Written by: Cristina _š
# ROMANCE
“Pasensya na Ms. Malibog pero walana kaming bakante para sayo.” Sabi ng babaeng pinag a-aplayan ko ng trabaho.
‘Ano daw sabi? Ako Malibog…?
Sa ganda kong ito na mala diyosa ay Malibog?’ Bulong ko sa king sarili.
Habang kinukuha ang maganda kong resume na inabot sa akin ng babae.
“MABILOG PO. M-A-B-I-L-O-G HINDI MALIBOG.”
Pag lilinaw ko sa kanya ng aking magandang apilyedo.
“Wala akong pakialam kong Mabilog o Malibog ka. Dahil pag sinabi kong walang bakante WALA tapos!!”
Pag susungit sa akin ng babae. Akala ko pa naman ay mabait ito hindi pala.
Kung hindi ko lang talaga kailangan ng trabaho, kanina ko pa pinatulan ang babaeng ito.
“Kahit taga hugas nalang po ng mga plato okay napo ako doon.” Sabi ko naman sa kanyan.
With matching paawa epik pa, kita ko namang umasim ang mukha nito. Na parabang may hindi ako magandang nasabi.
“Taga hugas ng PLATO?!!
BAKIT ANO AKALA MO SA NEGUSYO KO KARENDERYA?!!
PARA SABIHIN KO SAYO, HARDWARE ANG NEGUSYO KO…
HARDWARE!!!”
Galit nitong sigaw sa akin with talsik-talsik laway pa. Eewww kadire man.
Kaya naman pasimple akong tumingin sa paligid, at ganoon nalang ang gulat ko ng makita ang laman niyong gusali.
“HARDWARE nga.” Mahinang bulong ko.
At nahihiyang ngumiti sa mga taong nakatingin sa akin.
Habang na papailing pa ang mga ito, kaya naman dahan dahan akong tumingin sa matabang babae.
At pilit na ngumiti dahil sa mukha nitong hindi maipinta.
“Hehehe pasensya na po-
“Pwedi bang umalis kana at baka malasin pa ang negusyo ko sayo.
Alis na shoo!!!”
Pag tataboy nito sa akin at talagang ginawa pa akong aso.
Kaya naman sinamaan ko siya ng tingin, habang pa atras na lumabas sa kanyang tindahan.
“MALASIN SANA YANG NEGUSYO MONG PURO BAKAL PWEE!!”
Sigaw ko mula sa labas.
Nakita ko naman itong dumampot ng bakal, at mabilis ang lakad palapit sa akin.
Kaya naman kumaripas ako ng takbo papalayo sa lugar na iyon.
“Aaahhh!!” Usal ko at habol ang hiningang na upo ako sa bankanting upuan dito sa Parke.
Dahil sa pag takbo ko palayo sa babaeng iyon, dahil sa takot na baka hambalusin niya ako.
“Bakit ba napaka malas ko namang tao.” Bulong ko habang iniikot ng tingin ang buong paligid.
“Malas nanga sa pag ibig malas pa sa trabaho.” Dagdag ko pa at pinakatitigan ang resume kong lukot na.
Pang pito na iyon na hindi tumanggap sa akin sa trabaho. Ang hirap talaga ng hindi nakatapos ng pag aaral.
Walang gustong tumanggap sayo, kahit sa pag janitor ay maramipang hinahanap sayo na kung ano-anong ka ek-ikan bago ka tanggapin.
Napabuntong hininga ako dahil hindi ko alam kung saan ako kukuha ng perang ipang babayad ko kay aling Kuring.
Malapit na kasi itong maningil sa kuryente. Kaya ma pipilitan akong buksan ang alkansya kong garapon ng stick-o.
Para may maibayad sa dalawang buwan ko ng bayaran sa kuryente kay aling Kuring.
“Bakit ba puro kamalasan nalang ang ng yayari sa akin?” Bulong ko at pinakatitigan ang halaman sa tabi ng kina uupuan ko.
Na’ng bigla nalang sumagi sa isip ko ang cute na batang babae ng mayaman kong kapit bahay.
Kindapin ko kaya ang batang iyon, at ipatubos ng sampong milyon sa mayaman niyang mga magulang?
Ay wag nalang baka makulong pa ako. Sayang ang mala diyosa kong ganda, kung mabuburo lang ako sa kulungan.
“Tama!!” Wala sa sariling bulalas ko.
Habang na papitik pa sa ire ng ma alala ko yung aso ng kapit bahay ko.
Yung mamahalin nilang aso na laging nakatambay sa labas ng gate.
Iyon nalang kaya ang ibinta ko, mamahalin daw iyon e dahil galing pa iyon ng ibang bansa.
Pwedi na iyon kaunting paligo lamang doon ay ayos na. Tapos takpan ko nalang ang mga galis noon, at siguradong may bibili niyon.
Hindi ko mapigilang ma pangisi sa aking pinaplano ng…
“Ining balak mo bang kalbuhin iyang halaman?” Sabi ng kung sino.
Kaya naman nag palinga-linga pa ako, para makita kung sino ang sumira sa pag paplano ko.
Tungkol sa pag bibinta sa aso ng kapit bahay kong mayaman.
At nakita ko naman ang isang matanda na nakaupo sa hindi kalayuan sa akin.
“Ako po ba ang kausap n’yo?” Tanong ko sa kanya at itinuro pa ang aking sarili.
Para makasiguro na ako nga ang kausap nito, tumango naman ito sa akin at itinuro ang halaman sa tabi ko.
“Kako, ay balak mo ba iyang kalbuhin na halaman?” Sabi nito.
Kaya napatingin naman ako sa halaman na halos maubos na ang mga dahon.
“Baka!! Nako pasensya na kayo na?” Sabi ko at binalik ang mga dahon sa mga tangkay.
Na akala mo naman ay didikit ang mga iyon at babalik sa dati.
Napatingin pa ako sa matanda at nakita kong umiling-iling ito habang nakatingin sa akin.
Kaya naman agad akong tumayo at nag lakad palayo sa lugar na iyon
. Baka mahuli pa ako ng bantay doon.
Habang nag lalakad ako papalayo, ay napatingin ako sa mga batang nag lalaro sa may swing.
Na’ng bigla nalamang may bumangga sa akin, dahilan para matumba kami pariho sa semento.
” Ano ba naman iyan, matutu ka namang tumingin sa daraanan mo.” Sabi ko at agad tumayo.
Habang pina pagpagan ko ang aking sarili bago tumingin sa taong bumangga sa akin.
Isang babae na may mahabang buhok ang nakita kong nakasalampak sa semento.
Kaya naman inabot ko ang aking kamay, para tulungan itong tumayo.
“Sa susunod ha, tumingin na sa daraanan mo ng hindi ka na kakabangga.” Sabi ko sa kanya.
“Ayos kalang ba ha?” Dagdag ko pa ng tuluyan na itong makatayo.
Hindi naman ito sumagot, sa halip ay yumuko lamang ito. Na parang tinatago nito ang kanyang mukha, sa mahaba at magulo niyang buhok.
Napansin kong na nginginig ito at hinihingal pa. Na akala mo’y nakipag karera ng takbuhan.
Pinaka titigan ko ito mula ulo hanggang sa paa nitong maraming sugat. At ang naka agaw sa akin ng pansin ang sugat nito sa binte.
Dahil paikot iyon sa binte niya na parang nag mula sa kung anong matigas na bagay.
May mga pasa din ang mga braso nito, at ang kamay nito ay may bakal na bilog na naka kabit. Mistulan iyong porselas.
Naka suot ito ng malaki at maluwag na t-shirts na may mga punit na. At mukhang lumang luma na iyon dahil narin sa kulay nito.
‘Saan ba galing ang babaeng ito?’...
interesting,,nice