Friendly.


Itago niyo nalang ako sa pangalang leia. Isa ako sa mga matalinong estudyante sa school namen. Wala akong kaibigan sa school namen kase sa itsura ko mukhang di ako palakaibigan cold din ako at gusto ko palaging nag iisa walang dahilan ung pagiging tahimik ko sa school pero iniisip ng ilan kaya ako naging tahimik kase namatay nanay ko na hindi nman totoo. So nag iba ugali ko nung nakilala ko ang isang lalake na mark ang pangalan(iniba ang pangalan xd). First day nya sa school namen maraming babae nagkakandarapa sa kanya. Kilala sya samen kase magaling na baseball player papa niya sa usa(oh diba peymus si kuya). Una kaming nag kakilala sa library & nalaman ko na mag kumare pala nanay namen nung college pa sila(meant to be kame ni kuya chaar). Habang nag uusap kame napaka talkative niya, habang patagal ng patagal paguusap namen saka na confirm na may gusto nako sakanya. Hindi crush ah I mean nagiging attractive sya sa paningin ko. Naging mag kaibigan kame. Ang saya pala mag karoon ng kaibigan. At habang patagal ng patagal lumalalim nararamdaman ko sa kanya. Every time na sinasabihan niya ako na “ang ganda mo ngayon” kinikilig ako , SLIGHT lang. At dumating sa punto na mahal ko na talaga sya. Nag seselos ako kapag may kasama syang ibang babae. Gusto ko nasa akin atensyon niya palagi at nagiging ako possessive minsan kapag kinukwento niya ang sandamakmak niyang ex gf dati. Minsan nagagalit na sya saken sa...


kinikilos ko na parang sinasabi niya “hindi ikaw ang leia na kilala ko” o “nagbago ka na” ,nasasaktan ako kapag sinasabi niya un kase hindi niya alam kung ano talaga ung tunay kong nararamdaman para sakanya ko kaya napagdesisyunan ko na aaminin ko yun sa kanya pagkatapos ng uwian sa school. Ginawa ko naman at ang sinabi niya, “salamat ah, kase nandyan ka para saken at sinusuportahan moko sa mga desisyon ko sa buhay. Naging mabuti kaibigan ka talaga sakenat na appreciate ko yun ng buong buo. Pero… sorry kase hindi ko maibabalik sayo ung nararamdaman mo. Ganito lang talaga ako sa ibang tao. I only love you as a friend. Nakita kase kita na parang hindi ka nakikisama sa iba at ayaw makisalamuha sa ibang mga estudyante kaya naisip ko na lapitan ka sa library at makipagkaibigan sayo. May mahal na akong iba. Im sorry.”…. alam ko na mangyayari to…. ok lang. Sanay naman ako sa rejection. Hindi ako natatakot na mareject ako, obvious naman talaga na irereject niya ko. Alam ko naman na nagiging ‘friendly’ lang sya saken. Hindi naman ako magagalit sa kanya. At least pinagtapat ko ung bagay na hindi ko pwedeng itago. At least hindi ako umasa na mamahalin rin nya ko pabalik, diba? Mas maganda nalang na maging mag kaibigan nalang kame at ayos lang ako dun. And then after that, lumipat ng ibang school si mark at bumalik nanaman ako sa pagiging cold. And thats the end of my story.





9
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top