ESCAPE ROOM CHAPTER 2


Author shela mae
CHAPTER 2 – UNidentified
◆ ANNIE’s POV ◆
Late nights.
Kakatapos ko lang mag-aral para sa last semester namin na gaganapin bukas.
Masyado ko talagang inabala sarili ko sa pagreview na umabot nang 3 hours. Sa kwarto na nga rin ako kumain para hindi na ako maabala pa.
Hindi ko alam kung yung apat ba ay nag-aaral din pero sa tingin ko ay may sari-sariling mundo sila ngayon at bubukas sila babawi kung kelan na magsisimula yung sem.
Tamad mag-aral sila Russu at Austin. Umaasa lang sila ng sagot sa aming tatlo nila Jared at Mikha pero minsan ay hindi namin hinahayaan na ganun na lang palagi gawin nilla. Tinataguan namin silang dalawa. Pumupunta kami sa isang sikretong garden sa campus na kami palang ang nakakadiskubre. Tahimik dito sobra at ang ganda ng ambiance kaya gaganahan ka talagang mag-aral tapos yung dalawa, magpapakahirap kaming hanapin hanggang sa matiyaga silang mag-aaral.
Tutal nakaharap ako ngayon sa laptop ko and wala na din akong gagawin pa ngayong gabi ay naisip kong magsearch about sa Escape Room.
Masyadong misteryoso talaga ang ‘word’ na yun sakin hindi dahil sa bago palang ito sa aking pandinig kundi may kakaiba talaga akong nararamdaman dito.
Isa-isa kong tinipa sa keyboard ang ‘E-S-C-A-P-E R-O-O’ ngunit balak ko sanang i-type yung ‘M’ nang biglang may kumalabog na malakas sa bubong at may narinig akong bumato sa salamin naming bintana.
Mabilis akong yumuko para hindi sakin tumama lahat ng bubog nang salamin pagkatapos ay nilingon ko ito. Dumatnan sakin ang isang malaking bato at mga bubog sa sahig. Ang malaking parte ng salamin ay basag na halos kasya na ang buong parte ng mukha mo.
Kaagad akong tumayo at naglakad papunta sa bintana para silipin kung sino ang may gawa nito.
Dito ay napagmasdan ko ang pigura ng isang tao na mabilis na tumatakbo paalis. Balak ko sana siyang habulin ngunit malayo na siya sa bahay. Naka-isip ako nang paraan para malaman ko kung sino siya.
Hinintay kong makalabas siya ng bakuran ng bahay namin at tumawid sa kalsada. Merong streetlights na nagsisilbing liwanag nang kalsada kaya doon ko matatanaw kung sino siya.
Nang makalabas na siya ng tuluyan ng bakuran namin ay doon ko siya naaninag.
Nakasuot siya ng isang hoodie na kulay dilaw na may tatak na …..
Sana hindi ako nagkakamali.
Imposibleng bumisita siya sa bahay namin ngayon. Kilalang kilala ko kung sino siya. Kilalang kilala ko.
◆ RUSSU’s POV ◆
“Tss. Pre! Kanina pa kita tinatawag ah! sino ba yung ka-chat mo diyan?”...


sigaw ko kay Pareng Austin na abala sa pagtitipa sa kanyang cellphone na halatang may kachat si kupal.
Nandito siya sa bahay namin ngayon dahil niyaya ko siya para mag-inuman. Ganito ginagawa namin bago kami sumabak sa isang malaking pagsubok (semester( kinabukasan.
Feeling kasi namin lumalakas at nagiging ganado kami kapag nakainom kami ng alak tapos maiipon lakas namin kinabukasan. Hindi na namin kelangan pa umasa ng sagot doon sa tatlo naming kaibigan. Ayaw din naman naming maging ‘spoiled’ kami para sa kanila dahil matatalino sila.
Kaya dinadaan na lang namin sa pag-inom lahat bago talaga sumabak.
“Balak ko sanang kamustahin ngayon si Annie kaso mukhang busy eh. Bigla siyang nag-offline” biglang sagot ni Austin sakin. Binaba niya muna yung kanyang cp saka tinungga yung in-can alcohol drink na madalas namin talaga inumin at isa pa hindi naman din siya nakakalasing.
Napatawa na lang ako sa kanya.
Alam kong may gusto talaga siya kay Annie matagal na pero sobrang torpe niya. Kapag kaharap niya yung kaibigan namin nagiging maamomg tuta ang kupal tapos minsan magpapa-gwapo sa harap niya para mapansin.
Hindi ko naman alam kung may gusto si Annie kay Austin pero alam ko napapansin niya mga ginagawa ni Austin sa kanya.
“Bakit hindi ka na kasi umamin sa kanya pre’ tutal lahat naman ng gusto nang mga babae nasa sayo na. Sigurado ako magkakaroon din sayo ng feelings si Annie HAHAHAHAHA” tugon ko sa kanya.
Tiningnan lang ako ng masama ni kupal saka uminom ulit ng alak. Napansin niya siguro na nahahalataan kong torpe siyang lalaki.
Nagkaasaran lang kaming dalawa ngayong gabi ngunit sa kalagitnaan ay may napansin kami sa may kalsada na pigura ng isang tao.
Nakatayo siya habang ang mga kamay niya ay nakapamulsa.
Hindi namin siya naaninag ng malinaw dahil masyadong malayo yung liwanag sa kanya at talagang silhoette nya ang tanaw namin.
“Pre. Parang kilala ko kung sino yan. Hindi ko alam kung ano ang trip niya at anong kelangan niya sa atin”. Medyo magulong wika ni Austin sa akin.
Kung ako ang tatanungin, nakakapagtaka talaga kung ano ang ginagawa niya ngayon. Mabuti na lang at walang masyadong sasakyan na dumadaan sa kalsada para hindi siya masagasaan.
Kung sakali talagang magpakita siya sa amin ng personal, marami akong tanong na dapat tanungin sa kaniya.
Hinayaan na lang namin siya at bumalik sa inuman. Alam kong nagtatawag lang siya ng atensyon pero wala kaming oras sa ngayon.
Dapat siguro malaman nila Annie ‘to.
–End of Chapter 2
(Chapter 3 the ‘Escape Room’ will be start)






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top