Pinky’s Revenge Chapter 4


Chapter 4 ( LALANDI MUNA ANG ATING BIDA TSAKA NA SA NEXT CHAPTER ANG BANGAYAN 2.0 NILA NI LILY. HAHA! )
Three days na ang nakakalipas simula ng magulong pangyayari sa amin nina Lily at Keean. Hina-hunting na nga ako ni Lily. Paano? Nag-live lang naman po siya sa facebook. Nagtrending kasi ang pagiging palengkera ko sa parking lot. Pati nga sa twitter kami ang nangunguna. Hashtag Turon, Hashtag Junjun at kung anu ano panghashtags. Kaya ayon paawa si Lily, sobrang drama. Pa-victim akala mo talaga andaming viewers at followers. Feeling famous po ang ating ahas. Haha. Wapakels na nga lang ako. Kasi in the first place ako naman ang may pakana eh.
Ang ikinaiinit lang ng ulo ko ngayon bukod sa tirik na tirik na araw ay ang tambay slash manliligaw ko daw na si Sasuke. Half japanese siya kaso iniwan sila ng tatay niya nong nasa tiyan pa lang siya ng nanay niya. Kaya naman gwapo kung sa gwapo si Sasuke. IYON NGA LANG..MAMA’S BOY, pinsan siya ni Miranda. Nakatambay ako dito sa squatter area na lugar nila Miranda ngayon. At naalibadbaran ako sa nakikita ko, si Sasuke na may towel pa sa likod, may pulbos pa sa leeg at ang mas ikinaiirita ko ay buhat buhat na biik ni Sasuke.
I hate pigs! Ang sakit sa mata. Super turn off!
“Lorraine, gusto mo buhatin si pink?” Nanlaki ang mata ko sa pangalan ng biik niya.
“A-anong pangalan ng hayop na iyan?!” Sigaw ko na nagpagulat sa kaniya.
“Pink. Bakit?”
“Palitan mo! Ang bobo mo sa part na iyan eh. Porke kulay pink, pink na din pangalan? Palitan mo kung ayaw mong letchonin ko iyan! Pag ganitong masama ang loob ko sa lahi ng mga iyan!” Bitter na bitter kong sabi.
“Grabe ka naman kay baby pink ko! Isusumbong kita kay Mama!” Halos mapahilamos ako sa mukha sa sobrang mama’s boy ng kaharap ko.
“Alam mo ikaw! Ikaw lang iyong nanliligaw na mama’s boy! Sino bang nagsabi sa iyong ligawan mo ko ha?!” Naiinis na ko.
“Si Mama.”
Jusko! Aatakihin ata ako ng dahil kay Sasuke. Sa inis ko, hinampas ko ang hita ng buhat niyang biik. Agad namang nag-ingay ang biik na para bang nag-iiyak sa sakit. Naalarma naman si Sasuke at sinamaan ako ng tingin.
“Bakit mo sinaktan si baby pink ko?! Child abuse iyon!”
“Alam mo lumayas ka na sa paningin ko. Bago pa ko sumabog ng dahil sa inyong dalawa. Leletchonin...


ko iyan tapos ikaw ibabalik kita sa sinapupunan at matres ng nanay mo makikita mo! Layas!” Sigaw ko pa.
Umalis naman si Sasuke kasama ang biik niyang nakadamit pa ng pink at may ribbon pa sa leeg. Nakakabaliw.
Nakakaidlip na ko dito sa duyan nila Miranda ng lumapit sa akin si Sasuke na pawisan at hubad baro. Natigilan ako sa nakita. Mama’s boy na mala-Adonis?! Ang puti niya, pink ang utong, grabe! Hindi man ganoon kahulma ang abs niya ay sapat ng dahilan iyon para mauhaw ako. Pero ang hindi ko agad napansin ay…umiiyak pala si Sasuke.
Gosh ang cute! Namumula ang ilong niya pati ang pisngi. Magulo ang itim na itim na buhok. Napalunok muna ako bago ako pahirapang nagtanong.
“P-problema mo?!” Kunwareng pagsusungit ko sa kaniya kahit nauutal.
“Lorraine! Si Pink! S-Si baby pink ko. N-nawawala. Nakita mo ba siya?” Lumuluha nitong tanong. Bakit ganoon sa halip na maturn off ako kasi umiiyak itong malaking lalaking ito ay naattract pa ako?
“Hindi.” Maikli kong sagot.
Tumalikod agad si Sasuke. Ngunit hindi pa man ito nakakalayo ay umulan na ng pagkalakas lakas. Sinundan ko agad si Sasuke dahil naaawa ako. Ngunit mayamaya may naririnig akong huni ng baboy. Mula sa kaparangan na mukhang kakabungkal pa lamang ng lupa para taniman ng kung anu ay nakita ko ang hayop na pink na iyon at nakikipaglandian sa kalabaw sa putikan.
Anong drama ng biik na iyon? Feeling nasa music video. Kebata bata pa ang landi landi na. Kaya naman agad kong pinuntahan ang biik na haliparot kahit hirap na hirap ako sa paglakad kasi nga lumulubog ang paa ko sa putik.
Malapit na sana ako sa biik at kalabaw na naghaharutan sa ulanan. Nang hindi ko mapansin ang tubog na nasa harapan. Tubog means iyong liguan ng kalabaw na puro putik. Ewww. Ngunit ang hindi ko inaasahan ay ang tumatakbong si Sasuke papunta sa baby pink niya.
Oo! Naghahabulan din sila. Ang arte arte ng biik na baboy na ito. Habang hinahabol siya ni Sasuke na may putik na kaonti sa mukha sa dibdib at braso. Para akong nanonood ng Love Triangle ng live. Naiirita na ko sa biik na iyon, talaga! Ang landi landi! Mamaya talaga, leletchonin ko iyang biik na iyan. Nasabing kapangalan ko kasing landi naman ni Lily. Gagawin ko talagang tocino iyang si baby pink ni Sasuke. Para young pork na tocino. Ha! Ha! Ha! Mga walang hiya. Walang forever!
To be continued…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top