BILLIONAIRE MAN SERIES ONE: SETRIX DALE
SOLD TO A BILLIONAIRE
#BMSOSDSTOB
———
EPILOGUE;
NAGISING ang diwa ni Venice sa isang madilim ang masikip na kaniyang kinalalagyan. Para siyang niyuyupi sa kinalalagayn niya. Huli na ng kaniyang mapagtanto na ipinasok siya sa isang hindi kalakihang sako.
Gusto niyang sumigaw at humingi ng saklolo ngunit wala siyang lakas upang gawin iyon. Nanunuyo ang lalamunan niya at amoy pa niya ang lansa ng dugo na natuyo sa ulo at maging sa buhok niya.
Pinilit niyang gumalaw ngunit sumasakit lang ang ulo niya.
Narinig niya ang papalapit na mga yabag. “Gising na siya.” boses ng isang lalaki.
“Bakit niyo pa pinatagal? Ihulog niyo na iyan.” utos ng babae na ikinatakot niya. Saan siya ihuhulog?
“Siguraduhin mong hindi ito malalaman nina Perios. Kailangan walang maka-alam ng pangyayaring ito.”
“Okay.”
Naramdaman niya ang paglapit ng kung sino at ang mahinang pagsipa sa kaniya. Sapat lang upang mahulog siya sa walang katapusang kailaliman.
Sa halip na matakot at umiyak ay walang emosyon niyang tinanggap ang mapait na kapalaran ng buhay niya.
Siguro nga ito ang kabayaran sa lahat ng kasalanan niya. Nagpapatunay lang na kahit kailan hindi niya pagmamay-ari ang binata. Inagaw niya lang ito at iyon ang malaki niyang kasalanan at ngayo niya iyon pagababayaran.
Naging kabit siya, at iyon ang katutuhanan.
Ipinikit niya ang mga mata at pumatak mula doon ang puno ng emosyon niyang mga luha bago niya naramdaman ang paglagapak niya sa mga batuhan.
HUMAHANGOS na lumapit si Mario kay Setrix ng makadating ito sa reception. Tyenempo talaga nitong nagbanyo siya at doon siya mahigpit na hinawakan sa kwelyo at marahas na isinandal sa pinto ng cubicle.
Walang emosyon niya lang itong tiningnan habang nagngingitngit ang kaluoban nito. Puno ng galit ang mga mata ni Mario at nakikita niyang kahit anong oras ay dadambahan na siya nito ng suntok.
“Where is Venice?!” matigas na tanong nito na ikingisi niya. “Nasaan si Venice!?” ulit pa nito at mas hinigpitan ang hawak sa kwelyo niya.
“I don’t know.”
“You don’t know?!” sigaw nito sa pagmumukha niya na parang pupudpudin na siya ng pinong pino. “Saan mo siya tinago? Nabasa ko ang sulat niya and it says na nagtanan kayo at hindi ka sisiput sa kasal but why are you here at bakit natuloy ang kasal?! I warned you already to not hurt her!”
“Didn’t she wrote the address on there? Why don’t you just go there and stop bothering me?”
“Do you think pupunta pa ako dito if only i just know where she is? You stupid little *ss!!”
Pabalibag niyang inalis ang kamay nito at nagtagumapay siya pero sobrang sama at dilim ang makikita sa mukha nito.
“Hindi kami natuloy sa pagtanan. Hindi ako nagpunta do’n.” aniya para matapos na.
“What?! Hinayaan mo lang siya do’n?! How could you do this to her?!”
“And how could she do that to me?!” napigilan niya ang sarili. “I don’t know if she was still there. Old hospital near to the mini mall. Just go there and don’t come back here ever again.” medyo nawala ang lukot sa mukha nito pero galit parin.
Pinigilan siya nito ng akma na siyang lalabas. “Give me your phone. I know you have her number.”
Napangisi siya sa kawalan. “I just deleted it minutes ago. I don’t need her f*cking number anymore.” aniya bago lumabas ng banyo.
Sa halip na bumalik sa reception ay lumabas siya ng hotel. Napangisi nalang siya. Kadedelete lang...