𝗧𝗛𝗘 𝗖𝗛𝗔𝗡𝗚𝗘 𝗢𝗙 𝗪𝗜𝗡𝗗 Part I


“Saan ba ang punta mo at kanina ka pa nangangalkal ng damit diyan?”
Tanong ni Cherry saakin habang hawak ang juice niya.
“Huwag ka nang atribida at tulungan mo na lang ako sa paghahanap ng damit, nakalimutan mo na ba? ngayon ang balik ni Archie.”
Sagot ko nang hindi manlang tumitingin sa kaniya. Alam kong nagulat siya dahil sino nga ba naman ang hindi magugulat.
“Archie? your ex?”
Napatigil ako sa pangangalkal at hinarap siya.
“Anong ex ko? kami pa kaya.”
“Odessa, 4 years na kayong hindi nagkikita and—”
“Pero hindi pa kami break, at hindi mangyayari ‘yon.”
Hindi ko na siya pinatapos pa at bumalik ulit sa pangangalkal ng damit. Nang may mahanap na ako ay dumiretso na ako sa pagligo.
“Doto po”
Nakanguso kong sabi kay Cherry, nilalagyan niya kasi ng Lipstick—kailangan ‘yon ehe.
“Tama na Odessa, ang pula-pula na ng labi mo.”
“Ihhh, mabubura ‘yan mamaya at kapag nabura maputla na labi ko, edi hindi na kissable.”
“Bakit hahalikan mo ba si Archie?”
“Oo naman, aba! pagkatapos ng yakap halik kaagad.”
Napa-iling na lang siya at tinapos ang pag-aayos saakin. Nang matapos na ay tumingin ako sa salamin.
“This is it Odessa, 4 years kayong hindi nagkita pero act the same.”
It has been years since hindi kami nagkikita ni Archie, even communication through socmed. Ayon sa kapatid niya, biglaan daw ang pag-alis ni Archie dahil nagkaroon ng problema sa kanilang kompanya.
Masakit sa part ko bilang girlfriend niya ang ganitong sitwasyon, pero sa 4 years na pagdudusa ay matatapos na ngayong gabi dahil magkikita na kami. Hindi na alintana saakin ang 4 years niyang walang paramdam dahil mas nangingibabaw saakin ngayon ang tuwa.
At Archie’s Mansion
“Wow, ang engrande naman dito, nahiya normal dress ko sa mga suot nila.”
Totoo namang ang engrande, kung alam ko lang na ganito, edi sana nag gown na ako.
“Ate Odessa?”
Someone’s called my name kaya napalingon ako.
Shaira, Archie’s sister. Si Shaira lang ang nakakakilala saakin bilang girlfriend ng kuya niya.
“Shaira, kumusta?”
“A-yos lang p-po, I-I thought hindi ka makakapunta?”
“Ano ka ba, 4 years kaming hindi nagkikita ng kuya mo, palalagpasin ko ba ang pagkakataong ‘to?”
“A-hh heheehe…”
“Nasaan pala kuya mo? halika puntahan natin—”
“A-ah nasa kwarto niya pa po, p-pero pababa na rin ‘yon, may inaayos lang.”
“Ahh ganoon ba? sige hintayin ko na lang.”
Hindi ko alam kung anong nangyari rito kay Shaira at parang nakakita ng Multo nang makita ako.
Tumango na lang siya at nagpaalam, may kakausapin pa raw siyang bisita.
Nagikot-ikot ako sa mansion nila, andaming pictures nila Archie, mga paintings at mukhang mamahalin.
sa pag iikot-ikot ko ay may nakita akong cute na bata, siguro mga nasa 3 years old.
“Hi baby, ang cute mo naman, come here.”
Agad namang lumapit ang bata saakin, binaba ko kaunti ang katawan ko para pumantay sa tangkad niya.
“Where’s your Mommy? your Daddy? why you’re alone?”
“Mommy! Daddy!”
Nakatingin lang ako bata nang makalapit siya sa magulang niya.
“Baby”
Nagulat ako sa boses, dahil napaka pamilyar. Agad akong tumingin sa lalaking nagsalita.
His voice…
Tulala lang ako at hindi pa rin maproseso ng utak ko ang nangyayari ngayon. Sana nananaginip lang ako.
“O-odessa?”
Nang marinig ko ang boses niya’y tumulo ang luha ko, tiningnan ko siya pati ang babaeng nasa tabi niya at sa magkahawak nilang kamay.
Para akong initak, sobrang sakit. Hindi ako makapagsalita. Gusto ko siyang sampalin pero ayokong gumawa ng eksena rito.
Nanginginig ang buo kong katawan, at ilang sandali pa’y puwede na akong matumba.
“A-ang daya mo…” Mahina kong sambit sapat na para marinig niya.
Tumalikod ako sa kanilang dalawa ngunit hinawakan ni Archie ang braso ko.
“Bitawan mo ‘ko.” Malamig kong sabi sa kaniya.
“Let me explain, Odessa.”
“No need Archie.”
Humarap ako sa kaniya.
“Kailangan pa ba ipaliwanag ang bagay na malinaw na?”
Tanong ko sa kaniya saka tumingin sa babae at sa bata.
“Ang daya mo, 4 years—4 years kitang hinintay…sa 4 years na ‘yon puno ng pagdurusa at mga tanong.”
“Odessa…pakinggan mo muna ako.”
Tumawa lang ako habang tumutulo ang luha ko.
“Nice girl.” Sabi ko kay Archie saka tumingin sa babae.
Tumalikod na ako’t lumabas ng mansion nila.
“Odessa—”
“Archie.” Pagpipiigil sa kaniya nung babae.
nagpakawala na lang ako ng pekeng ngiti habang nakatalikod na sa kanila saka tuluyan nang naglakad papalayo.
___________________
“Wahh! ang t*nga-t*nga mo Odessa!”
Wala sa sariling sigaw ko sa daan, mabuti na lamang at liblib ang lugar at walang mga bahay. Dahil kung may bahay dito kanina pa ako nabato ng kaldero dahil sa ingay na ninilikha ko.
“Nakita mo naman ang babae Odessa diba? at ikaw! tingnan...


mo sarili mo! alangan! makakahanap siya nang mas maganda, mayaman, sexy kesa sa’yo!”
Sigaw ko pa, nakayapak na lamang ako habang naglalakad, sayang ang takong na suot ko.
Tuloy lang ako sa pag-iyak nang may marinig akong sumisigaw.
Hindi ko gaanong maintindihan ang sinasabi dahil medyo malayo pa ito sa kinatatayuan ko.
Ipagpapatuloy ko na sana ang paglalakad nang may humablot sa kamay ko.
“Wahhh! mama ko! sino ka?!”
Hindi na ako nakapagsalita pa dahil hinila niya agad ako para tumakbo, hindi ko makita ang itsura ng lalaki dahil balot na balot ito.
“T*ng*naa bitawaan mo ‘ko!”
Tuloy pa rin ang pagtakbo namin nang matalisod ako.
Tumigil naman ang lalaki at tiningnan ako.
“S-sino ka ba—aray!”
Tinayo niya ako, akala ko hihilain niya ulit ako. Tumingin muna siya sa paligid saka binuhat ako na parang bagong kasal at saka tumakbo ulit.
Damn? who’s this stranger wahh! ito na ba kamatayan ko? ang harsh naman ang sakit sakit pa Lord kukunin mo na ba ako? ano mamamatay akong broken? walang jowa? luhaan? huhu
Nakatingin lang ako sa kaniya at sa adams apple niyang bukol na bukol.
Pinikit ko nalang ang mata ko dahil kinakabahan na ako na naiiyak sa sitwasyon na ‘to.
Natigil siya sa paglalakad at binaba ako.
“Sino k—” tanong ko but he covered my mouth using his hand.
“Shut your f*cking mouth if you don’t wanna die” Sabi niya saka lumingon-lingon sa paligid.
“Abat—” sabat ko pa nang ipasak niya sa bibig ko ang panyo.
B*llsht! Siya ang humila-hila saakin tapos ako pa may ganang sabihan niya nang ganoon! kung hindi niya ako hinila wala ako rito!
Sinamaan ko siya ng tingin at inalis sa bunganga ang panyo. Luminga-linga ako sa paligid at nasa abandonadong lote kami.
“T*ng*na natakasan kayo?!” Gulat akong tumingin sa lalaking nagsalita hindi kalayuan saamin.
“Ang bilis niyang tumakbo boss” saad ng isang lalaki.
“Mga pulpol!” sigaw ulit ng lalaki saka luminga-linga sa paligid.
Nakasilip lang ako sa kanila nang biglang nahagip ng paningin ng lalaki ang gawi namin, titili sana ako ngunit tinakpan ng kasama kong lalaki ang bunganga ko at tiningnan niya ako ng masama.
“Tignan niyo roon! hindi pa ‘yon nakakalayo!” sigaw ng lalaki at sumunod naman sa kaniya ang mga kasama niya.
Napahinga naman ako ng malalim nang makitang wala na sila, Teka? sino ba sila? tatanongin ko pa sana ang lalaking humila saakin ngunit laking gulat ko nang nakitang lumalakad na siya papalayo saakin.
“HOY LALAKI!!!” sigaw ko at tumigil siya sa paglalakad.
Lumapit ako at hinila ang damit niya paharap saakin.
“Sino ka ha? at bakit mo ako hinila! may pasabi-sabi ka pa ng ‘Shut up if you don’t wanna die!’ eh hinila mo nga ako! kung dagukan kaya kita ano?! at sino ‘yung mga lalaking humahabol sayo! bakit kailangang mada—” sermon ko sa kaniya nang magsalita siya.
“You’re too loud” malamig niyang tugon.
“Abat ako pa ngayon ang maingay!” sigaw ko pa.
“They’re a group of syndicate wandering around every night. I almost killed their fellow but luckily, I didn’t” paliwanag niya.
“Anong connect? bakit kailangang madamay ako?” tanong ko sa kaniya.
“Look at yourself” tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, “Do you think they have respect for women? especially for a woman like you who dressed like that?” sabi niya at napatingin ako sa suot kong damit na backless at above the knee.
“You should thank me, for saving you from those jerk”
“K-kahit na! kita mo ‘yung sugat ko sa tuhod ha!?”
“Whatever” maikli niyang sagot saka naglakad na papalayo.
Hinayaan ko na siyang makalayo at hindi na kinompronta pa.
Yumuko naman ako at nakita ang paa kong hindi na matukoy kung paa pa ba ng tao.
“Jeez! ang malas!” sigaw ko at tinadyakan ang malaking bato.
“Aray! Ouch! ouch!” daing ko habang tumatalon talon.
Ang malas ko! wala na akong ibang choice kundi ang maglakad papauwi, malapit na rin naman dito ang bahay na inuupahan namin ni Cherry.
Ilang mga sandali pa ay naaninag ko na ang gate at dali daling sumandal dito.
Bumalik nanaman sa isipan ko ang nangyari kanina, mabuti na lamang at hindi ako gumawa ng eksena roon, napabuntong hininga naman ako sa aking naisip, napagdesisyonan ko nang pumasok sa loob.
“Ang bilis m—” magsasalita pa sana si Cherry nang makita niya ang kabuuan ko.
“Anong nangyari sa’yo!? sigaw niya at niyugyog ang balikat ko.
Hindi ko alam kung bakit hindi ako umiimik, ang gusto ko lang ngayon ay umiyak at humiga.
Hindi ko na siya sinagot at dire-diretso akong umakyat sa taas.
Hindi niya na ako pinigilan pa at napabuntong hininga na lamang siya.
𝗧𝗢 𝗕𝗘 𝗖𝗢𝗡𝗧𝗜𝗡𝗨…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top