MANANATILING TAHANAN MO
BY: Sophia Bianca
“Tapos kapag naka-graduate na tayo, Love magiging Enginer at Architect na tayo! Tapos after noon, pwede na tayong bumisita kina Tita sa Australia. Tapos syempre hihingin ko na ang kamay mo sa kanila. Gusto kita pakasalan, Yana. Ikaw lang. Gagawin ko lahat maibigay lang ‘yung dream wedding mo. At pinapangako ko na magiging the best husband and the best father in the whole world ako,” dire-diretsong wika ni Jairus habang nagsusulat ng mga plano namin.
He gave me a promise ring.
I’m so speechless. Napa-swerte ko talaga sa kaniya. Hindi matigil ang pag-ngiti ko lalo na at sobrang seryoso niya sa mga sinasabi niya.
“Naks! Ang galing talaga ng boyfriend ko,” puri ko dito sabay flying kiss sa kaniya. Matagal niya akong tinitigan na para bang ako ang nagbibigay ng ningning sa mga mata niya.
“Syempre may the best girlfriend ako. Payakap nga ako!”
Napaka-sweet niyang tao. Napaka-lambing.
I’m Alyana and Jairus is my boyfriend. We’re in relationship for 6 years. Sa 6 years na ‘yun, naging sandalan namin ang isa’ t isa lalo na sa mga mabibigat na problema. Tulad ko, malayo ako sa pamilya. Sina Mama at Papa nasa Australia samantalang si Jairus naman, iniwan siya ng Papa niya kaya sila na lang dalwa ni Tita sa buhay.
“Alam mo Love kapag kayo ni Mama ‘yung nawala, hindi ko kakayanin. Kayo na lang ‘yung meron ako eh. Huwag ka sanang sumuko sa akin Yana.”
Yana ang tawag niya sa’ kin. Ayaw daw niya ng Alyana kase parang ang sungit daw pakinggan.
“Huwag ka ng umiyak Love, hindi kita iiwan. Tama na ‘yang alak magpahinga ka na,” agaw ko sa kaniya ng alak sabay halik sa pisnge niya.
“Love pwede bang payakap ako ng mahigpit?” paglalambing na naman niya kaya agad akong napangiti. Para siyang baby na laging gusto ng yakap. Ang cute niya.
“Oo naman. Hindi mo na kailangan humingi ng permiso dahil ang mga bisig ko ay handang yumakap sa’yo ano mang oras,” sagot ko.
Hiniga ko siya sa kama niya nang bigla niya akong hinitak para yakapin.
“Ang ganda-ganda ng girlfriend ko,” titig na naman niya sa’kin at ngumingiti-ngiti siya.
“Tulog na Love. Tama na ang pangbobola,” kiliti ko sa tagiliran niya.
“Walang pangbobola ‘yun. Maganda ka talaga palagi. I love you.”
“I love you too.”
Jairus is so different. Hindi ko talaga kakayanin maghanap ng iba kase sobrang special ko lagi para sa kaniya.
Tahimik lang kaming nanonood ng movie ni Jairus ngayon. Nakasandal ang ulo niya sa balikat ko habang yakap-yakap niya ako. Kakatapos lang namin maggawa ng mga activities at dahil alam niyang favorite ko manood ng movies, niyaya niya ako.
Hindi ko alam kung paano ako gagalaw o kung paano ako sasabihin sa kaniya ang isang bagay.
“Love ayos ka lang ba? Bakit kanina ka pang seryoso d’yan?” tanong niya sabay lingon sa akin.
“Ahm wala lang Love, nalulungkot lang ako sa movie na pinapanood natin. ”
Tumango-tango siya at mas lalo akong niyakap. At dahil iyakin din siya, umiyak din siya dahil sa pinapanood namin.
Ang totoo niyan, hindi ako umiiyak dahil sa movie, umiiyak ako dahil sa kailangan kong gawin. I need to migrate in Australia at wala pang kalam-alam si Jairus tungkol doon. Bukas na ang flight ko at hanggang ngayon, hindi pa rin alam ni Jairus.
Nanatili kaming nag-iiyakan hanggang sa pinagmasdan ko si Jairus. Ang sikip sa dibdib. Hindi ko ma-imagine na maiiwan ko siya dito sa Pilipinas.
“Love….let’s end this,”
Halos hindi ko mabigkas ng ayos ang mga salitang iyon dahil ang sakit. Hindi ko naman talaga kaya makipag-hiwalay sa kaniya eh kase sobrang mahal ko siya. Pero kailangan, kailangan dahil mas lalong hihirap ang sitwasyon.
“What? No. I can’t.”
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay hinalikan niya ang noo ko. Ang hirap, ang hirap makita siyang ganito.
“But mahirap ang sitwasyon Love.”
“Ano bang problema Love? Alam mo pagod lang ‘yan. Halika magpahinga ka dto sa mga bisig ko my Future Architect,” malambing niyang boses sabay akbay sa akin at hinalikan muli ang noo ko.
Ang sakit. Tuwing pagmamasdan ko pa lang ang mukha niya, nanghihina na ako.
Kinabukasan, alas-sais pa lang ng maaga ay agad na akong nagpaalam kay Lea, sa pinsan ko. Tuloy na tuloy na ang pag punta ko sa Australia dahil doon na ako mag-aaral. Andun din kase sina Mama kaya para mabuo kami, they want me to be there.Doon na daw kami.
“Sigurado ka ba? Alyana hindi madali ang gagawin mo. For sure hahanapin ka ni Jairus,” nag-aalalang boses ni Lea.
Napatulala ako saglit at ito na naman ang mga luhang hindi ko mapigilan.
“Mahirap, sadyang mahirap umalis pero kailangan eh.”
After that, pinatay ko na ang phone ko.
Natuloy nga ang pag-alis ko nang walang kaalam-alam si Jairus. Masakit. Ang bawat hakbang pasakay sa eroplano ay masakit para sa akin.
Pagdating ko nga sa Australia, sa wakas nasa piling na ako nina Mama at Papa. Doon ko pinag patuloy ang pag-aaral.
Sa bawat paglipas ng araw, sadyang may lungkot pa rin. I miss Jairus.
Miss ko na siya.
Madami siyang message sa akin pero hindi ko magawang buksan ang mga iyon. Natatakot ako. Mas lalo lang akong masasaktan.
Hanggang sa isang araw, sa hindi inaasahang pagkakataon I saw him. Akala ko nung una nagmamalikmata lang ako pero hindi pala.
Andito siya, andito siya sa Australia.
Hindi ako makatingin sa mga mata niya sa sobrang kahihiyan hanggang sa lumapit siya sa akin. I miss his presence.
“B-bakit ka nandito?” nanginginig kong boses.
“Sinundan ka. Sa sobrang sabik ko na makita man lang walang pagdadalwang isip akong pumunta dito,” seryoso niyang boses habang nakatingin sa malayo.
“Jairus sorry. Sorry kung umalis ako,” iyak ko kaagad habang nasa harap niya.
“Ganun ka naman lagi, hindi ba? Umaalis ka ng walang paalam man lang. Yana naiintindihan ko na gusto mo ng makasama sina Tita pero ‘yung umalis ka ng wala akong kaalam-alam? Ang sakit.”
Ramdam na ramdam ko sa bawat bigkas niya ng salita kung gaano siya nasaktan.
“Sorry. I’m really sorry, Jairus.”
“Alam mo ba Yana na ikaw ang tahanan ko? Kaya kahit gaano pa kalayo ito, pupuntahan at pupuntahan kita maramdaman ko lang na payapa muli ako kase nga ikaw ‘yung pahinga ko,” saad niya sabay tingin sa akin ng diretso.
Naninikip ang dibdib ko habang nasusulyapan ko ang bawat luhang pumapatak mula sa mata niya. Ayaw ko siyang nakikita ng ganito.
This time, gusto kong I-explain sa kaniya ang lahat.
“Sorry kung iniwan kita. Umalis lang naman kase...