The Broken Wife Chapter 21


Pagkatapos ng pagtatalo nila ni Serenity kanina ay hindi alam ni Ryker kung ano ang iisipin. Masyado na nga ba siyang nabubulag ng kanyang pagseselos? Lumabas ng kanyang opisina si Ryker at dumiretso sa labas upang magpahangin. Nai-stress na siya dahil hanggang ngayon ay wala pa silang mahanap na donor ng kanyang anak. Kahit siya ang may-ari ng Faron hospital at isa sa mga tanyag na doctor ay hindi pa rin sila makahanap ng donor. Naisip niya na marahil dahil sa sakit ng anak niya na si Ryleigh ay siyang dahilan kaya lahat ng stress niya ay naibubunton niya sa asawa.
Nang mawala ang inis ni Ryker ay agad siyang dumiretso sa kwarto ni Ryleigh at nakitang mag-isa na lang doon ni Linda. Wala na sila Serenity kaya naisip niya na marahil ay umuwi na ito dahil sa sama ng loob. Hindi naman niya masisi ang asawa dahil ilang araw na rin naman siyang nagiging bugnutin. Naisip niya na marahil ay nagiging seloso na nga siya. Kaya naman napagdesisyonan niya na uuwi siya mamaya at hihingi ng tawad sa kanyang asawa.
Makalipas ang ilang minuto ay pinapatawag na siya para maki-meeting kaya binilin na muna ni Ryker si Ryleigh kay Linda na siya na muna ang bahala rito. Lumabas ito ng silid at didiretso na sana siya sa meeting room nang nagtatakbuhan ang ilang nurse papunta sa emergency room. Tuwing ganito ang senaryo ay baka may naaksidente kaya lahat ng mga tao ay mabilis ang galaw. Naglakad siya ng dahan-dahan nang nagsisigawan na ang ilang nurse.
“Doctor Ryker! Doctor Ryker!” sigaw ng isang nurse papalapit sa kanya nang akmang sasakay na sana siya ng elevator.
“Yes?” tanong niya sa isang nurse. “Please make it quick because I have a meeting in less than an hour.”
“There has been an emergency! There was an accident a while ago near the mall and one of the victims are your wife and son.” Halos binuhusan siya ng malamig na tubig nang marinig niya ang sinabi ng nurse.
Dali-dali siyang tumakbo at hindi na niya alam ang gagawin. Ang tangin nasa isip lang niya ay ang kanyang mag-ina. Nakita niya ang dalawang stretcher na papasok sa ER at lulan nito ang kanyang mag-ina.
“That’s my wife and my son!” sigaw niya sa mga nurse na nag-aassisst sa kanila.
“Sir Ryker, mas mabuti ho siguro muna na maghintay na lang ho muna kayo. Kami na ho ang bahal sa mag-ina niyo,” sabi ng isang nurse sa kanya.
Nang makita niya sina Serenity ay para siyang mahihimatay sa kaba. Paano ba naman kasi duguan ang kanyang mag-ina at hindi niya alam kung malala ba ang natamo nilang sugat. Lalo na si Serenity na mula ulo hanggang sa kanyang paa ay sugatan ito. Marami pang naipasok na ilang biktima sa nasabing aksidente. May mga nag-iiyakan na mga pamilya na maaaring nakaligtas sa nasabing aksidente. Nakatayo lang siya habang pinapanuod niya na binibigyan ng CPR sina Serenity at Ryder. .
“Mrs. Faron is already conscious!” sigaw ng isang nurse at agad siyang tumakbo para daluhan ang asawa.
“Serenity, my love.” Lumapit siya sa asawa pero mukhang nahihilo pa ito dahil hindi pa siya nito makilala.
“He’s convulsing! He’s hemorrhaging! We need to do surgery immediately!” Napatingin siya nang ang tinutukoy nila ay ang kanyang anak. “Call Dr. Sanchez immediately to the OR!”
Agad na tinakbo ang kanyang anak sa OR para operahan dahil mukhang malakas ang pagkakatama nito sa kanyang ulo. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin dahil pare-parehas nang nasa hospital ang kanyang pamilya. Agad na ginamot si Serenity at mabilis na binigyan ito ng dextrose. Tinahi ang ilang parte ng kanyang ulo at kamay dahil sa natamo nitong sugat. Hindi niya alam kung sino ang unang pupuntahan pero naisip niya na nasa bingit ngayon ng kamatayan ang kanyang anak na lalaki kaya umupo siya sa labas ng OR para hintayin ang resulta ng kanyang operasyon.
Naisip niyang tawagan ang kanyang mga magulang at mga magulang ni Serenity dahil mababaliw na siya sa mga nangyayari. Nang marinig ito ng kanyang mga magulang at mga magulang ni Serenity ay nagpa-panic ang mga ito at sinabing pupunta sila agad sa hospital. Hindi siya mapakali at palakd-lakad siya ng pabalik-balik habang pasulyap-sulyap ng ilang beses sa kanyang relo. Makalipas ang trenta minutos ay dumating ang kanyang mga magulang at mga magulang ni Serenity.
“Son, what happened?” tanong sa kanya ng kanyang ina.
“Where’s our daughter, Ryker? Ayos lang ba siya? Ang apo namin?” tanong naman ng ina ni Serenity sa kanya.
Bigla na lang siyang naluha at agad siyang yinakap ng kanyang mga magulang. Makalipas ang ilang oras ay lumabas ang doctor at agad na hinanap ang mga magulang ni Ryder. Tumayo naman silang lahat at sinabi ng doctor na ayos naman na ang kalagayan ni Ryder. Buti at naagapan agad ang sugat nito kundi ay baka mamuo ng dugo sa kanyang utak na maging dahilan ng pagkamatay nito. Nakahinga naman ng maluwag si Ryker at ang iba pa sa narinig nilang balita.
Linipat na sa isang kwarto si Ryder habang ang mga magulang naman ni Serenity ay pumunta sa kwarto nito. Si Ryker at ang kanyang mga magulang ay pumunta sa kwarto ni Ryder. Nang makita ni Ryker ang kanyang anak ay gano’n na lang ang iyak niya dahil ligtas ang kanyang anak. Agad namang binuksan ng kanyang ina ang telebisyon at naibabalita ngayon ang nangyaring aksidente sa...


daan kanina. Ayon sa balita ay isang malaking bus ang nawalan ng preno kaya dumire-diretso ito. May nakakuha ng video ng mga pangyayari at agad niyang napansin ang sasakyan ni Serenity na nasa unahan.
Napalunok siya nang makita sa bandang kanan ng sasakyan ang mabilis na takbo ng bus kaya agad na nahagip ng bus ang sasakyan ni Serenity at nagpagulong-gulong ito. May mga ilang sasakyan din ang nahagip ng bus pero mas malala ang nangyari sa kotse ni Serenity na naging dahilan para mayupi ito. Himala na naging ligtas pa sila at ganito lang ang natamong sugat. Napatingin naman ulit si Ryker sa kanyang anak at hinaplos ang noo nito nang may maalala siya.
Namutawi sa kanyang alaala kanina na gustong kumain ni Ryder ng ice cream kanina at nabanggit nito ang nagngangalang Dennis na palaging binibilhan nila. Naalala niya rin na galing sa mall sila Serenity at iyon ang naging dahilan kaya sila napahamak. Unti-unting namayani ng galit si Ryker para sa asawa. Ang buong akala niya ay umuwi na sila pero nakuha pa nitong pumunta sila ng mall para lang makita ang lalaking iyon. Hindi sana ito mangyayari kung hindi sila pumunta ng mall at dumiretso na lang sana sila sa bahay. Iyon ang mga naiisip ni Ryker ngayon at kung kanina ay nawala ang galit at inis niya ay hindi niya mapigilang sisihin ang asawa.
Pagsapit ng gabi ay naiwan ang kanyang ina upang bantayan si Ryder samantalang ang mga magulang naman ni Serenity ay umuwi na dahil mukhang nagigising na raw si Serenity. Kaya naman nang makauwi ang mga magulang nito ay siya ang pumalit na nagbantay sa kanyang asawa. Umupo siya sa sofa habang nakatitig sa kanyang asawa. Maya-maya ay unti-unting minumulat ni Serenity ang kanyang mga mata. Agad na napatayo si Ryker sa tabi ng kama ng kanyang asawa at hinihintay na makita siya nito.
Nang gising na si Serenity ay pinilit niyang umupo pero ni hindi man lang siya tinulungan ni Ryker at hinayaang makaupo ang asawa sa sarili niyang lakas. Imbes na awa ang nararamdaman niya para sa asawa ay inis ang galit ang namayani rito. Pagka-upo ni Serenity ay agad niyang hinanap ang kanilang anak.
“R-Ryker…si Ryder? Ayos lang ba siya? Nasaan na siya? May aksidente kanina at hindi ko alam kung paano kami naaksidente.” Nanatiling nakatayo si Ryker habang nakatitig sa kanyang asawa.
“My son is already fine. Buti na lang at naagapan agad ang pamumuo ng dugo sa kanyang ulo kundi ay baka namatay na ito.” Naiyak si Serenity at walang imik si Ryker sa kanya.
“I’m sorry. Hindi ko naman alam na gano’n ang mangyayari. Kung alam ko lang ay sana hindi na kami pumunta pa ng mall.” Mas lalong nainis si Ryker sa sinabi ng asawa.
“You should be, Serenity. Oras na may mangyari sa anak ko ay hinding-hindi kita mapapatawad.” Gulat na napatingin si Serenity sa kanya. “Bakit ba kasi ang tigas ng ulo mo ha? Sinabi ko na sa iyo na huwag na kayong pupunta ng mall ‘di ba? Gano’n na lang ba ang kagustuhan mong makita ang lalaking iyon kaya pati anak ko dinamay mo sa kalandian mo?”
“Ryker naman hanggang ngayon pa rin ba pinagdududahan mo ako? Sinabi ko na sa iyo kanina na hindi kita linuluko.” Nagsimulang maluha si Serenity pero umiling lang ang asawa.
“Siguro ay ikaw rin ang dahilan kung bakit nandito ngayon si Ryleigh. May ibang lalaki ka pa ba na hindi ko alam kaya hindi mo agad nakita na may sakit na pala ang anak natin?” Kita ni Serenity ang galit sa mga mata ng asawa.
“Ryker please huwag mo naman akong sisihin sa lahat ng ito. Hindi ko naman ginusto na ma-hospital ang mga anak natin. Wala akong lalaki Ryker.” Inabot ni Serenity ang asawa pero lumayo ito sa kanya.
“Sa tingin mo ba Serenity maniniwala pa ba ako sa iyo? Kitang-kita ko nga kung paano ka ngumiti sa Darwin na iyon. Hindi na rin ako magtataka kung bakit pati si Dennis ay nagkagusto sa iyo. Hindi nga naman nakapagtataka dahil pang-ilan ba ako bago kita nakuha ‘di ba?” Napasinghap si Serenity at agad na inabot si Ryker.
“Ryker! Hindi totoo iyan! Ikaw lang ang minahal ko Ryker! Bakit ba hindi mo makita iyon? Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin?! Bakit ba ang bilis mo na lang akong husgahan?!” Humahagulgol na ito.
“Dahil iyon ang pinapakita mo sa akin!” Mabilis na umiling si Serenity habang umiiyak. Huminga ng malalim si Ryker at inayos ang kanyang damit. “Oras na gumaling ka na ay umuwi ka na at huwag kang magpapakita rito sa hospital. Kung ayaw mong mas maghinala at magalit ako sa iyo ay sundin mo na lang ako.”
Pagkasabi ni Ryker ay umalis na siya ng kwarto at naiwan ang umiiyak na Serenity. Hindi alam ni Serenity kung bakit gano’n na lang siya husgahan ng asawa samantalang sinasabi naman na niya ang totoo. Ano pa ba ang kailangan niyang gawin para lang maniwala si Ryker sa kanya? Naisip ni Serenity na naaksidente na siya at lahat-lahat pero nagawa pa siyang husgahan ng asawa sa isang bagay na hindi naman niya ginagawa. Imbes na maramdaman niya ang sakit ng kanyang pagkakaaksidente ay sumasakit ang kanyang dibdib dahil sa mga paratang ni Ryker sa kanya. Sana naman ay maniwala si Ryker sa kanya dahil nasasaktan na siya.
– Enjoy po. Sana magustuhan nio ang chapter na ito. –






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. nxt pls.

Leave a Reply


top