Falling For The Brat CHAPTER 1


Falling For The Brat
CHAPTER 1
“No! No! No! I won’t call her Mom,’ ‘Nanay’ or even tita naver!” bulyaw ni phoebe sa kanyang daddy.
Sinundan siya nito sa kuwarto pagkatapos niyang mag walk out sa hapag-kainan. Gusto kasi nitong makasabay nila sa pagkain ang babaeng pinakasalan nito noong isang buwan lang.
“Don’t act like a brat, Phoebe You’re always throwing a tantrum whenever Rosel is involved. I can’t always turn a blind eye on how you’re acting! You better apologize to her or else!” ganting-sigaw ng ama. Lumilitaw ang mga ugat nito sa leeg at mukha. Nangungunot ang noo nito habang nakikita ang pagmamatigas na nasa kanyang mukha.
“Apologize? To her?! Naver!”
Nagsukatan sila ng tingin. Hindi nagbaba ng kilay si Phoebe. At wala rin siyang balak na humingi ng dispensa. Bibihira silang mag-away ng kanyang daddy. Most of the time, he was spoiling her. At ang mga bibihirang pagkakataon na nag-aaway sila ay kapag-kasangkot ang kanyang “madrasta.”
“If that’s what you want, then lock your room! At wag kang magpapakita sa amin ng Tita Rosel mo! Pinapasama mo ang loob niya,” pinal na sabi nito bago pagod na lumabas ng kuwarto.
“Why is this happening? He’s insane!” nagngingitngit pa na bulalas...


ni Phoebe, saka ibinato ang unan sa sumarang pinto. Nang mahagilap ng kamay ang lamp shade ay ibinato rin niya iyon. Nagkapira-piraso ang babasaging gamit. “I hate you! I hate you!” angil nya, lahat nang mahawakan ng kamay ay ibinabato. Wala siyang pakialam kung saan iyon bumagsak. Nang mapagod ay isinubsob niya ang mukha at katawan sa kama.
Kaya nagkakaganoon si Phoebe ay dahil sa pag-aasawang muli ng kanyang ama—si Señor Miguel Rodriguez—kay Rosel Aldibar. Isang mananahi at katiwala ang babae sa hacienda nila. Kaya naman niyang tanggapin ang pagkakaroon ng madrasta, tutal matagal naman nang naghiwalay ang kanyang mga magulang. Pero ang maging pangalawang ina ang isang tulad ni Rosela na isang mananahi lang, hindi niya kayang sikmurain. A maid and a sewer? Surely, there were better women—socialite women more suited to her father! She could name a few who would be more acceptable. Pero bakit ito pa? And to top it off, nagpakasal ang ama nang hindi niya nalalaman! She just went home from Australia one day and she was told that she had a new “mother.” Hindi na raw nagpasabi ang ama dahil biglaan ang kasal.
Pero alam ni Phoebe na ang totoong dahilan ay ayaw ng kanyang daddy na tumutol siya. It was very suspicious!
Sorry now lang naka update😊✌






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top