Gisingin ang aking puso Chapter 8


Lewis Pov
Napatunganga ako sa mga nangyayari, hindi ko nakuha habulin si Sab at pigilan siyang wag umalis.
Sab Sab, Sabbbbbb! hiyaw ko sa inis.
Sa limang taon namin pag sasama bilang mag asawa ngayon lang nangyari nag ka hiwalay kami. Labis ko siyang nasaktan ni hindi ko alam paano ko maipaliwanag sa kanya ng maayos ang dahilan ko kung bakit nag ganito.
“Lewis, ang tanga mo!” hiyaw ko sa sarili
Kaya ko lang naman iyon nagawa ay dahil gusto kung maging ganap siyang masaya bilang may asawa, kahit hindi niya sasabihin pero nararamdaman ko na gusto niya rin mag karoon ng anak. Alam ko ang anak ay siyang co-completo sa mag asawa, pero hindi ko iyon maibigay sa kanya.
Naikuyom ko ang aking kamay sa galit sa sarili ko.
Maiintindihan ko kung mabuntis siya pero hindi ko matanggap na iwan niya ako para sa iba kaya hindi ko siya hinigpitan. Basta ba andito lang siya sa tabi ko sapat na sa akin ‘yon. Pero paano na ngayon iniwan na niya ako. Ang laki kung gago nasaktan ko ang dadamin ni Sab.
“Palalamigin ko lang ang ulo mo Sab, at susuyuin kitang muli hindi ko hahayaan na mawala ka sa akin. Mahal lang naman talaga kita kaya ko nagawa ang bagay na ito pero nag ka mali ako.
Hindi talaga ako mapalagay. Susubukan kung tawagan si Sab. Tulero ako kinuha ang celphone at dinael ang number niya
“ Sab naman wag mo naman akong patayan ng celphone” himotok ko ng pinatay niya ang celphone niya. E-text ko nalang siya baka sakali lang na basahin niya iyon ” Sab, please bumalik ka. Pag usapan natin to, inaamin ko nagka mali ako” binasa ko ulit bago ko pinindot ang send button.
Nagpalakadlakad ako sa sala habang hinintay ang reply niya.
Makapasok na nga lang sa kuwarto. Mukhang walang plano si Sab na sagutin ang text ko ilang minuto na akong nag hintay sa reply niya pero wala parin.
Padabog akong humiga sa kama. Lalo ko lang naramdaman ang pangulila sa kanya. Inabot ko ang kanyang unan at niyayakap ko.
“ Sab sana magbalik kana, ngayon palang naramdaman kuna ang matinding lungkot sa puso ko” inamoy amoy ko ang unan niya na lalanghap ko pa ang shampoo ginagamit niya.
” Oh, Sab sana mapatawad mo ako” daing ko sa sarili
Nakailang baling na ako, hindi ako mapalagay” Shit!” napabalikwas ako ng bangon sa inis ko. Anong klasing gulo ba itong napasukan ko?” makababa na nga lang at lunurin ng alak itong nababaliw kung isipan. Padabog kung sinara ang pinto ng kuwarto namin.
Nakakabaliw na katahimikan ang sumalubong sa akin ng makababa ako sa sala. Tinungo ko ang kusina at binuksan ko ang maliit na kabinet kung saan nakatago ang mga imported na mga inumin.
Binuksan ako ang hawak kung bote ng whisky ” Oh Sab, I miss you so much” tinungga ko ang bote ng alak. ” Para akong masiraan nang ulo sa tindi nang pagsisi nagawa ko.
” Bakit ko ba nakuhang ipag tulakan ang asawa ko sa ibang lalaki!? Napa ka gago ko talaga!” nahampas ko ang bote sa gigil nang gigigil ako sa sarili kong katangahan.
NAGPALAKADLAKAD si Sab sa loob ng bahay
Hindi niya lubos maisip ang ginawa ni Lewis sa kanya. Gulong gulo ang kanyang isipan
Nakita niya ang tawag nito pinatay niya iyon. Tumunog uli ang celphone tinigyan niya napa ismid siya ng makita ang mensahi ni Lewis.
” Hindi pa kita gustong makausap Lewis”
pakiramdam niya sasabog ang dibdib niya sa sama ng loob. Kailangan niya ng may kausap pero sino? Napa ismid siya ng maalala si Summer. Ano ang sasabihin ko kay Summer na nag away kami ni Lewis dahil gusto nitong mag buntis ako?” napa ismid siya sa isiping iyon. Ayaw niyang sabihin rito napa ka personal na nito para ipag paalam niya sa...


mga kaibigan.
Natigilan siya sa pag-iisip ng may kumakatok.
napa kunot-noo siya” sinundan ba ako ni Lewis?”
” Sab, ako to”
” Ano ang ginawa ni Brandon rito?” hindi makapaniwalang tanong.
Binuksan niya ang pinto” Paano mo nalaman andito ako?”
” Nakita kasi kitang sumakay ng taxi, na curious ako, sinundan ka” seriouso nito sabi.
” ayos ka lang ba?” alala nitong tanong ng makita ang mugto niyang mata.
” yes I’m okay” pagsinungaling niya
” you’re not okay”
” Can I come in?” anito. Pareho silang nakatayo sa may pintuan.
” I-Im sorry I can’t let you in. But maybe we can go somewhere?” gusto niyang may kausap
” Okay then” nakangiti nitong sabi
Dinala siya ni Brandon sa light house.
” What’s going on?” anito ng makababa sila sa sasakyan.
Pareho silang sumandal sa kotse nakatingin sa kawalan.
” May kunti lang kaming tampuhan ni Lewis, pero maayos din namin to” tugon niya sa mahinang boses.
” Tungkol ba iyan sa pag iwan niya sa iyo sa resthouse?” nakatingin ito sa kanya
Gusto niyang sabihin rito ang dahilan kung bakit. Marahas siyang bumuntong hininga.
” Sort of” tanging tugon na lamang niya
“Ganyan talaga, hindi ma iwasan ang awayan at tampuhan” anito
” Kami nga ni Julia nag aaway din kami pero nagkabalikan din” anitong nag kibitbalikat.
Tumingin siya rito, ” Ma swerte si Julia saiyo”
” ikaw na din swerte sa kanya” mabilis na dugtong bago pa ma misinterpret nito ang sinabi niya.
” Ewan, alam mo naman ang ugali ni Julia” anito tumingala sa kalangitan
Gusto niyang itanong kung paano nito natagalan ang pag-uugali ni Julia pero pinigil niya ang sarili.
” Intindihin mo nalang si Julia, mag babago din yon, lalo na pag mag aasawa na kayo” sabi na lamang niya rito
tumawa ito ng pagak” paano ba na punta ang usapan sa akin, diba ikaw tong may problema?” anito tumingin sa kanya.
” nakakalimutan kuna yon, pinaalala mo pa” biro niya rito
” Sab, kung gusto mo ng may makakausap, may malabasan ng sama ng loob nandito lang ako” seriouso nitong sabi
” Salamat Brandon.” maikli niyang tugon
” Mabuti pa itong si Brandon, walang problema.” bulong niya sa sarili sinundan niya iyon ng malalim na buntong hininga.
” Ang lalim naman noon Sab” anito
” Uwi na tayo?” aya niya rito ng mapansin ilang oras na silang nakatambay don.
” Wala ka bang gagawin bukas?” pukaw ni Brandon sa pananahimik niya habang nasa loob sila ng sasakyan pauwi sa town house.
” Wala, bakit?”
” Gusto mo mag island hopping tayo? nang mawala naman yang gumugulo sa isipan mo”
” Hmm…. di na siguro”
” Come on, Sab masyado kanang stress kailangan mo rin e-relax ang sarili mo” pilit nito sa kanya.
” Titignan ko” maikli niyang tugon at ibinaling ang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan.
Katahimikan ang nag hari sa kanila sa loob ng sasakyan.
” Susunduin kita bukas?” untag ni Brandon ng iparada nito ang sasakyan sa labas ng bahay niya.
” e-tetext nalang kita if tutuloy ako” tugon niya at bumaba na siya ng sasakyan
” Okay, mag hihintay ako sa text mo” nakangiti nitong sabi.
” Okay, bye!” aniya at nag tuloy pumasok sa loob.
Muling nanumbalik ang problema niya ng mapag isa na siya. Kanina lang nasa labas na siya ay panandalian niyang nakalimutan iyon. Pero bakit ngayon nag kusa bumalik sa isipan niya.
Marahas siyang huminga. “Bakit mo ba ako kailangan pangunahan sa bagay na iyan Lewis” inis niyang bulalas.
Padabog siyang humiga sa kama. Ayaw man niyang aminin na miss niya ang mga yakap ng asawa. Unang gabi hindi sila mag ka tabi ng tulog. Palagi na nilang pinag tatalunan ang bagay na gustong mangyari ni Lewis. Pa ilang ulit na siyang kinakausap nito. Punong puno na siya sa paulit ulit nilang issue mag asawa.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top