Falling To My Husband


Falling To My Husband
Panimula
“D-doc kamusta po ang kapatid ko?”
“She needs an operation. Malala ang aksidenteng nangyari sa kanya. Bumaon ang bala sa dibdib niya. We need to get that as soon as possible.”
“Doc, do everything to save my sister!”
“Gagawin namin ang lahat. Ngunit napakalaki ng kailangan ninyong pera nasa dalawang daang libo.”
“Two hundred thousand?”
“Yes, Two hundred thousand for the operation.”
“Handa akong magbayad kahit magkano pa. Iligtas ninyo lang kapatid ko.”
Hindi ko alam kung saang lupalop ko hahanapin yung two hundred thousand pesos for the operation. Basta gagawin ko lahat para mailigtas lang ang kapatid ko.
“Anak, ano daw sabi ng doctor?” bungad ni Mama na kagagaling lang sa maliit na pwesto niya sa palengke.
“She needs operation. Nasa two hundred thousand pesos ang Kailangan.”
“Two hundred thousand? Napakalaki naman anak. Ibebenta ko na lang pwesto sa palengke.”
“Huwag Mama. Ako na po bahala roon.”
“Problema natin itong lahat.”
“Gagawa po ako ng paraan. Magtiwala lang po kayo sa akin mama.”
Ang malas malas ko talaga ngayon. Iniwan ako ng boyfriend ko. Nawalan pa ako ng trabaho tapos tinamaan pa ng baril ang kapatid ko. Nang umulan ng kamalasan nasalo ko na lahat.
Lumabas ako ng hospital para magdasal sa simbahan na tapat lang ng hospital. Patawid pa lang ako ng...


may biglang dumaan na sasakyan muntik pa akong mabangga. Huminto ang sasakyan sa harapan ko.
“How d*re you! Reckless Driver! Hindi ka dapat binibigyan ng lisensiya.”
Bumaba ang driver ng kotse. Isang chinitong lalaki ito.
“It’s not my fault okay? Sadyang t*nga ka lang. Hindi ka tumitingin sa daan mo.”
“Sorry, okay? May pinagdadaanan lang ako. My sister was shot. I need money for the operation. Hindi ko alam kung saan ko kukunin yun. Two hundred thousand mahigit.”
“I can help you.”
“Sorry, I don’t need help from a stranger!”
“Fine! Tutulungan sana kita sa hospital bills mo. I’m willing to pay one million pesos in cash.”
“O-one million pesos?!”
“Yes, one million pesos.”
“Then let’s talk about that.”
Nagtungo kami nung chinitong lalaki sa coffee shop na katabi lang ng hospital.
“Are you serious about that?” tanong ko.
“I’m serious. Handa kitang bayaran ng isang milyon. Pero sa isang kundisyon. Gusto ko na magpanggap tayo na mag-asawa sa loob ng isang taon.”
“Then let’s do that thing. I’m willing to be your wife for a year. Madali lang naman yun.”
“Bukas na bukas makukuha mo na ang pera exactly one million pesos in cash. Lucas Yu nga pala.”
“Iza Macabebe,” saad ko sabay abot ng kamay sa kanya.
“Nice to meet you Iza Macabebe, my future wife.”





1
Share On Whatsapp

Leave a Reply






top