Saved by the reporter Part 1


Saved by the reporter
Part 1
Not a smut story but a cute story
________________________________________________
*Michael’s Pov*
“Mikey bangon na mag aamusal na tayo. Papasok ka pa sa trabaho mo.” Sabi ni mama
“Opo ma….” sabi ko na inaantok pa rin.
By the way, ako nga pala si Michael Hanners. 20yrs old na at patay na pala ang tatay ko dahil sa coma kaya si mama na lang ang natitira kong magulang. Parehas kaming nagtatrabaho ni mama. Si mama isang waitress sa isang mayamang restorant at ako naman nagtatrabaho naman bilang isang reporter sa London. Nakatira pala kami sa london. Bumangon na ako para sa another challenge day. Nag-shower muna ako, nagbihis at umalis na sa kwarto.
“Ang bango ma ah. Ano ang linuto nyo?” Tanong ko habang inaamoy yung mabangong linuto ni mama.
“Ah yung linuto kong omellete ba yung sinasabi mo?” Tanong ni mama.
Sakto ang almusal. Paborito ko kaya ang omellete.
“Wow ma. Omellete talaga ang linuto mo, paborito ko kaya yonπŸ˜„” sabi ko
“Oo na. Bilisan mo na at mahuhuli ka na sa trabaho mo” sabi ni mama
“Opo ma”sabi ko
Dali dali akong kumain. Sinuot ang sapatos ko at sabay kami ni mama pumasok sa trabaho. Nauna si mama pumasok kasi mas malapit lang ang trabaho nya kaysa saken. Ako naman tong nag-aantay ng bus sa bus stop para pumasok sa trabaho ko nang biglang may sumisigaw na babae na sumisigaw kase may isang tao sa building ang nakita nya at tila’y magpapahulog to. Nagulat ang marami tao sa nakita kahit ako nagulat den. Isa sa kanila tumawag ng rescue para iligtas tong taong to. Yung iba naman nagli-live video. Ako naman nakatulala sa nangyayari pero imbes ireport ang nangyayari ay pumunta ako sa building kung saan magpapahulog yung taong yun. Dali dali akong pumunta sa building at nakarating sa elevator at pumunta sa rooftop. Sakto pag dating ko sa rooftop ay nandyan na ang mga rescue team at naghahanda. May naisip akong plano. Lumapit ako sa lalaki at tumabi kanya. Nagulat naman sya ng may ibang tao na katabi nya at yun ako.
“Bakit nandito ka?” Tanong nya
“Wala lang. Magpapakamatay na ren pero hindi ko alam kung paano kase nandyan ang mga rescue” pagpapanggap ko
“Bakit gusto mong magpakamatay?” Tanong pa nya
“Secret” sagot ko
“Sa ibang building ka. Ayoko ng kasabay tumalon” pagalit nyang sabi
“Grabe ka naman. Eh gusto ko dito eh. Maganda at sobrang taas.” Sabi ko
“Tch bahala ka. Ano sabay tayo?” Pag–yaya nya sakin
“Saan tayo tatalon?” Tanong ko sa kanya
“Sa kabila” sagot nya
“Hmm sige. Tara na”sabi ko
Sabay kaming tumayo at hinawakan ko kamay nya. Sh*t ang init ng kamay nya. Imbes na aalis na kami, itinapon ko sya kung saan dinirekta ng mga rescue team ang isang malambot na foam at ang reaksyon nya naman, nagtataka kung bakit ko ginawa yun. Maya’t maya ay nahulog na sya sa foam at agad kinuha ng mga rescue team ang lalaki and me, bumaba na sa building na ang reaksyon ay sobrang saya kase nakaligtas ako ng tao at bilang isang reporter, irereport ko to sa kabataan kaso lang may naunang reporter ang nagreport, nakakainis naman. But it’s okay atleast may naligtas sila hindi. Hehehe, yabang ko. At back to normal na ulit. Pumasok ako sa trabaho na late na at itong manager ko galit na galit kasi late na akong dumating.
“Baket late ka?!” sigaw ng manager ko
“Sorry po sir… Ang traffic kasi kaya late na ako ng dating….” mahina kong sabi
“Tch ok lang. May naligtas ka namang tao at ang niligtas mong tao ay si Mr. Louise Marcelo ang anak ni Mr. Jonnathan Marcelo at Mrs. Belle Marcelo. At ngayon pinupuri ang company natin dahil sayo maslalo na si Mrs. Marcelo. Well done Mr. Hanners” pagpupuri sakin ni manager
“Ah eh salamat po manager and, anak nila Mr and Mrs. Marcelo?!” Medyo pasigaw kong tono
Ang Marcelo family ang isa sa pinakamayan na pamilya sa london. Hindi ako makapaniwala na ang niligtas kong tao ay isa sa part ng Marcelo family. Kaya pala ang gwapo ng lalaking yun. Sh*t kinilig ako, talagang bakla nga ako.
“By the way pala Mr. Hanners. Hinihingi pala ni Mrs. Marcelo ang pangalan, adress at contact number mo and sa ginawa mo, isang linggong walang pasok para sayo Mr. Hanners at syempre may bonus kang 1,000” sabi sakin ni maneger na nakangiti
“Ah eh sige po. Ito po ang adress at contact number ko po_/[binigay ang adress at...


ang contact number]\_ pakisabi na lang ang pangalan ko po manager. Salamat po” sabi ko at umalis para sa walang pasok ko at bonus ko.
Yay swerte ko talaga. Lucky week, handa na ako!
________________________________________________
*Louise’s Pov*
“My son!!” Sigaw na tono ni mom
By the way, ako nga pala si Louise Marcelo. 22yrs old. Anak ako sa mayamang pamilya . Sa ngayon nandito ako sa ospital at nagpapagaling kase namanhid ang paa ko.
“Ok ka lang ba?!” Nag aalalang si mom
“Opo ok lang ako. Medyo masakit nga lang ang paa ko” mahina kong sabi
“Bakit kasi nandoon ka sa building?! Gusto mo bang mamatay?! Buti na lang niligtas ka ng isang reporter kung hindi patay ka na ngayon” sabi ni dad
“Dad anong pangalan pala ng reporter?” Tanong ko
“Hindi ko alam…” mahinang sabi ni dad
“Alam mo anak, nagpapasalamat ako at buhay ka at nagpapasalamat din ako sa reporter na yon kase niligtas ka nya” masayang sabi ni mom
“Hmm…” mahina kong huni
“Hihingiin ko ang pangalan, adress at contact number nya. Yaya!” Sabi ni mom
“Ano po yung ma’am?” mahinang sabi ng yaya ni mom
“Hingiin mo yung pangalan, adress at contact number ng reporter na nagligtas sa anak ko sa manager ng levaro company” utos ni mom
“Opo ma’am” sabi ni yaya at umalis
Makalipas ang isang oras, nandyan na ang yaya na may dalang papel at binigay kay mom
“Sige maaari ka ng umalis” sabi,ni mom at umalis ang yaya
“Anong pangalan nya at agad kong bibigyan sya ng 10,000,000 para sa pagligtas sa anak ko?!” Tanong ni dad na pasigaw
“Kumalma ka lang nathan ito na nga sasabihin na…” pagpapakalma ni mom kay dad
“Ang pangalan nya ay si Michael Hanners” sabi ni mom
So Michael Hanners ang pangalan nya? Parang gusto ko ulit sya makita kase ang cute nya talaga parang angel. Maamo pa ang mukha- sandali lang, parang nagkakagusto ako sa kanya ah? Sh*t. Nag ask ako kay mom na kung pwede ko sya makita ulit at tumango naman si mom at tinawagan na nya at itong si dad hindi mapakali. Oo nga pala, bakit gusto kong magpakamatay? Well, nag broke up kami ng girlfriend ko dahil nahuli ko sya na nagche-cheat sya sakin at pinagpalit talaga nya ako sa mortal kong kaaway na si Elenard na parati na lang sinisira ang buhay ko. Habang nag ri-ring phone ay sumagot si Michael.
“Uhmm, hello? Sino toh?” Tanong ni Michael sa phone ni mom
“Hello Mr. Michael Hanners. Ako to ang nanay ni Louise Marcelo” sagot ni mom
“Wait- Mrs. Marcelo?! Ah eh- ano pong kailangan nyo po Mrs. Marcelo?” tanong pa ni michael
“Well, gusto ka ma-meet ng anak ko na si Louise dito sa ospital sa likod ng pinagtatrabahuan mo. Kung pwede sana now ka na pumunta. Pwede ba?” Ask ni mom
“Uhmm, sa Zumaiki hospital ba po ang ibig nyong sabihin- eh- uhmm, sige po on my way po ma’am” sabi nito
“Thank you Mr. Hanners” pagpapasalamat ni mom tapos inoff na ni mom
“Pupunta na sya mom?”tanong ko kay mom
“Oo pupunta na daw sya” sagot sakin ni mom
Naghihintay kami ni mom and dad sa kanya. After a while, may kumatok sa pintuan. Well alam na namin kung sina yun. Si michael. Binuksan ng bodygaurd ang pinto at tama nga ang hula namin.
“Uhmm, g-g-good afternoon po….” pagbati sa amin
“OH GOD, MR. MICHAEL HANNERS THANK YOU BECAUSE YOU SAVE MY SON FROM THE H*LL! THANK YOU VERY MUCH!🀧” Pagpapasalamat ni dad kay michael at hindi mapakali
“Ah eh, your welcome po Mr. MarceloπŸ˜…” sabi ni michael na nahihiya
“Ano ka ba nathan ayusin mo ang sarili mo kaya. Para kang bulate, btw Mr. Michael Hanners. Thank you talaga sa pagligtas sa anak ko☺” pag papasalamat din ni mama
“Walang anuman po Mrs. Marcelo and tawagin nyo nalang po akong Mike or Mikey kase parang nahihirapan po kayo sa mahabang pangalan ko poπŸ˜…” sabi ni michael- I mean mikey. Ang cute ng nickname
“Btw, mike. Pwede ka bang pumunta sa dinner namin later at night? Mga 7:00” tanong ni mom
“uhhh, sige po” pagpupumayag ni mikey
Sa ngayon tatawagin ko na syang mikey.
“Hey mikey” tawag ko sa kanya
“Eh- u-uhmm, ano yun Mr. Louise?…” nahihiyang tanong nya
“Tawagin mo na lang akong Louise” sabi ko sa kanya
“Uhmm, ok?” Sabi nya
________________________________________________
*Michael’s Pov*
Oh my god talagang tinawag nya ang nickname kong mikey?! Yeeeeiii ako ay kinikilig πŸ’“ pati πŸ‘ ko nanginginig😍
To be continued






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top