ISAng nakakauyam na ngiti ang pinakawalan ni Makoy nang makita ng kanyang mga Mata ang reaksyon na nangibabaw sa isang Shanaira Ledezma o sa madaling sabi ay isang Pekeng Shanaira.
Umalis na siya sa pagtitipon na ito ng mga tao. DAHIL Wala na siyang Balak pa na manood ng singing contest na ito. Wala namang kabulohan kung mananatili siya rito dahil Isa lamang ang sana ninanais niyang marinig kumanta. Pero bigo siya sa nais niyang ito dahil alam niyang hindi magagawang kumanta ng isang impostorang nagpapanggap na Shanaira Ledezma.Hindi kasi Ganon ang idolo niya..mapaos man ito ay gagawa pa rin iyon nang paraan para makapaghandog ng magandang awitin sa mga fans nito.
“Oh ano Bella?okey ka na ba?”
Napahinto sa paglalakad si Makoy nang marinig niya ang Pangalang Bella. At Hindi nga siya nagkamali nang makita niya ang dalawang dalaga na nasa isang tabi.
Kita niyang pinapakalma ni Chacha itong si Bella na animo ay May masakit dito.
“Okey na ako Chacha..sumakit lang kasi bigla ang aking sintido.Bumalik na tayo roon..Kailangan ko pa rin na kumanta kahit paano.”
“Mabuti naman kung Ganon. Mukhang nagsisimula na ang patimpalak.”
Kita ni Makoy na bumalik na ang mga iyon sa pagtitipon. Hindi siya...