The Broken Wife Chapter 34


Serenity
Kinabukasan nga ay naglibot sina Janice, Kuya Robert at Linda sa buong paligid ng bahay para tignan kung may nakapasok ba kagabi. Tinitignan nila kung may mga footprints ng isang lalaki o baka may nagbungkal ng lupa o kahit ni anong pwedeng pagkakitaan na may pumasok nga talaga. Alam ko na hindi sila naniniwala sa akin pero alam ko ang nakita ko. Kung sakaling totoo nga na may multo rito ay dapat nagpakita man lang siya sa akin o kaya ay nakaramdam ako ng lamig at pagkakilabot. Kaso ang naramdaman ko noong mga panahong iyon ay takot na maaaring mapahamak kami. Hindi nanaman ba kami ligtas dito sa bahay ni Janice? Ayoko nanamang lumipat ng ibang lugar dahil lang sa hindi namin malaman kung sino ang gustong manakit sa amin.
Nandito ako ngayon sa aking kwarto at nasa labas silang lahat pero ako ay nandito sa kwarto at naaalala ko pa rin iyong nangyari kagabi. Habaang nakaupo ako sa ibabaw ng kama ay nakita kong may tumatawag kay Ryker sa kanyang cellphone. Nang kinuha ko ito ay napansin ko na isang number galing sa ibang bansa ang tumatawag. Balak ko sana itong ibigay kay Ryker kaso naisip ko na baka importante ang tawag na ito kaya ako na lamang ang sumagot at ibibigay ko na lang ito kay Ryker.
Sinagot ko ang telepono ni Ryker at akmang maghe-hello na ako nang nauna na iyong lalaki sa kabilang linya.
“Hello Ryker. May balita na ako tungkol kay Mark at Laila. Hanggang ngayon pa rin ba ay mahal mo pa rin ang babaeng iyon?”
Napatingin ako sa telepono ni Ryker at akmang sasagot na ako nang biglang bumukas ang pinto at ilinuwa nun si Ryker. Napatingin ako sa kanya at napatingin siya sa akin na hawak ko ang kanyang cellphone.
“Sino’ng kausap mo?” tanong niya pero pagtingin ko sa telepono ay tapos na iyong tawag at wala na iyong aking kausap.
“Who is that? Pinapahanap mo sina Mark at Laila na hindi mo man lang sinabi sa akin?” Linagay niya ang kanyang kamay sa kanyang bulsa at saka umupo sa aking tabi.
“My love hindi ko naman balak na itago sa iyo kaso nga lang ay ayoko nang sabihin pa sa iyo pagkatapos ng mga pinagdaanan mo. I wasn’t there when they’ve harassed you with that box. Pagkatapos ay wala ako sa tabi mo noong muntik ka nang sagasahan ni Laila. Noong malaman mo ang tungkol kay Mark ay hindi ako agad naniwala sa iyo at ngayon naman ay ito ulit. I don’t know why they are harassing you while I’m here and just listen to everything that you’ve seen and experienced.” Nakita kong kinuyom niya ang kanyang mga kamay at hinawakan ko ito. “I feel so useless. This is all my fault.”
Umiling ako sabay kinulong ang kanyang mukha sa aking mga palad at saka pinilit na tumingin siya sa aking mga mata.
“Don’t say that. Yes we have our ups and downs, but if there’s one thing that I’m so thankful for is because you’ve always been at my side. Hindi mo ako iniwan at hindi mo ako pinabayaan at ikaw ang pinanghuhugutan ko ngayon ng lakas.” He kissed my hand then kissed me on the lips.
“We’ll get through this someday my love, and I promise that whatever happens I will do anything to protect this family.” Napangiti naman ako sabay hinalikan ko siya sa kanyang noo.
“Thank you. Stay by my side always, Ryker. Siguro kung wala ka ngayon sa tabi ko I might feel broken inside and out.” Muli niya akong hinalikan at sabay kaming humiga sa kama at pinakiramdaman ang init ng katawan ng isa’t isa.
Paggising ko ay gabi...


na noong mga oras na iyon. Isinuot ko na muna ang aking mga damit na nakakalat sa sahig sabay lumabas na muna ng aming kwarto. Kumakalam na kasi ang aking sikmura at naghanap ako ng pagkain sa ref. Nakita ko namang may naiwan pa silang ulam kanina kaya pinainit ko na muna ito.
Habang nagpapainit ako ay naalala ko iyong ginawa nila Janice kaninang umaga. May nahanap kaya sila kanina o wala? Ipinagdarasal ko na sana meron para hindi nila sabihin na multo lang ang aking nakita pero kasabay nito ay hindi na kami safe rito. Gusto ko rin naman na wala silang nahanap dahil ibig sabihin ay safe pa rin naman kami rito.
Umupo na ako sa harap ng hapag kainan at nagsimulang kumain. Nang matapos akong kumain ay hinugasan ko na ang aking mga pinagkainan nang lumabas si Ryder sa kanyang kwarto. Lumapit siya sa akin sabay binuhat ko siya at hinalikan sa kanyang pisngi na ikinatawa niya.
“Mommy? How long are we going to stay here?” tanong niya sa akin sabay ibinaba ko siya at ginulo ang buhok niya. “Mommy, I have a question.”
“Yes baby ano iyon?” ngiting tanong ko sa kanya.
“Are we running away from someone?” Nawala ang aking ngiti sa kanyang tanong. “Kasi po mommy, I overheard you talking with Ninang Janice yesterday, and then yesterday you said that you saw someone. Is it the same person who sent the red box?”
Niyakap ko na lamang ang aking anak dahil ayoko sanang malaman nila ito. Ayoko silang bigyan ng masamang memory habang bata pa lang sila dahil ayokong dalhin nila ito sa paglaki. Kaso sobra na kasing lumaki ang problemang ito na pati anak ko ay nadadamay na. Naiyak ako at naramdaman kong hinaplos ng aking anak ang aking buhok.
“It’s okay mommy. You can always tell me if you have a problem, okay? Papa said I’m a guy so when I grow up I need to protect you and Ryleigh.” Suminghot ako sabay pinahid ang aking luha at napatango sa sinabi ng aking anak.
“I know baby. I don’t want you to grow up, baby.” Niyakap kong muli ang aking anak at naluhang muli.
“I will always be your baby boy, Mommy,” sagot niya at natawa naman ako habang tumutulo ang aking luha.
“Ikaw talaga ang sweet mo sa Mommy mo. Sige ka hindi na kita hahayaang lumaki.” Natawa siya sabay pinahid ko ang aking luha at saka binuhat siya sabay pumasok kami sa kwarto nila ni Ryleigh.
Linagay ko siya sa kanyang kama sabay tinakpan siya ng kanyang blanket. Pinatulog ko siya dahil gabi na rin at pagtingin ko kay Ryleigh ay mahimbing na rin siyang natutulog. Nang sigurado akong okay na silang dalawa ay in-on ko ang kanilang lampshade at saka lumabas na ako ng kwarto nila. Paglabas ay tamang-tama rin na lumabas ng kanilang kwarto si Janice.
Sabay kaming umupo sa may upuan sa may sofa at sinabi niya sa akin na noong naghahanap sila sa buong kapaligiran ng bahay ay wala silang nakita ni isang magsasabi na may nakapasok nga dito sa property ni Janice. Halos halughugin na raw nila ang buong paligid pero wala raw talaga silang nakita. Nagpasalamat naman ako kay Janice at saka tumayo na siya sabay bumalik sa kanyang kwarto. Ako naman ay naiwan dito sa salas at napaisip kung totoo nga ba ang aking nakita o imahinasyon lamang iyon ng aking mga mata dahil masyado ko nang iniisip ang tungkol dito. Sana nga imahinasyon lang dahil hindi ko na alam kung saan kami ulit pupunta para lang matakasan kung sinuman ang gustong manakit sa amin.
– enjoy po. Hulaan time n. Sino ung nkita ni Serenity? 🤔






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top