Dear, Best Friend (Short Story)


Dear, Best Friend (Short Story)
Author: Jcmae
😂SORRY PO KONG MALI MALI ANG SPELLING AT GRAMMAR SORRY POOO😂
Ashley : ” Kinnnn” . Sigaw ko sa kanya sa di kalayuan at sabay takbo patungo sa kinaruruunan nya na di man lang sya lumingun sa may panig ko.
Kin : ” Bakit na naman “. Agad na sagot nya sa akin.
Ashley : ” Wala na kayong lesson ? “.
Kin : ” Mukha bang may lesson ako, kaya nandito ako sa labas at handang handa na umuwi “.
Ashley : ” Eh ako kasi meron hehe pweding pahintay plsss ” . Pacute kong sabi sa may tabi nya .
Kin : ” Sira ka ba ” . Inis nyang sagot kasabay ang pagtigil ng kanyang mga paa at harap sa akin na animo’y galit na galit at pahanbul pa nyang sabi. ” May mga paa kana man di ba bakit pa kita hihintayin.
Natamimi ako don ha.. pero may point na man sya so di na ako nag salita baka pa humaba pa ang usapan .
Kin : ” Sige Alis na ako Ash “. Huli nyang sinabi bago hinakbang ang kanyang mga paa.
Hindi na ako nagtaka bakit ganoon nya ako tratuhin , madali talaga kasing uminit ang ulo nya mas mainit pa sa araw hayyss..
Yes since grade 7 Kin is my ultimate krass but sa hindi inaasahan naging ultimate best friend ko sya haysss at nganyon grade 10 na kami so ibig sabihin 4 years ko na syang kaibigan sayang kong naging kami lang sana di sana 4 years na kaming maghoneybee but i understand naman .
6:30am maaga akong pumasok ngayong araw kasi sabi ni teacher namin may bagong transfer sa amin section so naisip ko bakit kaylangan pa namin pumasok ng maaga para lang batiin sya ? So ganoon ba sya kahalaga ? Okay wala na akong maisip na iba basta sinunod ko nalang si teacher okay na yon .hehe.
Teacher : ” Halika iha , pasok ka wagkang mahiya “. Anyaya nya sa babae na nasa pintuan .
Hindi ko gaano maaninag ang mukha nito ngunit ng pumasok ito sa loob ng room napagtanto ko na ” magayunon paran siya ” kaya napatulala ako , while tulo laway ba! .
Teacher : ” Sige iha pakilala kana sa bago mong mga kaklase ” . Malaanghel na sabi nya sa may table .
Kristen : ” Opo , magandang araw po ako nga po pala si Kristen Lea Rivera and 18 years old . ” . Mahinhin nyang pakilala samin .
Teacher: ” Maraming salamat Ms. Kristen maaari kanang maupo sa may tabi ni Ms. Ashley Taja . ” Walang prenong sabi nya kaya nanlaki bigla ang aking mga mata kasi alam ko na kong ano ang sunod na sasabihin nya . ” Ms. Ashley dahil sa ikaw ang President sa loob ng klase na ito ikaw mo na ang magiging tour guide nya okay ba iyon Ms . Ashley.? “.
Ashley : ” Yes po ma’am. “. Mahinahon kong sagot.
Dahil sa masunurin akong bata sinunod ko si teacher ng walang alinlanga so after 3day dahil sa friendly ako kaya naging kaibiga ko na sya agad – agad basta ang hirap iexplain …………
Kin : ” Ashleyyyyyy “. Sigaw nya na papalapit sa may likuran ko kaya agad din ako lumingon .
Ashley : ” Kin ” . Sagot ko agad , so dahil sa break namin ngayon at wala naman kaming next lesson so okay naman siguro makipagchikahan sa kanaya .
Kristen : ” Sige Ashley maiwan ko muna kayo bibili lang ako ‘” .
Kin : ” Tika “. Pagpigil nito sa kanya . Sabay bulong sa may tabi ko ” Ashley di mo man lang ba ako ipakikilala sa kanaya .”.
Ashley : ” Ayyy Oo nga pala Kristen best friend ko si Kin , Kin si Kristen . “. . Mahinahun kong sabi habang tinitignan ang dalawa .
Kristen : ” Magandang umaga sa iyo Kin .” .
Kin : ” Hi ” . Tamiming sabi nya sa totoo lang ngayon ko lang syang nakitang ganya hahaha nakakatawa .
Simula ng araw na iyon nagtaka ako sa mga kilos at pag- uugali ni Kin hindi na sya parating galit at di narin sa ganoon kainit ang ulo nya para nasa 32% katamtaman na hehe at di sa pagmamayabang lagi ko na syang nakakausap eh kasi sa 4years naming pagkakaibigan siguro tatlo sa isang linggo kami nakakausap hehe. Pati narin sa bahay madalas ng dumalaw hayyy parang naninibago lang ako sa kanya siguro may gusto ito sa akin … na ipagagawa hehe.
Kin : ” Ashley maysasabihin sana ako sa iyo pero pag sinabi ko dapat tulungan mo ako . “. . Pasingit nya sa aming tawanan while gumagawa ng homework sa bahay namin .
Ashley : ” Yes naman ano iyon! ” . Palusot kong sagot kahit alam ko na talaga kong ano ang sasabihin nya .
Kin : ” Bukas sana ibigay mo sa kanya ito .”. Sabay abot nya ng isang kapirasung papel .
Ashley : ” Sinong kanya ?. “. Pagmamaanga-maangan kong sagot .
Kin : ” Niluluko mo...


ba ako .
Ashley : ” Oo alam ko “. Malungot kong sabi .
Kin : ” Ohh Bakit Ganyang mukha mo anong ibig sabihin nyan .” .
Ashley : ” Hindi ka kasi papasok bukas kaya pinabibigay mo itong sula kay teacher di ba.” .
Kin : ” Subukan mo lang ibigay sa teacher natin yan kong gusto mong hindi kana sikatan ng buwan , sira ulo ka kay Kristen . ” . Sigaw nya sa akin na galit na parang hindi naman .
Ashley : ” Sorry man po”.
Ayon nga gaya ng inaasahan ni Kin binigay ko naman sa kanya ang sulat perooo……. tara read and learn haysss
Kristen : ” Ano yang binibigay mo? “.
Ashley : ” kabayo yan kabayo .. Ano kaba eh di isang kapirasung papel ito naman talaga oh .
Kristen : ” Alam ko but i mean kanino galing yan ?” .
Ashley : ” Kay Kin sa …… “.
Kristen : ” Sabihin mo sa kanya di ko iyan matatangap ibigay mo ulit sa kanya yan , sabihin mo gusto ko sya ang mag biga .
Ashley : ” Hahhh geh subukan ko .
After that sinabi ko iyon kaya Kin but na hihiya daw sya kong Okay daw gawan ko nalang ng paraan or kaya naman gumawa nalang daw ako ng dahilan kong bakit di nya maibigay haysss pinapahirapan pa nila ako haysss and after after that binigay ko ulit kay Kristen but di rin tinanggap kahit ano ng palusot ang nagamit ko hayss wala parin kaya gumana na ang bad idea ko hehehe tinago ko nalang ito sa place na hindi ni Kin makikita at sure na sure ako na hindi ko ito binasa hanggang sa lumipas na ang araw at buwan , madami na din syang binigay na sulat para kay Kristen pero na stock sa akin hayss sa totoo di ko na kaya naaawa na ako kay Kin kaya sasabihin ko na sana sa kanya ng pumunta sya sa bahay namin habang wala ako at pinapasok ni mother sa kwarto ko and then boom exactly kakapasok ko lang sa kwarto ko habang hawak hawak nya ang letter na ginawa nya para kay Kristen.
Kin : ” Ano ito ?. ” Na nginginig nyang sabi .
Ashley : ” Sulat ???? “. Kinakabahan kong sagot .
Kin : ” Oo alam ko pero bakit nasaiyo ito ha. ? .” Galit na may kunting sigaw kaya mas nanginig ang buong katawan ko .
Ashley : ” Ipapaliwanag ko Ano kasiii…….” .
Kin : ” Gannyyaann ka nnaa bbaa taallaagaa kadespirada kaya nagawa mo ang baga na ito “.
Ashley : ” Hindi , mali ang iniisip mo Ki…”
Kin : ” Umamin ka nga masaya ka ba ha . “. Siryusong tanong nya na kitang kita ko sa mga mata nya ang pagmuu ng kanyang mga luha kaya iniwas ko agad ang tingin ko sa may paning nya at di na nagsalita pa para hindi na lumaki pa ang gulo.
Napansin kong aalis na si Kin kaya tinignan ko ito pero ng makahakbang sya ng tatlo beses tumigil ito at nagsalita .
Kin : ” Ayyy Oo nga pala gusto kulang sabihin sa iyo naaaaa nagsisisi ako na naging kaibigan kita !” .
Parang ako payata ang unang tutulo ang luha , dahil sa sinabi nya nagwala ang utak ko bumalik lahat ang alaala ko yong panahon na naging kaibigan ko sya yong panahon na wala syang karamay , wala syang mapuntahan dahil sa pagkamatay ng kanyang mga magulang yong mga panahon na sya ang inuuna ko kaysa kaligayahan ko kaya di na nakapagpigil ang isip ko at sumabat na ako agad .
Kristen : ” Talaga ba “. Dahilan ng pag natili nya sa kanya tinatayuan at pahabol ko pang sabi ” Di mo man lang ba inisip naaa sainyong dalawa ni Kristen ako ang naiipit ang hirap hirap ikaw gusto mo ibigay sa kanya sya gusto ikaw ang mag bigay ohh tapos anong gagawin ko ni gusto mong pilitin kong ibigay sa kanaya at tikalang ha sa tingin mo ba masya ako , masaya ba ito na lumuluha hehe oo nga ang saya ko ang saya saya , kong ikaw nag sisisi ako hindi salamat ha salamat sa panahon ikaw lang ang nag iisang tunay na kaibigan ko salamat . .”. Mahabang speech ko sakanya kasabay ang pag tulo ng mala ulan kong luha at napatakbo nalang ako palabas ng bahay .
Sa oras na iyon wala na akong lakas para bang wala na ako sa katauhan ko naglalakad na hindi man lang napapansin ang paligid hanggang sa may dalawang liwanag napapalapit sa may tagiliran ko at kahit gusto kong gumalaw sa kinatatayuan ko di ko magawa hanggang sa naramdaman ko ang paghawi ng tuhod at paa ko na para bang gumulung gulong sa harap ng salamin ramdam ko rin ang pagtama ng mukha ko sa salamin at para bang nabagsak ako galing sa mataas na gusali hanggang sa ramdam ko narin ang pag- agos ng sarili kong dugo sa sahig habang nakahandusay sa puntung iyon nahihirapan na rin akong huminga nandidilim na din ang paligid na tinitignan ko pero bago ko na ipikit ang mga mata ko nakita ko si Mama at si Kin na papalapit sa akin ngunit iyon din ang uli kong paghinga……….
THE END
THANK YOU po sa pagbasa!!!






Share On Whatsapp

"1" Comment
Leave a Reply


top