SANDRA’s POV:
“AALIS KA ULIT?”, tanong ni Derick.
Nakabihis na ako ngayon ng black tube at black pants. All black ang suot ko sa mga oras na ‘to.
Bagong umaga, bagong paghaharap muli.
Ganito kabilis ang oras.
Parang kahapon, nagkita kami ni David sa sementeryo kung saan nakalibing si Michael.
And today, we will meet again.
Kahit papano, marunong ako tumupad sa usapan. And I guess, this would be exciting.
“Sandra, ipaalam mo naman sa akin ang bawat kilos mo. May usapan tayo diba?”, paalala nito.
“Derick, malaki na ako. Alam ko na ang gagawin ko. So don’t worry, I can do this alone.”, turan ko sa binata.
“Pero–“,
Hinarangan ko ang kanyang bibig gamit ang daliri ko, para hindi na ito kumontra pa.
“Uuwi din ako. Hindi naman ako magtatagal. Paglalaruan ko lang si David.”, nakangising sabi ko.
Kinuha ko na ang malaking wallet at phone ko bago ako tuluyang lumabas.
Tinatamad akong magdrive ngayon, kaya nagpahatid na lang ako kay Manong driver.
At nung nasa loob ako ng kotse, may tumawag sa cellphone ko.
Galing ito sa unknown number kaya agad ko itong sinagot.
“Hello?”, turan ko sa kabilang linya.
“Miss Sandra, si David ‘to. Ahm, gusto ko sanang itanong kung nasaan ka na ba? Kanina pa kasi ako naghihintay dito sa restaurant na sinabi mo.”, wika nito na tila excited siyang makita ako.
“On the way. So chill. Dahil sisiputin kita.”, tugon ko sabay end ng tawag.
Ibang klase talaga ang taong ‘to.
Bukod sa makapal ang mukha, ang bilis niyang mainip.
“Manong, pakihinto na lang dyan sa gilid. At tatawag na lang ako sayo kapag pwede mo na akong sunduin.”, turan ko sa driver.
Sinunod niya nga ang sinabi ko, kaya agad niyang hininto ang kotse sa tinuro ko.
Bumaba na ako at inayos ang sarili bago lumabas ng sasakyan.
Nasilayan ko si David na patingin-tingin sa kanyang relo na halatang hinihintay ako.
Kaya sexy akong lumakad papasok ng restaurant.
Ang lakad na ‘yon, nakagawa ng ingay dahil sa tunog ng sandal ko.
Lahat tuloy ng tao sa loob, napatingin sa akin.
So I gave them a sweet smile while my eyes still looking to David.
“Goodmorning Miss Sandra.”, bating saad niya.
“The time starts now.”, tugon ko nang umupo.
“Huh?”,
“Business ang pag-uusapan natin diba? Kaya dapat hindi tayo magsayang ng oras. Mahalaga ang bawat segundo at minuto para sa akin, David.”, wika ko sa lalaki habang nakatitig sa mata niya.
“Ah oo nga, sabi ko nga. Pasensya na Miss Sandra, medyo dinalaw ako ng kaba.”, pag-aamin nito.
“Kinakabahan ka? My gosh! Akala ko ba handang-handa ka? Paano mo ako n’yan makukumbinsi kung kinakabahan ka?”, taas-kilay kong bigkas.
“Mawawala rin ang kaba ko, Ms. Sandra. Kaya sisimulan ko na.”, sambit niya at umayos ng pagkaka-upo.
Nilabas niya ang maraming papeles at pinakita niya ito sa akin.
Magkalapit ang mukha namin sa isat-isa dahil ini-explain nito ang bawat papel na binibigay niya.
“Ayan ang kompanya ko, Miss Sandra. Dati, sikat na sikat ang wine company namin. Pero ngayon, biglang lumubog. Napabayaan ko kasi at nalulong ako sa droga.”, wika niya dahilan para mapaangat ako...
🤣🤣🤣🤣🤣🤣