JOWA KO PINSAN KO (?!)


JOWA KO PINSAN KO (?!)
“Love, aalis kami ngayon baka di muna ako makakapag online. May pupuntahan kami ni mama.” Saad ng boyfriend ko sa kabilang linya.
That’s Nash my boyfriend for almost 2 months. Hindi pa alam ng mga magulang namin yung tungkol sa amin, kasi hindi pa ako ready sabihin kaya itinago muna namin.
“Saan ba kayo pupunta?” I asked.
“Bibisita kami sa auntie ko.” He answered.
“Sige, medjo mabubusy din ako kasi may bisita si mama, pinapaluto ako.” Saad ko at nag patuloy na sa pagluluto.
“Sige i hang up na tinatawag na’ko sa baba iloveyou.”
“I love you too.”
Just then he hang up. Pagkatapos ko naman mag luto ay umakyat nako sa kwarto ko at pumuntang banyo para maligo.
β€”β€”β€”β€”
“Jona bilisan mo na jan, nandito na auntie tsaka pinsan mo!” Sigaw ng nanay ko sa baba.
“Oo, papunta na!”
Dali dali kong...


sinout ang t-shirt ko at pumunta na sa baba.
Nang makababa nako nakita ko sila mama at isang babae na may kasamang lalake na nasa teres nakatalikod na nag cellphone, sila tita na ata ‘to.
“Oh, Jona anjan kana pala ito nga pala si auntie Jasmine mo.” Pakilala ng nanay ko run sa babae.
“Hello po.” Magalang kong saad sakanya tska nag mano.
“Ay, napakagandang bata naman itey.”
Enebeee pereneg shera si auntie.
“Anak, pasok kana rito batiin mo pinsan mo.” Tawag ni auntie Jasmine doon sa lalaking nasa teres namin nakatalikod habang abala parin sa cellphone niya. “Oo nga pala hindi pa pala kayo nagkakilala ni Jona noh.” She continued.
Mukhang pogi ata to, halata naman kahit nakatalikod.
Nang makaharap na ito biglang nanglaki ang mga mata ko, hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
BOYFRIEND KO?!?
“Jona, meet Nash your cousin.”
G*GO?!?
By : Janin Panganiban






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top