The Choosen ONE Continuation of Chapter Dose


Alas syete na ng gabi at halos Wala nang ingay ang labas ng lumang bodega na iyon.Tanging mga iilang sasakyan na lamang ang dumaraan at boses ng nagtitinda ng balot ang naririnig.
Kahit nahihirapan at medyo nahihilo ay pinilit pa ring bumangon ni Reoh,sa kadahilanang hanggang ngayon ay wala pa rin ang kanyang kapatid.
“Wahida!!! Wahida!!!”tawag nya sa pangalan ng kapatid habang pilit na lumakad upang makarating sa pintuang yari lamang sa pinagtagpi tagping karton.
Sinilip ang labas ng bodega at hindi nya man lang nakita ang kapatid.May anong ka bang lumukob sa kanya pero iniwaksi nya iyon.
Kailangan nyang makita ang kapatid.
Hirap man ay pinilit nyang lumabas.Nahihilo man ay pinilit nyang maglakad.Hindi nya inalintana ang kirot at sakit dulot ng mga pasa at sugat nya na natamo kahapon sa grupo ni Crew.
Ang mahalaga ngayon ay makita nya ang kapatid na hanggang ngayon sa oras na ito ng paghahanap ay hindi nya mahagilap.


/> Medyo malayo na sya sa lumang bodega,madadaanan nya ang Bagong construction site ng may narinig syang mga boses sa loob na iyon.
Mga boses na nagmamakaawa ang kanyang naririnig.Maingat at dahan dahan syang sumilip at ganun na lang kanyang gulat ng makita ang dalawang lalakeng nakaluhod habang nakapiring ang mga mata.
Napapalibutan sila ng limang lalaki na puro armado,habang may Isa pang nakaupo sa isang upuan.Mukhang ito ang bosing ng Lima.Wearing a black slack,white polo shirt that covered by black blazer with a black hat.(A.K.A , Michael Jackson ikaw ba yan 🀣)
“Boss parang awa mo na,hindi na mauulit ang nangyare.Nadala lang kame ng tawag ng laman kaya nagawa namin yon kay Ma’am.”pagpapaliwanag ng isang lalakeng matabang nakaluhod sa amo.
Wala itong imik at mas nakakatakot iyon.
“Tsaka boss,Wala namang nangyare eh,Hindi Naman namin naituloy.”litanya Naman ng Isa at halata sa mukha ang takot.
Binuga ng amo,Ang.usok na galing sa beb na hinihithit nito atsaka nagsalita……






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top