When a Single Mom meet the HOT CEO CHAPTER 64


SANDRA’s POV:
I already know the truth. Si Derick, pinaikot niya ako.
Nagkunwaring mabait sa akin para mahalin ko ulit siya.
Masyado siyang plastik sa mga ginawa niya.
Pero mabuti na lang, hindi ko siya minahal.
I’m done with him.
Kaya pala hindi ko agad mahanap ang hustisya dahil siya mismo, alam ang totoong nangyari.
Naging sangkot siya sa mga naranasan ko noon.
How can he do this to me?
Pati sarili niyang anak, nagawa niyang patayin.
Hindi ko maiwasan na magalit sa kanya.
Kahit hindi man nila sabihin ni Deo, malakas ang hula ko na may kasalanan sila sa pagkamatay ni Michael.
“Calm down. Walang madudulot ang galit. Kaya i-relax mo ang sarili mo, Kate.”, mahinang wika ni David.
Tinawag niya ako sa totoo kong pangalan.
Kaya medyo lumambot ang puso ko.
“Wala akong nagawa noon sa inyo, kaya hayaan mong ako naman ang kumilos ngayon. Ayoko ng mapahamak ka.”, muli niyang saad.
Bahagya kong inangat ang mukha ko at napatitig ulit ako sa binata.
Kaso sa hindi sinasadya, napunta ang paningin ko sa labi ni David.
Ang labi na matagal na rin simula nung halikan ko siya.
And you know what happened next?
He kissed me.
Ramdam ko ang malambot niyang labi na dahan-dahan na gumalaw para hintayin na halikan ko siya pabalik.
So I kissed him back, kasi medyo nadala ako sa mainit na halik nito.
We are kissing infront of Deo.
Kaso agad kaming napahiwalay nang magsalita ang lalaki.
Masyado talaga siyang mautak dahil naalis niya ang tape sa bibig.
“Wow! Kissing scene? So sweet! Nabisto na pala ako! Haha!”, natatawang turan nito.
Kaya yung atensyon namin, nabaling sa kanya.
“So ano brother? Nautakan kita, noh?”, nakangising saad nito habang nakatingin sa kapatid.
Masyadong mabilis ang pangyayari kasi nakita ko na lamang si David na malakas na sinuntok si Deo.
Naging hudyat ito para magkaroon ng dugo ang bunganga ng binata.
“Tangina mo Deo! Gusto kong marinig mula sa bibig mo kung sino ang pumatay sa anak namin!”, pagalit na bulyaw nito.
“Kahit bugbugin mo pa ako, hindi na maibabalik ang lahat. Patay na anak niyo. Pinatay na! At tsaka, hindi mo naman anak si Michael ha? Ibang lalaki ang ama no’n. Kaya bakit ba pinagpipilitan mo pa ang sarili mo sa isang babae na disgrasyada?”, wika niya kaya maging ako uminit ang dugo.
Sinampal ko ito para mabawasan ang dinidibdib ko.


/> “I KNEW EVERTHING! KASABWAT MO SI DERICK! MAGKASABWAT KAYO!”, I shouted.
Pero tumawa lang ito na talagang demonyo na ang pag-iisip.
“Buti naman nalaman mo agad. Pero kawawa ka, kasi may hindi ka pa alam.”, sambit niya ulit.
“A-ano pa ba ang hindi ko alam?”, kinakabahan na bigkas ko.
“Gusto mo bang sabihin ko na sayo?”, panghahamon nito.
“Shit Deo! Sabihin mo na! Huwag mo ng patagalin pa ang mga nalalaman mo dahil hindi ako magdadalawang isip na patayin ka dito.”, pananakot ko.
“Patayin? Miss Sandra naman, hindi mo kayang pumatay. Kaya hindi mo ako masisindak sa ganyan. Kasi kahit magbago man ang pangalan mo, ikaw pa rin si Kate na mahina.”, turan nito at ngumiti sa akin.
“I can do whatever I want. Kaya huwag mo akong susubukan! Kung nagawa niyong patayin ang anak ko, magagawa ko rin na patayin ka!”, madiin kong wika.
“Talaga ba? Bakit? Sino bang may sabi na ako ang pumatay? Hindi ko pinatay si Michael.”, aniya ni Deo.
“Sinungaling! Tumawag sa’yo si Derick! May binabalak kayo laban sa amin ni David! Gusto niyong siraan ang lalaki sa paningin ko para magalit ako lalo sa kanya! Kaya ‘wag ka ng magdeny!”, muli kong bulyaw.
“Sa tingin mo ba, magagawa ni Derick na patayin ang anak niyo? Come on, Kate. Labas na kaming dalawa sa pagpatay kay Michael. Kasi yung totoong pumatay ay walang iba kundi ang kapatid mo.”, pahayag niya na halos ikalambot ng tuhod ko.
Anong kapatid ba ang sinasabi niya?
“Kung sabagay, wala kang alam sa lahat. Para kang bata na walang kamuwang-muwang.”, pagtatawa nito.
“Wala akong kapatid. Kaya huwag kang gumawa ng kwento, Deo.”, inis na tugon ko.
“Wala ba talaga? O sadyang hindi sayo pinaalam ng nanay mo, kung saan napadpad ang kakambal mo.”, he said again.
This time, nagkaroon ng pagtataka ang isipan ko.
Bakit ba ang dami niyang alam sa akin? At sa mismong pamilya ko?
“Sino ba ang tinutukoy? Sinong kapatid ba ‘yan?!”, pagsisigaw ko.
“Hindi ba halata? It’s Katrina.”, he answered.
“Kapatid mo siya, Kate. Kapatid mo si Katrina. Ang babaeng pumatay sa mismong anak niyo. How sweet sister, right?”, sakrastikong sambit ni Deo.
Ayokong maniwala.
Pero sa mukha palang namin, hindi malayo na kapatid ko nga siya.
Kaya ba magkamukha kami dati, nung panahon na ako pa si Kate?
Pero paano nangyari ang lahat ng ‘to?
PAANO?!
END OF CHAPTER 64
©Binibining_Timoji






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top