WHEN A SINGLE MOM MEET THE HOT CEO CHAPTER 34


KATE’s POV:
Si DAVID, siya yung excited na lumabas ang baby sa tiyan ko. Hindi pa nga lumulobo ito, panay isip na agad siya ng pangalan.
At oo, iniingatan niya ako ng husto. Masyado siyang protective sa pagbubuntis ko.
Ayaw niya akong gumalaw ng gumalaw para hindi maalog at malaglag ang bata.
Kaya lumipat na ako ng kwarto sa baba para hindi ako mahirapan sa pag-akyat.
Mahirap na, baka daw kasi madulas ako.
Hindi lang sapat si David sa akin, kundi sobrang blessing siya na binigay ni God.
Ngayon lang kasi ako nakatagpo ng lalaking ganito.
Ang swerte ko dahil nasa tamang tao na ako.
Hindi man ako naging masaya sa una kong karelasyon. But this time, halos minu-minuto akong nakangiti.
“Sabay na tayong maligo, honey.”, bigkas nito habang naghahanap ako ng damit sa closet.
Niyakap niya ako mula sa aking likod at bahagyang kinagat ang leeg ko.
“David, ang baho ko pa.”, pagsisita ko sa lalaki.
“So what? Asawa na kita, Kate. At ang mag-asawa, hindi dapat nandidiri sa isat-isa.”, wika niya sa kabila ng paghalik nito.
“Pero uhmm, hindi ako mabango.”, bigkas ko ulit na may kasama pang ungol.
Nahuhuli niya kasi ang kiliti ko kaya hindi ko mapigilan ang sarili.
“David, stop it. Sa honeymoon na lang tayo bumawi.”, turan ko nang hawakan ko ang kamay niya at alisin sa katawan ko.
Hinarap ko siya at pinisil ang ilong.
“Maliligo na ako ha? Huwag kang susunod.”, saad ko rito.
Pumasok na ako sa banyo at nilock ito para masiguro na hindi makakapasok si David.
Nahihiya pa kasi ako sa kanya.
Hindi pa ako sanay kahit nakita na nito ang katawan ko.
Binilisan ko lang ang pagligo at matapos no’n, lumabas na ako.
Pero si David, nanatiling nasa kwarto.
Nakahiga siya sa kama habang malalim ang iniisip nito.
And guess what, nagsasalita siyang mag-isa.
“Kapag babae ang anak namin, Divina. At kapag lalaki, Cardo para astig at hindi namamatay.”, saad nito na tila kinakausap ang sarili.
Palihim akong tumatawa habang pinagmamasdan ang lalaki.
Sobrang cute niya tingnan at hindi halata na CEO siya ng kompanya.
Hindi muna ako lumapit sa kanya at nanatiling nakasanday sa pader.
“Hayss, mali! Dapat unique ang ipangalan ko sa anak namin.”, wika niya ulit.
Tsaka lang siya natigilan nang kumatok ang yaya namin sa pinto.
“Sir! Sir David, may tumatawag po sa telepono. Galing sa kompanya.”, sambit nito kaya mabilis tumayo ang lalaki.
“Panira naman oh!”, usal niya at dali-daling binuksan ang pinto.
Pero bago siya humakbang palabas, tinapunan niya ako ng tingin.
“Honey, sasagutin ko lang ang tawag ha? I’ll be back, so be ready.”, pahayag nito na may ngisi sa labi.
Tila alam ko ang pinaparating niya ha?
Kinakabahan tuloy ako, baka maging kambal ang batang dinadala ko sa tiyan.
I apply lotion to my legs and arms.
At syempre, bestida ang sinuot kong damit para maging malaya ang pag-galaw ko.
Sa kalagitnaan ng aking pagsuklay, bumukas muli ang pinto at nasilayan ko ang aking asawa.
“I’m sorry Honey, hindi yata ako makakauwi ngayong gabi. May kailangan akong puntahan. May meeting ako sa Cebu together with Mr. Xiao.”, pagsasaad niya.
“Gano’n ba? So aalis ka ngayon?”, I asked him.
Tumango naman siya bilang sagot.
“Samahan...


na kita.”, turan ko ulit.
“Huwag na honey, baka mapagod ka pa. Tsaka isang araw lang ako mawawala.”, wika niya kaya ngumiti na lang ako.
Naisip ko kasi na baka maging sagabal pa ako sa meeting niya.
Siya kasi ang nagsabi na ‘wag muna ako magtrabaho bilang secretary dahil ayaw niya akong ma-stress.
“Magbibihis na ako. Hinihintay na raw ako sa airport.”, paalam nito at hinalikan muna ako sa labi.
“Sige, ingat. I love you.”, malambing na saad ko.
Nakakalungkot man, pero ganito talaga kapag CEO. May responsibilidad na dapat atupagin ang asawa ko sa kompanya.
Sinamahan ko siya palabas ng bahay at niyakap ng mahigpit.
Alam ko kasi na mamimiss niya akong yakapin kahit isang gabi siya sa Cebu.
“Manang, ikaw na ang bahala kay Michael. At yaya, ikaw na rin bahala kay Kate. Huwag niyo siyang papagurin at hayaan na mag-isa.”, bili nito sa mga katulong.
“Opo Sir.”, magalang na tugon nila.
Umalis na si David.
Kaya naiwan kami ni Michael sa malaking bahay niya.
“Mama, matatagalan po ba si papa?”, tanong nito.
“Hindi naman anak, isang gabi lang.”, sagot ko sa bata.
Pumasok na kami at naisipan kong makipaglaro sa kanya.
Yung laro na magiging exercise sa akin.
Kaso nga lang, hindi pa nag-iisang oras, may nagdoor-bell sa gate.
May naiwan yata si David na gamit kaya bumalik.
“Manong, ako na ang magbubukas.”, turan ko sa aming guard.
Kumakain sila ng snack kaya ako na mismo ang nag-insist na buksan ito.
Simpleng bagay lang kasi ‘to, kaya hindi ko na kailangan ang tulong nila.
At higit sa lahat, hindi ako sanay na walang ginagawa sa bahay.
Humakbang na ako palapit sa may gate at dahan-dahan itong binuksan para papasukin ang kotse.
But wait, hindi ito kotse ni David ha?
Kaninong kotse ba ‘yan? At sinong tao ‘yan?
“Ahm, saglit lang po Ma’am. Maling bahay yata ang napasukan niyo.”, magalang na sambit ko.
Inalis niya ang sunglass na suot at taas-kilay siya na tumingin sa akin.
“And who the hell are you?”, bigkas niya na hindi ko nagustuhan ang unang salita na binigkas nito.
“Asawa ako ni David. Yung may-ari ng bahay na ‘to.”, pakilala ko sa kanya.
Bumaba siya ng kotse at tiningnan ulit ako mula paa hanggang ulo.
“Ang panget mo. Ang cheap mo masyado. Hindi ko rin bet ang kutis mo. At yung labi mo, sobrang putla. Kamukha mo si Katrina, pero mas maganda pa rin siya kaysa sayo.”, pang-iinsulto niya sa pagkatao ko.
Sino ba kasi ang impakta na ‘to?
Talagang kinumpara pa ako sa ex-girlfriend ni David.
“Opo, hindi ako kasing-ganda ni Katrina. But who are you to judge me?”, tanong ko rito na may pagtatanggol sa sarili.
“Asawa mo si David, pero hindi mo ako kilala? The heck! Kaya pala hindi niya sinasagot ang mga tawag ko, dahil may babae na siyang kinakasama. Sobrang pait ng taste niya ngayon ha? Hindi man lang siya naghanap ng babae na pwedeng irampa at ipagmalaki.”, mahabang pahayag niya.
Napakuyom ako ng kamao dahil medyo masakit na ang sinasabi nito.
“Pero sige, magpapakilala ako.”, she continue.
“I’m Eliza, the mother of David. At ipaprangka na kita, I don’t like you for my son.”,
_____
A/N: I am sick today po.





1
Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. sabi ko na nga ba eh!sinadya nila nga papuntahin c david sa cebu kc darating ang impakta

Leave a Reply


top