasok na ito sa pamilya natin!
Arman : magbihis na kayo Ariel, Katherine ng makapag-usap tayong mabuti.
.
Padabog na bumaba sa kama si Katherine, at nagmadaling lumabas sa kwartong iyon.
.
Ariel : Pa, ma paniwalaan nio po ako, kilala nio po ako, ako yong tao na ayaw na ayaw na nang-aagarabyado ng kapwa.
Arman : naniniwala naman kami sayo anak, kaya lang paano ba nating pakikiusapan si Katherine.
Elena : oh anak. Masaya sana kami ngayon ng papa mo dahil matutupad na yong pangarap namin na magkaroon ka na ng babae na mamahalin habangbuhay, kaso napasok ka naman sa gulong ito.
Ariel : ang hindi ko lang maintindihan kung bakit ako biglang nakaramdam ng hindi maganda pagkatapos ko pong inumin yong alak na ibinigay ni Kahterine kagabi.
.
Ang lahat ng mga kasambahay nila Ariel ay naroon na din sa taas ng bahay, dahil nga sa nagkakagulo sa taas ng bahay, di nila naiwasang hindi alamin din kung anong kaguluhan ang mayroon..at hanggang sa hindi nakatiis ang isang kasambahay na naroon, lakas loob siyang pumasok at nakisali sa usapan ng mga amo.
.
Gina : Seรฑorito Ariel, nakita ko pong inilagay ni Katherine ito sa alak na ininom nio,(pinakita ang pinagbasyuhan ng gamot)
Ariel : sinasabi ko na nga ba eh.
Elena : ano ba yan anak?
Ariel : sleeping pills ma!!
Arman : sleeping pills?
Ariel : opo pa.
Elena : God, ano ba naman si Katherine…maninira pa ng buhay!! Ano ba ang gusto niyang mangyari pikutin ang anak ko..hindi pwede to!
Arman : Elena, kumalma ka! Kausapin mo ng maayos si Katherine.
Elena : paano akong kakalma eh naiinis ako!
Ariel : ma,hayaan nio na po ako na lang ang kakausap kay katherine, buti pa po pumunta na kayo kila Mang Andres dahil panigurado naghintay po sila kagabi sa atin..susunod na lang po ako sa inyo.
Arman : mabuti pa nga, sige Elena magbihis ka na at puntahan na natin yong mamanugangin natin.
Elena : oo sige.,yaya mamaya na kami mag-aalmusal at may pupuntahan lang kami.
Yaya : sige po Dรดรฑya Elena.
.
Nagmadaling sumakay sa sasakyan ang mag-asawang Arman at Elena, at pupunta sila sa bahay nila Mary Ann..at samantalang si Ariel ng makapagbihis na ito ay agad na lumabas sa kanyang kwarto at nagtungo sa may guestroom kung saan naroon si Katherine..kumatok si Ariel sa pinto.
.
Ariel : katherine, mag-usap tayo!
Katherine : pasok ka, bukas yan.
.
At pinihit ni Ariel ang pinto, at nakita niyang nakatanaw sa bintana si Katherine..
.
Ariel : katherine bakit mo ginawa sakin yun.
Katherine : Alam mo naman diba mahal kita, bakit ba hindi mo ako kayang mahalin, lagi mo nalang akong nirereject!!
Ariel : lagi ko naman sinasabi sayo na hanggang pagka-kaibigan lang ang kaya kung ibigay sayo diba..madami namang iba na mas higit sakin, yong mamahalin ka ng totoo..im sorry Katherine dahil si Mary Ann ang nagmamay-ari ng puso ko at sana maintindihan mo yun!
.
Lumapit si Katherine kay Ariel niyakap yakap niya ang binata, nagmamakaawa siya na mahalin naman daw siya nito.
.
Ariel : please Katherine, huwag mong pahirapan ang sarili mo, hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sayo, si Mary ann siya ang mahal ko at pakakasalan ko siya at sana naman, huwag mo naman akong bigyan ng problema!
Katherine : hindi ako ang nagbibigay ng problema Ariel, ikaw ang nagbibigay ng problema sakin..bakit ba hindi mo ako kayang mahalin, maganda naman ako, mayaman, ano pa ba ang hahanapin mo, ano bang meron sa Mary Ann na yan at wala ako.
Ariel : dahil si Mary Ann ang lan g ang nasa puso ko Katherine, at kahit na ano pang mangyari kay Mary Ann lang titibok ito (sabay turo sa dibdib na tapat ng puso..).at kahit na sino ay walang makakahadlang sa amin ni Mary Ann, at handa akong kalimutan ang pagiging magkaibigan natin kung isa ka man sa balakid sa pag-iibigan namin ni Mary Ann..(sabay alis)
.
Lumbas na sa kwarto si Ariel at naiwan si Katherine na bigo, Walang nagawa si Katherine kundi umiyak nalang. Nabigo siya sa plano niya, hindi siya nagtagumpay, na mapasakanya si Ariel, sinisisi ni Katherine ang katulong na nakakita sa ginawa niyang paglalagay ng sleeping pills sa alak na ibinigay niya kay Ariel, galit na lumabas sa kwarto at nagmadaling bumaba upang kausapin ang katulong na sumira ng plano niya.
.
Katherine : hoy babae!!(sabay duro)
Gina : hoy karin, may pangalan ako. At wag mo akong maduro duro ha.
Katherine : eh ano naman kung duruin kita, katulong ka lang dito.
Gina : hoy, wala kang karapatan na duruin ako. Sino ka ba sa akala mo!
Katherine : hayop ka talaga kang babae ka. Paki-alamera ka talaga, ng dahil sayo nasira ang plano ko!
Gina : dapat lang sayo yan.
Katherine : aba lumalaban ka ha..(sinampal ang katulong)
Gina : aba, gusto mo talaga ng laban ha, sige ibibigay ko sayo..(sinugod niya si Katherine at hinablot ang buhok, ipinalipit ang kamay sa mga buhok ni Katherine..)
.
Binuno ni Gina si Katherine, walang nagawa si Katherine, hindi siya nakalaban kay gina dahil naunahan siya ni Gina..inawat sila ng ibang katulong, at nagpasalamat si Katherine dahil naawat ng ibang katulong si Gina.
.
Yaya : Gina, ano bang kaguluhan ito. Bakit ba sinabunutan mo si Miss Katherine.
Gina : siya po kasi ang nauna. Sinampal po ako!!galit na galit po siya sakin dahil sinabi ko kay seรฑorito Ariel na nilagyan niya ng pampatulog yong ibinigay niyang alak kay Seรฑorito..gusto pa niyang pikutin si Seรฑorito ng malanding babae na yan.
Katherine : damn you!! Pagbabayaran mo yong ginawa mo sakin, idedemanda kita.
Gina : magdemanda ka. Hindi ako natatakot..kasalanan mo naman eh, bakit kasi sinampal mo ako, hoy malanding babae di ako papa-agarabyado na sa kahit kanino.
.
Bumalik si Katherine sa kwarto at inimpake niya lahat ang mga gamit dahil aalis na siya roon, dahil sa sobrang sama ng loob..mas masakit ang kalooban niya na sabihin ni Ariel na hindi siya nito kayang mahalin. Kesa sa mga sakit na dulot ng katulong na sumira ng plano niya..kaya sa isip niya na panahon na talaga upang kalimutan si Ariel.
Samantalang ang mag-asawang Arman at Elena ay masaya sila habang nasa byahe papunta sa bahay nila Mary Ann, masaya sila dahil sa wakas ay ang kanilang Binatang anak ay naisipan ng magkaroon ng makakasama sa habang buhay, at dadating na sa punto na katatakutan na ni Ariel ang napakadilikadong ginagalawan sa klase ng trabaho niya, hindi na ito magpapadalos dalos..at hanggang sa marating na ng mag-asawang Elena at Arman ang bahay nila Mary Ann..lumundag ang puso ni Mary Ann pagkakita sa sasakyan ng pamilya ni Ariel, at hanggang sa bumaba na sina Elena at Arman sa sasakyan..si Mang Andres naman ang nagbukas ng tarangkahan.
.
Elena : Magandang umaga po!!
Andres : magandang umaga din naman po Doรฑa Elena,Seรฑor Arman.
Arman : naku, Mang Andres, magiging magbalae na tayo, kaya dapat sanayain na natin yong sarili natin na magtawagan na balae.
.
Ngiti lang tugon ni Mang Andres.
.
Andres : tuloy po kayo.
Elena : salamat po balae, (nakangiti niyang sabi), nasaan po si Balaeng Marissa?
Andres : nariyan po sa loob..pasok po kayo.
.
Sinalubong ni Marissa ang mag-asawa.
.
Elena : magandang umaga po balae..(nakangiti niyang sabi)
Marissa : magandang umaga din po b-balae!! Tuloy po kayo.
Arman : Salamat po..pasensiya na po kayo. At hindi kami nakapunta kagabi, gabi na kaming nakuwi kagabi, may pinuntahan po kasi kami, di naman alam ni Ariel kung saan kami nagpunta dahil. Nang umuwi siya hindi niya kami naabutan.
Elena : nasaan po si Mary Ann?
Marissa : nandiyan po sa bahay ng kuya niya..sandali po at tatawagin ko lang.
Elena : sige po balae.
.
Nagtaka naman si Andres at wala si Ariel, hindi kasama ng kaniyang mga magulang..at ganun din si Mary Ann nagtataka siya kung bakit hindi niya nakita ang lalaking minamahal.
.
Benjie : bunso, bakit hindi ka pa pumunta sa bahay, naroon na yong mga bibiyananin mo.
Mary Ann : kuya naninerbiyos ako.
Benjie : bakit ka naman ninerbiyosin, dapat nga masaya ka kasi ayan na yong hinihintay mo oh.
Mary Ann : ewan ko kuya, basta!!
Benjie : ganyan talaga yan bunso, na eexcite ka lang..ganyan din ako nun.
Mary Ann : talaga ba kuya?
Benjie : oo, sige halika na doon, puntahan mo na yong bisita mo.
Marissa : Bunso. Nariyan na sila ah, bakit hindi ka pa pumunta sa bahay, hinahanap ka nila.
Mary Ann : nay kinakabahan po ako eh.
Marissa : pambihira kang bata ka, kagabi hindi ka kinabahan sa ginawa nio ni Ariel.(nakatawa niyang sabi)
Mary Ann : ehh.,si nanay talaga!
Marissa : halika na doon.
Mary Ann : opo nay.
.
Nanlalamig ang mga kamay ni Mary Ann, dahil sa hiya at kaba, habang papalapit siya sa mga magulang ni Ariel.
.
Elena : iha, Magandang umaga sayo..(bumeso)
Mary Ann : M-magandang umaga din po!
.
Bumeso din si Mary Ann kay Arman.
.
Arman : pasensiya na anak, kung hindi kami nakapunta kagabi ha, may pinuntahan kasi kami kagabi, hindi kami inabutan ni Ariel sa bahay..kaya ng malaman namin kay Ariel ang nangyari ay agad na din kaming pumunta dito.
,
Hiyang hiya naman si Mary Ann habang nagsasalita si Arman, lalo na yong binabanggit yong nangyari sa kanila ni Ariel, parang nahiya pa siya sa isip niya dahil, kung walang nangyari sa kanila ni Ariel ay hindi makikipag-usap ang mga ito sa kanila.
.
Arman : kaya pasensiya na po kayo, kung napaghintay po namin kayo (sabi niya sa mga magulang ni Mary Ann)
Andres : ayos lang po yun.
Marissa : nasaan nga po pala si Ariel.
Elena : ah, eh, paparating na din yun..nauna lang kami at talagang gustng gusto na namin kayong makausap.
.
Hindi nga nagtagal ay dumating na nga si Ariel, naglulumundag na ang puso ni Mary Ann dahil nasilayan na niya ang lalaking minamahal.
.
Ariel : magandang umaga po tay Nay,(nagmano sa magulang ni Mary ann)
Andres : magandang umaga din.
Marissa : kaawaan ka ng Diyos.
Ariel : hi! (bati niya kay Mary Ann)
.
Lumapit si Ariel kay Mary Ann at ginawaran ng damping halik sa noo masayang masaya ang puso ni Mary Ann ng mga sandaling iyon.
.
Arman : sige, pag-usapan na natin ang kasalan.
.
Magkatabing naupo si Ariel at Mary Ann, at magkahawak pa ang kanilang mga kamay..at sinimulan na nga nilang pag-usapan ang tungkol sa kasal nila Ariel at Mary Ann, at ang lahat naman ay nagkakasundo sa kanilang pinag-uusapan..at hanggang sa lumipas ang oras ay natapos na ang usapan nila. Naitakda na nila kung kailan ang kasal nila Ariel at Mary Ann, at kung saan, saka nalang daw sila uli mag-uusap kapag nakumpleto na ang mga kukuhanin nilang mga kukumparihin at kukumarihin nila.
.
Elena : hay, parang kelan lang yang mga bata na yan ay mga musmos pa. Pero ngayon ayan na sila at ikakasal na. Diba balaeng Marissa halos dito na din magtira si Ariel sa inyo noong bata pa sila ni Mary Ann.
Marissa ; opo nga balae.
Elena : tingnan mo nga naman, sila pa pala yong magkakatuluyan.
Marissa : opo nga balae.
Arman : pinaglayo sila ng panahon, pero ngayon pinagtagpo sila uli, kaya sana mga anak, maging matatag sana ang pagmamahalan nio, gayahin nio kaming mga magulang nio na hanggang ngayon ay mahal ang isat isa.
Andres : oo tama si seรฑor Arman.
Arman : balae na mang Andres.
Andres : ay oo nga, balae pala!!
.
At hanggang sa natapos na ang kanilang mga usapan, at nagpapa-alam na ang mag-asawang Elena at Arman.
.
Arman : paano po balae hindi na din po kami magtatagal, kami po ay uuwi na din at hahanapin kami ng dalaga naming si Marielle.
Andres : sige po balae.
Elena : pano Ariel mauuna na kaming uuwi.
Ariel : opo ma..salamat po mama, papa.
Elena : salamat din anak, at sinunod mo yong kagustuhan namin ng papa mo na mag-asawa ka na, at masaya kami ni Papa mo dahil si Mary Ann ang ibinigay mong mamanugangin namin, napakagandang bata, at napakabait na anak pa sa mga magulang niya, at responsable din, at hindi lang maganda, matalino pa.
Mary Ann : hindi naman po t-tita.
Elena : anong tita? Mama iha, mama!!
Mary Ann : M-mama!!
Elena : o sige mga anak, maiwan na namin kayo, at may aasikasuhin lang kami ni Papa mo.
Arman : tayo na Elena.
Elena : sige tara na.
Arman : uwi na kami Mary Ann, anak.
Ariel : opo papa, salamat po..
Arman : wala yun anak, basta para sa inyo ng kapatid mo, lagi kaming nakasuporta sa inyo anak..
Elena : balae, paano po, maiwanan napo namin si Ariel sa inyo.
Marissa : naku balae pasensiya na kayo, di ko man lang kayo naalukan ng kape nawala sa isip ko. Eh kung mag-almusal po muna tayo dito.
Elena : ayos lang po yun balae, sa bahay napo kami mag-aalmusal, sa ibang araw nalang po siguro..sige po tuloy na kami.
Marissa ; opo.
.
Umalis na nga ang mag-asawang Arman at Elena, naiwan si Ariel kila Mary Ann, dahil magsisimula na silang mag-ayos ng kanilang Mariage Contract..nag-salusalo muna sila ng almusal, at habang nag-aalmusal sila ay topic naman ng usapan nila ang mga kukuhaning mga abay nila..at samantalang ng makauwi na sa bahay sina Armanvat Elena ay pinuntahan ni Elena si Katherine upang kausapin..at nakita nga ni Elena na nakagayak na si Katherine dahil aalis na siya roon.
.
Elena : Katherine., iha, sana naiintindihan mo ang kaibigan mong si Ariel, mahal niya si Mary Ann. At hindi mo dapat ginawa yun.
Katherine : Sorry po Tita, mahal ko lang po talaga si Ariel, kaya ko nagawa yun.
Elena : please katherine, masaya na ang kaibigan mong si Ariel, kaya sana huwag mo naman ng guluhin.(mahinahon na sabi...


niya)
Katherine : hindi na po tita, pasensiya na po kayo sakin kung ano man ang nagawa ko..huwag po kayong mag-alala aalis na po ako.
.
At samantala naman sa bahay nila Mary Ann, natapos na silang mag-almusal, gumayak na si Mary Ann at nakikipagkulitan naman si Ariel kay Annabelle, habang hinihintay si Mary Ann at nang makagayak na si Mary Ann ay umalis na din sila agad, masaya na din ang mag-asawang Andres at Elena para sa kanilang anak. Napawi na din ang pag-aalinlangan ni Andres na dahil sa sila ay mahirap lang at samantala daw sina Ariel ay isang Mayaman, at amo pa nila..matuwa na din sila dahil napakabait ng mag-asawang Arman at Elena, dahil hindi sila kapares ng ibang mayaman, na matapobre..kaya napanatag na din ang kalooban nilang mag-asawa, na sa tingin naman nila ay hindi maaapi at matatapakan ang pagkatao ng kanilang anak na si Mary Ann..at samantala naman lumipas ang mga oras ay natapos nang kumuha ng Marriage contract ang magkasintahan, babalik na lang sila sa ibang araw para sa kanilang seminar sa simbahan..at naisipan nilang maglibot muna sa kabayanan, hindi muna sila umuwi, at doon nadin sila nagtanghalian sa isang fastfood chain, at lumipas pa ang oras ay nagpasya silang dumaan muna sila sa paborito nilang tambayan..namili muna sila ng pampasalubong kay Annabelle at pati na din ang mamimerienda nila kapag sila ay nagpunta sa ilog..at hanggang sa lulan na sila ng sasakyan at papunta na sila sa ilog, at lumipas ang mga minuto ay narating na nila ang ilog..inilapag muna nila ang mga pinamiling pagkain sa may kubo, pagkalapag ng hawak ni Ariel ay kinabig niya agad si Mary Ann at niyakap niya sabay halik sa mga labi, nagulat si Mary Ann sa ginawa ni Ariel, at ng nakabawi si Mary Ann ay tinutugon na ni Mary Ann ang mga halik ni Ariel sa kanya matagal din ang halikan nilang iyon, unang kumalas si Mary Ann.
.
Ariel : happy ka ba?
Mary Ann : oo naman, sobra.
Ariel : ako din sobrang saya ko, kasi magiging misis na kita.
.
Ginawaran na naman ng mainit na halik ni Ariel si Mary Ann, at dahil sa nadadala si Mary Ann sa mga halik ni Ariel at dahil ramdam ni Mary Ann ang lakas ng pintig ng puso ni Ariel at ganun din si Mary Ann, mabilis din ang tibok ng kanyang puso, kapwa nanaman sabik ang dalawang pusong nagmamahalan at dahil ang mga halik ni Ariel ay may pananabik sa puso nito kaya nagiging mapusok, mainit at hanggang sa nakakabuo ng apoy sa kanilang pagkatao, na nakaramdam ng kapwa pananabik sa isat isa, at alam na ni Mary Ann kung saan tutungo ang mga halikan nilang iyon, kaya nagpapatianod na lang si Mary Ann sa ginagawa sa kanya ng minamahal na lalaki at dikta na din ng puso niya kaya sa pangalawang pagkakataon ay magpapaubaya uli siya sa lalaking laman ng puso niya,.isinara ni Ariel ang pinto ng kanilang munting kubo at sapat ang espasyo ng maliit na papag para sa kanilang dalawa, at muli nanaman nilang pagsasaluhan ang matamis na pag-iibigan, nagkaraoon na naman ng sariling mundo ang dalawang nagmamahalan, at habang magkahinang ang mga labi ay mga nagsisipaglundagan naman ang kanilang mga puso sa sobrang saya na nadarama, dahil sa malalasap nanaman nga nila ang walang kasing tamis na pagmamahalan, tanging ang munting kubo ang saksi sa kanilang pag-iisang katawan..at ng makamit na nila ang walang kasing ligaya na pagmamahalan, ay walang naririnig si Mary Ann kay Ariel kundi.
.
Ariel : Mahal na mahal kita!
.
Kay ligaya ng puso ni Mary Ann, habang naririnig niyang sinasambit ni Ariel ang mga katagang “Mahal na mahal kita” na akala ni Mary Ann ay hanggang pangarap na lang niya iyon, pero ngayon, abot kamay na niya ang lalaking pinangarap niya, ang lalaking, Laman ng puso niya..at kay ligaya din naman ni Ariel dahil natagpuan na niya ang babaeng mamahalin niya habang buhay, at babaeng magbibigay ng kulay sa kanyang buhay.
.
Mary Ann : Mahal na mahal din kita, at Ikaw lang ang laman ng puso ko, Ariel, ikaw lang..
Ariel : Ikaw lang ang unat huli kong inibig, IKAW LANG ANG NASA PUSO KO, mahal na mahal kita.
.
Lagi nang magkasama sina Ariel at Mary Ann, maraming natuwa ng malaman na ikakasal ang dalawa at meron ding hindi natuwa dahil sa naiinggit kay Mary Ann, lumipas ang isang buwan at natapos na ang leave ni Ariel, kaya kinailangan niyang magreport sa trabaho, at dahil malapit na din ang pasukan, kinailangan na din na bumalik ni Mary Ann sa bayang pinagtuturuan niya, dahil malapit na ang enrollment ng mga estudyante, pero laging umuuwi si Ariel sa Hacienda, at ganun din si Mary Ann kapag umuuwi si Ariel sa hacienda ay umuuwi din si Mary Ann at natuwa naman si Carmela ng malaman na ikakasal na ang kaibigan, pero si Carmela ay nanliligaw na sa kanya si Alexander..pero sa cellphone lang sila nagkaka-usap ni Alexander gawa ng napaka-busy ni Alexander sa mga negosyo na pinamamahalaan niya, kaya tanging sa celpon lang sila nakakapag-usap ni Carmela..at samantalang si Katherine ay pilit na ngang kinalilimutan si Ariel, sa isip niya. Tama naman si Ariel, mahihirapan at masasaktan lang ang kalooban niya kung ipagpipilitan niya ang sarili kay Ariel, eh hindi naman siya mahal ni Ariel, kung bakit ba naman kasi hindi niya magawang mahalin din ang isang tao na habol din ng habol sa kanya, na handang ipaglaban ang pag-ibig nito sa kanya, makamit lang din ang pag-ibig niya at ito ay si Jarred..
.
Tony : Boss, may Goodnews ako, ikakasal na si Torres!!
Jarred : at kanino naman..kay Katherine(galit na tanong nito sa tauhan)
Tony : boss hindi, sa kababata niya raw ito.
.
Natuwa si Jarred sa nalaman, sa isip nito sa wakas, wala na siyang magiging karibal kay Katherine.
.
Tony : babalik na daw boss si Mam kath sa America, hindi na ba namin gagalawin si Torres?
Jarred : hindi na, huwag nio ng gagalawin si Torres, tatantanan na siguro siya ni Kath, pasalamat yang Torres na yan at madulas siya, at naunahan niya ang tauhan ko kung hindi ang katawan niya ang mabubutas!!
Tony : anong plano mo boss?
Jarred : pupunta ako kay Katherine!!, sabihin sa mga ibang tauhan, itigil na ang pagmamanman kay Torres..dahil tapos na ako sa kanya..magiging akin na si Katherine..
Tony : okay Boss!
.
At hanggang sa sumapit na ang pinaka-hihintay na napaka-espesyal na araw, iyon ay ang pag-iisang dibdib nila Ariel at Mary Ann..naghahalong emosyon ang nararamdaman ni Mary Ann habang naglalakad siya papunta sa harap ng Altar kung saan ay naghihintay sa kanya si Ariel, napakagwapo nito sa suot nito, at nakangiti ito sa kanya habang pinagmamasdan siya, pinipigil niya ang luhang nakasiwang sa kanyang mga mata, dahil sa ligayang nadarama, dahil iyon na ang araw na pinakahihintay niya, at ano mang pigil niya sa kanyang luha ay hindi na niya napigilang maiyak nang makita niya si Ariel na tumutulo ang luha, kaya kusa ng bumagsak ang mga luha sa kanyang pisngi, luha iyon ng kaligayahan. Dahil naguumapaw sa kaligayahan ang kanyang puso, at ganun din ang nadarama ni Ariel, lalo na ng bumuhos ang mga luha nila, ng magkahawak na ang kanilang mga kamay, at hanggang sa sabay na silang lumalakad papunta sa harapan ng Panginuon, nag-uusap ang kanilang mga mata at ang kanilang mga puso. Kapwa may mga ngiti sa mga labi, dahil sa wakas, mula pagkabata nila, at hanggang ngayon at hanggang sa habam buhay, ay magsusumpaan sila na hinding hindi sila magkakahiwalay kailanman, at walang makakasira o makatitibag sa kanilang pag-iibigan, nino man at ano pa man..ipaglalaban nila ang matamis na pag-mamahalan nila..at hanggang sa natapos na nga ang seremonya ng kasal, at sila ay pinagtali o pinagbigkis na ng Panginoon, dahil sa wagas na pagmamahal sa isat isa sila ay opisyal na mag-asawa na…at ng matapos ang seremonya ng kasal ay nagpunta na sila sa Reception, ang lahat ng kabaranggay at mga kasamahan sa trabaho nila Mary Ann at Ariel ang lahat ng mga kamag-anakan nila, ang lahat ng mga kaibigan ng kani-kanilang kapamilya ay halos naroon sa pagtitipong iyon..at hanggang sa natapos na ang selebrasyong iyon, at ang ibang mga bisita ay nagsipag-alisan na, at si Mary Ann ay sobrang napagod dahil sa sobrang daming inistimang mga bisita, at hanggang sa laking gulat na lang sila ng biglang nawalan ng malay si Mary Ann, at mabuti na lang ay naagapan agad ni Ariel ang asawa nasalo niya agad, at nagkagulo silang lahat dahil sa nawalan ng malay si Mary Ann, nataranta si Ariel, hindi niya alam ang gagawin..sobrang natakot si Ariel para sa asawa..binuhat niya agad ang asawa at isinakay sa kotse at itatakbo niya sa ospital, sumama sa kanya si Elena, at hanggang sa marating na nga nila ang ospital, pagkadating nila sa ospital hindi nagtagal ay nagkaroon na din ng malay si Mary Ann at ito ay ineksamin ang dugo at ihi nito, kung bakit ano ang dahilan kung bakit bigla na lang nawalan ng malay, at hanggang sa lumipas ang mga minuto, at nalaman na ng doktor ang resulta.
.
Doktor : goodnews Mr.&Mrs. magkaka-baby na po kayo!!
.
Hindi makapagsalita sa tuwa si Ariel ng marinig sa doktor na magkaka-anak na sila, at ganun din si Mary Ann, kinapa pa niya ang tiyan niya kung saan ay naroon na ang bunga ng kanilang pagmamahalan ni Ariel, at kung tuwang tuwa ang mag-asawang Ariel at Mary Ann ay ganun din ang katuwaan ni Elena, nayakap pa ni Elena si Mary Ann sa katuwaan niya.
.
Ariel : magiging daddy na ako?
Doktor : opo magiging daddy at mommy na kayo!!
.
Napatalon pa sa tuwa si Ariel.
.
Ariel : Salamat po Diyos ko, sa napakagandang biyaya!
.
Niyakap niya ang asawa niyang nakahiga sa kama, na noon ay medyo nakakaramdam pa ng hilo.
.
Ariel : Salamat mahal ko..salamat, mahal na mahal kita, kayo ng anak ko, kayo lang ang buhay ko.
.
Walang salitang lumabas sa mga labi ni Mary Ann, tumulo na lang ang luha niya, dahil hindi siya makapagsalita dahil sa naiiyak siya sa sobrang katuwaan, gumanti na lang siya ng yakap kay Ariel, at ginawaran naman ng halik ni Ariel sa noo ang asawa..at hanggang sa dumating na din doon ang nanay at tatay ni Mary Ann kasama si Arman.
.
Andres : Anak, kumusta?
Ariel : tay, nay, papa.. Magiging daddy at mommy napo kami ni Mary Ann.
Andres&Arman : talaga!!!(sabay pa nilang sabi)
Ariel&Mary Ann : opo!! (Sabay din nilang sagot)
Marissa : salamat po Diyos ko, madadagdagan na uli ang apo namin ni Andres!
Elena : opo balae, kami naman sa wakas ang pinakahihintay namin ni balaeng Arman nio, eto na.
.
Masayang masaya ang lahat. Kaya ng mawala na ang hilo ni Mary Ann ay lumabas na din sila ng ospital.
.
Arman : paano balaeng Andres at Balaeng Marissa, iuuwi na namin si Mary Ann.
Andres : oo naman balae.
Elena : pero kailangang sumama kayo samin sa pag-uwi dahil ihahatid nio si Mary Ann.
Marissa : syempre naman balae.
Arman : edi paano, tayo na!
.
Hindi nga nagtagal ay naroon na sila sa Mansion, sa wakas napasok din ni Andres ang mansion ng amo, madalas siyang pumupunta roon at pinapatuloy ng Mag-asawa ngunit di tumutuloy si Andres, ayaw niyang pumasok, hanggang sa labas lang siya, pero ngayon ay nakapasok na siya wala naman na siyang nagawa, hindi na siya nakatanggi, kaya napilitan na siyang pumasok..inaalok ng mag-asawang Arman at Elena ang mag-anak na Andres na maghapunan muna, tumanggi ang mag-asawa dahil busog na busog daw sila, at ganun din ang mag-asawang Benjie at Evelyn..at samantalang si Annabelle naman ay nilalaro ni Marielle, at hanggang sa nagpaalam na ang mag-anak na uuwi na daw, si Ariel at Mary Ann ay todo pasalamat kila Andres at Mary Ann..at hanggang sa tuluyan ng umalis ang mag-anak na Andres..at naiwan na si Mary Ann doon.
.
Elena : Mary Ann anak, eto ay bahay mo na din ha, ang lahat ng narito ay ituring mong sa iyo rin, at ipalagay mo ang loob mo dito at huwag kang mahihiya dahil ito ay bahay natin…hindi ka na iba, kapamilya ka na namin kaya, bawal ang mahiya dito ah, kahit sa amin ni Papa nio. Huwag kang nahihiya, ano man ang kailangan mo ay magsabi ka lang samin ha, at ano man ang problema, magsabi ka kaagad.
Arman : oo nga Mary Ann, dahil mga magulang mo na din kami..
Mary Ann : opo papa, mama. Salamat po sa inyo..
Ariel : paano, mama, papa..iaakyat ko na yong misis ko!
Arman&Elena : sige anak..(sabay nilang sabi)
.
Nabigla si Mary Ann sa ginawa ni Ariel, dahil bigla siyang binuhat ng asawa, napasigaw sa pagkagulat si Mary Ann.
.
Arman : anak, huwag mo naman gulatin si Mary Ann.
Elena : anak dahan dahan ah, yong baby!!(nakangiti niyang sabi)
.
Namula naman ang mga pisngi ni Mary Ann dahil nahiya siya, at hanggang sa inakyat na ni Ariel ang asawa sa taas at nagtungo na sila sa kanilang kwarto, maingat na inilapag ni Ariel sa kama ang asawa, at napapikit naman si Mary Ann dahil sa nakaramdam siya ng konting hilo sa pagkakabuhat sa kanya ng asawa, at hanggang sa ginawaran ng halik ni Ariel ang asawa sa mga labi, at tinugon naman ni Mary Ann ang mga halik sa kanya ng asawa, nakalimutan ni Mary Ann ang hilong nadarama dahil sa mga halik ng asawa sa kanya, hanggang sa tuluyan ng nawala ang hilo at napalitan ng kuryente na dumadaloy sa kanyang mga kalamnan dahil sa masuyong paghaplos ni Ariel sa kanyang likod, at ramdam niya ng sobra ang mga kamay na humahaplos sa likod niya habang magkahinang ang mga labi nilang mag-asawa, dahil ang damit ni Mary Ann ay medyo nakalitaw ang likod, at unti unti ng natatanggal ni Ariel ang kanyang damit pangkasal..at alam na ni Mary Ann kung ano ang gusto ng kanyang asawa!!
.
Mary Ann : mahal, pwede bang maligo muna tayo!!
Ariel : huwag na kaya mahal, paliliguan na lang kita ng mga halik ko.
Mary Ann : sige na, kasi nga natapunan ako ng iniinom ko kaninang Juice, naglalagkit yong pakiramdam ko eh.
Ariel : sige na nga, sabay tayo ah..(kumikindat niyang sabi)
Mary Ann : sige mahal..(kinikilig niyang sabi)
.
sabay silang naligong mag-asawa, at hanggang sa nakatapos ng maligo si Ariel, at si Mary Ann ay nahuling lumabas ng Banyo, paglabas ni Mary Ann ng banyo, ay nakita na niyang nasa kama ang asawa at hinihintay siya.
.
Ariel : mahal katagal mo naman.
Mary Ann : sandali lang magpapatuyo pa ako ng buhok ko..
Ariel : bilisan mo mahal, naiinip na ako.
Mary Ann ; oo mabilis na lang.
.
.
Kinikilig ang puso ni Mary Ann, yoon ang unang gabi nila bilang mag-asawa, na dati ay pangarap lang, pero ngayon at pinagpala sila ng May Kapal dahil magkasama na sila ng kanyang lalakeng nilalaman ng puso niya, naging maligaya ang unang gabi ng dalawang taong nagmamahalan, ipinaparamdam nila sa isat isa ang matamis at wagas na pagmamahalan..
.At Lumipas ang ilang araw ay nagpunta sina Ariel at Mary Ann sa Italy para doon mag-honey moon..at hanggang sa lumipas ang mga araw at mga buwan at hanggang sa naisilang na nila ang kanilang panganay na anak.
Ariel : salamat mahal, salamat sa pagbibigay kulay sa aking mundo, mahal na mahal kita!(sabay halik sa asawa)
.
Sobrang saya ng mga Mag-asawang Arman at Elena at ganun din sina Andres at Marissa..dahil nakita na nila ang apo nila..at mas higit ang kasiyahan naman ng mag-asawang Ariel at Mary Ann dahil nakita na nila ang bunga ng kanilang pagmamahalan,…at hanggang sa lumaki na nga ang panganay nila, limang taon na ang panganay nila. at hanggang sa ang panganay nila ay nasundan na..at nasundan pa ng isa at ng isa pa, at isa pa,
Kaya sila Mary ann At Ariel ay nakabuo ng isang malaki at masayang pamilya, wala ng mahihiling ang mag-asawa, kumpleto na ang buhay nila dahil sa napakagandang samahan ng kanilang pamilya, walang inggitan, walang awayan, ang lahat ay magkakasundo…at masayang masaya sina Ariel at Mary Ann dahil natupad ang mga pangarap nila na walang makakapaghiwalay sa kanila, at ngayon nga na matatanda na sila at ang lahat ng mga anak nila ay may mga sari-sariling pamilya na din..at may mga apo na din sila, ay ayon pa din sila na magkasama at patuloy na nagmamahalan, humahanga pa din si Ariel sa kanyang asawa na kahit na kulubot na ang balat nito ay maganda pa din, at ganun din si Mary Ann, sobrang saya niya dahil ang lalaking laman ng puso niya, ay nananatili pa din hanggang ngayon sa puso niya ang lalaking kababata niya, at ang lalaking pinangarap niya na makasama habang buhay, dahil walang laman ang puso niya kundi si Ariel lamang..
.
Ariel : i love you mahal ko..
Mary Ann : i love you too mahal.
.
At tuwang tuwa naman ang mga anak niLa Ariel at Mary ann ng makita ang mga magulang nila na kahit matanda na ay sweet pa din ang mga ito, kaya iniidolo nila ang mga magulang…ang sabi pa nilang magkakapatid, ay gagayahin nila ang mga ito, gagayahin nila ang pagamamahalan ng mga magulang. Wagas na pagmamahalan..
.
WAKAS….
Maraming salamat po sa mga hindi bumitiw sa kwento ni Ariel at Mary Ann..
Sana po sa susunod na story kong ibabahagi sa inyo ay patuloy nio padin po akong suportahan, Salamat po!โ™ฅ๏ธโ™ฅ๏ธ






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. ang ganda nang estorya…. nakakainlove din๐Ÿ’–๐Ÿ’–๐Ÿ’–.

Leave a Reply


top