” Please let us go.” Pagmamakaawa ni Marikit.
Hindi siya naka imik sa subrang takot.
Na intindihan ni Marikit ang pinag usapan ng dalawang lalaki. Ibebenta sila for prostitution.
” Marikit paano na tayo ngayon?â Naiiyak niyang tanong dito.
“Makakaalis din tayo Amara.” Hindi nila namalayan kung ilang oras ang tinakbo ng sasakyan.
” THEY are so beautiful.” Sabi ng may kaedaran na lalaki ng makarating sila sa pinagdalhan nila.
Hindi nila alam kung nasaan sila. Nakikita lang nila ang malaki bahay.
” I’m sure our costumer will love them” sabi nang amerkano.
” Please let us go.” Pag mamakaawa ni Marikit sa lalaki kaharap nila sa tantiya niya ay amo ito nang mga kumidnap sa kanila.
Sumenyas itong ipasok sila sa isang kwarto habang hinintay ang ka deal nito.
Nagpa lingalinga si Marikit nang makapasok sila sa loob nang silid baka sakali makahanap sila nang pwedi madaanan.
napansin ni Markit ang bildo bintana.Sinubukan itong abutin ni Marikit pero may kataasan iyon.
” Amara tulongan mo ako.”
Lumapit siya rito ” Buhatin mo ako para maabot ko ang bintanang iyon” sabay turo ni Marikit sa bildo. Hindi sila nagaksaya ng oras.
” Marikit tumuntong ka sa balikat ko.” yumuko siya at pumatong si Marikit sa balikat niya.
Pilit pinag popokpok ni Marikit ang bintana gamit ang kamay. Pero matigas ito kaya
hindi mabasagbasag.
” Marikit bumaba ka mabibitiwan kita nangangalay ako .” sabi niyang nanginginig ang boses.
” Amara, kailangan natin makahanap ng paraan.” Sabi nito ng makababa
Mayamaya pa ay narinig nila ang mga hakbang papalapit sa kanilang kinaroonan.
Umupo silang dalawa sa isang tabi.Inabot nang lalaki ang dalawang plato ng pagkain.
” You two, eat! eat!” Sabi nito sa kanila.
at tumalkod din ito nang maibigay ang sa kanila ang pagkain.
Bumalik sila sa may bintana nang makaalis ang lalaki ” Amara, bubuhatin kita.
Ihampas mo ang plato sa bildong iyon.” Utos ni Marikit sa kanya
” Marikit, hindi kakayanin ng katawan mo ang buhatin ako, bugbug sarado yang katawan mo, namamaga pa iyan.” Tanggi niya
” Amara, wag muna intindihin yan, ang importante ngayon makatakas tayo. Hindi tayo pwedi magsasayang nang oras”
” Dali na, umakyat kana sa balikat ko.”
Utos nito sa kanya.
Agad siyang pumatong sa balikat nito. Napa aray ito sa sakit.Inubos niya ang lakas sa pag hampas sa bintana gamit ang plato hanggang sa nabasag niya ito.
” Umakyat kana dali.” sabi ni Marikit na itinulak nito ang paa niya. Ginamit niya ang lahat ng lakas para ma i-angat ang sarili.
Inubos naman ni Marikit ang lakas para itulak siya paitaas.
” Marikit, dali i abot mo ang kamay mo,” sabi niya ng tuluyan siyang naka patong sa ibabaw nang bintana. Inabot ni Marikit ang dalawang kamay sa kanya.
Nahawakan niya ang kamay ni Marikit hinila niya ito. Ngunit hindi niya kayang humila mag isa. Mahuhulog siya sa kanyang kinalalagyan.
” Marikit i-angat mo ang katawan mo. Hindi kita kayang hilahin.” Naiiyak niyang sabi.
” Hindi ko kaya e angat ang katawan ko Amara. ” na iiyak narin ito.
” Bababa ako, itutulak kita paitaas. Sabi niya na tila nawawalan na nang pag-asa.
” Amara, andiyan kana. Kung baba...