Cassandra (the innocent) Chapter 36..


Señorita…tawag ng matanda sa kanya,dahil sa di kalayuan ng silid ni Gabriel ay natanaw ni nanay betrin …na abala itong naghahanap sa cabinet ng lalaki…
At pagkagulat naman ang namutawi sa mukha ni cassandra..ng makita nya si nanay betrin..sa loob ng silid din ni Gabriel..
Ano pong hinahanap nyo po Señorita…?..tugon ng matanda sa kanya.
wala kasi syang ginawa kung hindi halughugin ang mga damit ni gabriel…
“Ah..eh..naghahanap po kasi ako ng susuotin ko…
“habang pagtataka naman ang matanda sa harap nya..
“Naku señorita..hindi ba’t sa kabilang cabinet nakalagay ang mga damit mo..alam ko kakabili lang yun ni señorito sa inyo bago pa sya umalis…
“Ayoko nun…nanay betrin…mas gusto ko ang damit nya…lalo na’t..napatigil ito ng makita nya ang hinahanap nya…
“Nanay betrin..nakita ko na..sambit ni cassandra na abot hangang tenga ang ngiti nito…matapos nyang makita ang isang Blue plain t-shirt..sa cabinet..at kasabay ng pag-amoy nito sa damit ni gabriel…
“Naku señorita…hindi ko pa nalabhan yan…saad ni nanay betrin …
nakasabit kasi ito sa labas ng cabinet…at natabunan ng ibang damit na nagamit na din ni Gabriel….
“Ok lang po hehhee…ngiti nya..aamuyin ko lang naman ….ahmmmm….ang bango naman po ng damit nya kahit nasuot na nya…Ano bang pabango mo gabriel..at hangang ngayon hindi nawawala ang amoy mo….miss na kita honey ko..tugon ni cassandra habang yakap-yakap nya at halos hindi na tanggalin sa ilong ang pagkaka-amoy nya sa damit ng lalaki.
“sa palagay ko señorita…naglilihi kana…sabay ngiti ulit nito sa kanya…oh sya maiwan na muna kita at maghahapunan na…marami pa akong importanteng gagawin sa loob..
“Sige po….nanay betrin…walang tigil nya pag-amoy sa damit ni Gabriel…
“bakit ba ang bango-bango mo…?tugon ni cassandra
“Manang Lusing….sambit ni amy…simula kasi ng nawala si cassandra ay ito na ang pangalawang kasundo ng matanda…ayaw din kasi nya sa ugali ng mga kapatid n’yang sakim at masamang ugali ng mommy..n’ya…
“oh bakit iha…tugon ng matanda..
kinakabahan po ako ..para sa pinsan kong si cassandra..sigurado po akong ipapatay sya ni mommy kapag nakita s’ya …dahil ganun din ang ginawa nya kana tita elisha..at tito eduardo..
Napatigil si Manang lusing …sa mga sinabi ni amy sa pagkamatay ng Amo nya…at kasabay naman nun ang pagtakip ni amy ng kanyang bibig.
Anong sabi mo…iha..? sambit ng matanda sa kanya…
“Ah….ka…kasi…mautal -utal nyang sambit…si mommy po ang nagutos na ipapatay sina tita …elisha at tito eduardo…pero po nung nakaraan ko lang ito nalaman habang kausap po nya yung mga tauhan..pinagutusan nya….naririnig ko po kasi ang mga pinag-uusapan nila …pero manang lusing sana wala po muna makaalam nito hanggat hindi pa natin nalalaman kung na saan si cassandra nanganganib ang buhay nya..kay mommy….at sana lang hindi sya nito makita dahil hindi sya magdadalawang isip na patayin si cassandra lalo na’t kayaman ng mga magulang nya ang kailangan nito.tugon ni amy habang nangangatal ang kanyang mga kamay…
“h’wag kang mag-alala iha…sa atin lang ito at kailangan makagawa tayo ng paraan upang hindi sya makita ni mam belinda …
“pero papaano..po..tugon uli ni amy..
hindi ko pa alam iha…kahit ako natatakot din para sa kanya ngayon alam na natin kung sino ang pumatay sa mga magulang nya..saad ni manang lusing…
“Halika na at baka hanapin ka pa ng mommy mo magtaka pa iyun kung bakit nandito ka sa silid ko …
.
Napagpasyahan na ni Gabriel ang umuwi sa probinsya dahil …ilang gabi na din syang hindi mapalagay..para kay cassandra hindi nya alam kung bakit..pero hindi sya mapakali kung hindi nya ito..makikita..
kuya ..gabriel..where are you going …?sa pagkakaalam ko wala kana balak bumalik pa… sa province pero bakit nag-iimpake ka…sambit ni shiena..
natapos ko na din naman ..lahat para sa bagong launch ng hotel kaya naman gusto ko na uling magbakasyon…saad ni gabriel..
Natapos talaga lang ha…kuya gabriel..oh baka naman tapos kana sa mga babaeng pumupunta dito...


sa condo mo …
“shut up…shiena…wala akong oras makipagtalo sayo…tugon ni gabriel…
“Bakit kasi ayaw mong maghanap ng ibang makakapagbago sa sarili mo..ng sa ganun kuya gabriel …tumino na yang utak mo…kasunod ang nakakalokong pagtawa nito…
“aalis na ako…just call me kung may mga dapat pang i-clarify sa mga investor natin..
ok fine kuya gabriel..,saad ni shiena…at kasabay din nun ang paglisan nilang dalawa sa condo unit..nito…
“Yora….habang naghihiwa ito ng sibuyas sa kusina…ay nakarinig sya ng pagtawag sa kanyang pangalan…..yora…tugon uli ni cassandra…kaya naman ay kaagad itong bumaling sa babaeng tumatawag sa kanya…halos mapanganga naman sya dahil suot ni cassandra… ang maluwang na damit ni gabriel…
,hindi kasi ito fitted sa kanya dahil sa laki ng katawan ng lalaki..halos fitted kasi ito kay Gabriel at nangingibabaw ang mga abs nito.. kaya naman ngmukha itong hanging dress na above the knee at namutawi ang kaseksihan nito…
“teka señorita…ba…bakit suot nyo iyan…kay señorito gabriel …natahimik ito ng umikot ng dalawang beses si cassandra na parang batang tuwang-tuwa sa suot nyang damit…
“Maganda ba yora…bagay ba sa akin..ngiting tanong nito sa babae…
..habang ito’y nakaharap sa kanya…
ah…..magsasalita na sana ito…ng masilayan ni yora ang kanyang señorito sa likod ni cassandra…
Ano na..?..bakit hindi kana nagsalita …?malungkot na saad ni cassandra..
“Ah..kasi po…si..seño….señorito gabriel…habang tulala itong nakatingin sa likod ni cassandra…
“señorito..gabriel..nandyan na po pala kayo …hindi man lang po kayo nagsabi na uuwi po kayo ng maipagluto ko kayo ng maaga saad ni nanay betrin ng masilayan nya ito sa likod ni cassandra..
“Habang pamumula naman ng pisngi ang namutawi kay cassandra…ng malaman nyang dumating na ang lalaking matagal na nyang hinihintay…hangang sa marahan itong lumingon kay gabriel….
Gabriel…kasabay nun ang pagsilay na ngiti sa mga labi…ni cassandra..habang nakatitig naman si Gabriel sa suot nitong damit……hangang sa mahigpit na yakap ng babae ang ibinigay nito leeg ni Gabriel…..habang naka-tiad ang kanyang mga paa…
“Honey…bakit..ngayon ka lang….? alam mo bang ilang araw kitang hinihintay na umuwi…saan ka ba nanggaling…? bakit ang tagal mo…makauwi…? Sunod -sunod na tanong ni Cassandra kay Gabriel…
“pero walang imik lang si Gabriel na nakatitig sa kanya…kasabay ng pagtanggal nito sa mga kamay ni cassandra sa pagkakayakap sa kanyang leeg…
may problema ba…gabriel…saad na tanong ni cassandra…
“umakyat kana sa silid mo at wag kang bababa..hangga’t wala akong sinasabi…tugon ni gabriel…
“pero gabriel gusto ko sanang sabihin sayo sana na…
“I said go to your room …cassandra ….pagalit na saad nito…
“Gabriel..tawag uli nya……habang mangiyak-ngiyak sa mukha nito…
“Hindi alam ni Gabriel kung ano ang magiging reaksyon ng masilayan nya si cassandra…lalo na’t suot nito ang damit n’ya…
“pero ang mas kinaka-bahala n’ya ay ang pagsunod sa kanya ni ethan villaflor habang pauwi sya ng probinsya…dahil may dalawang sasakyang sumusunod sa kanya at hindi nya matukoy kung sino…subalit ang kutob lang n’ya ay ang kaibigan nyang gago na nag-iwan sa kapatid nya.
“Mr.Montemayor…sa palagay ko po may sumusunod sa atin…tugon ng isa sa mga body guard nya….
“Sige…bilisan mo..nang hindi nila tayo maabutan..mahirap..na..tugon ni Gabriel…kasabay ng paglihis nito sa ibang dereksyon…kaya naman ang kasunod nilang sasakyan…ay dumeretso lang…at hindi kaagad naibaling…mabilis lang ang pag-andar ng sasakyan ni gabriel hangang sa narating na nila ang lumang bahay na kinalakihan nito…
Ano…nailigaw mo ba sila…saad ni gabriel…
“yes..Mr.Montemayor…hindi na po sila nakasunod sa atin….
Mabuti kung ganun…sige na ipasok muna ang sasakyan….tugon ulit nito….
Gabriel bakit ka ba ganyan uuwi ka lang …para awayin ako….habang nakasubsob ang ulo nya sa kanyang unan…kasabay ng pagdapa nito sa kanyang kama….
“Ano na nasundan nyo ba..?.kung saan naroroon ang pamangkin ko…saad ni belinda …
“hindi po biglaan po silang nawala ……saad ng kanyang mga tauhan…..
“Bwisit……!!!!!!!hanapin nyo tiyak malapit lapit lang yan!!??? …at di pa nakakalayo…mga hangal…sambit ni belinda…
🍂thank you readers and admin🍂






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top