THE WILD SILENCE CHAPTER EIGHTEEN


Pumarada si Alexa sa Hospital, kaagad nilang nakasalubong palabas sina Borex kasama si Mister Vergara.
“mabuti naman at nadischarge na kayo agad. ” ani Alexa.
“Daddy..” lumapit si Jiro para alalayan ang Ama. ” How are you? ”
“mabuti at daplis lang ang inabot ni Mister Vergara. ” ani Kevin.
“Sa tono mo ay tila nanghihinyaang ka pa ah.”lingon ni Jiro dito. ” hoy mamΓ‘ alam mong hindi pa tayo tapos! ” banta nito kay Kevin patungkol sa naudlot nilang pagtatalo sa chopper kanina lang.
“Maya-maya lang ay darating na ang sasakyan para ihatid kayo sa Palao.” ani Alexa, nang makalabas sila sa Hospital.
“Anong kayo? “ani Jiro. “nag usap na tayo diba? Sasama ka? ”
“Oo nga, pero hindi pa ngayon. ” anang dalaga. “sige na. ” muli syang sumakay sa motor nya na syang pagdating naman ni Chairyl drive ang panibagong Van na syang susundo sa kanila.
Kalmadong nagdrive si Alexa hanggang sa marating nya ang Hide out ng Alpha, nasa kakahuyan sila kung saan nagtayo ng naliit na kubol ang mga myembro ni Alexa. “Captain, heto po ang mga information na ipinadala ng Base. ” nag tipa ang isang babae sa keyboard ng computer na kaharap nya. “naibenta po ng Vergara ang East university sa tripleng halaga kaya’t nagsagawa na po ng operasyon doon, nakakuha po kami ng information na may pagawaan ng droga sa under noon ngayon, bukod po doon ay apat na organisasyon na po ang nagsama-sama para mas palakasin ang pwersa nila ang SILVANNIA, ZERGUEL, MONTE VERDE at GREGX ultimo ang Gobyerno ay ayaw silang banggain at tulad ng plano nila ay ganun nga ang nangyari, hindi na kaya ng mga polisya na pasukin ang East dahil naroon ang mga Hitler ng mga organisasyon, mga ripper, gang at halos lahat ng masasamang tao. ”
‘Kung ganun, iyon pala ang plano ng matandang iyon?’ patungkol ni Alexa kay Estiven.’Hanggang sa lumaki ang masakop ng Organisasyon nila at, wala nang maglakas loob na kalabanin sila. ‘
“Kung ganoon na kalaki ang Organisasyon nila bakit target parin nila ang Vergara? ” tanong ni Alexa.
“Dahil po.. Higit na mayaman ang Vergara kaysa sa mga Silvannia iyon din po ang dahilan ng pagkamatay ni Ma’am Jaiha, sinubukan pong hikayatin ni Estiven ang asawa ni Mister Vergara pero tumaggi ito dahil alam nyang masama at illegal ang mga negosyo ng matanda na iyon kaya’t nang hindi sila magkasundo ay pinatay nila si Ma’am Jaiha. ”
Hindi makapaniwala si Alexa sa mga nalaman nya bagsak ang balikat nyang lumabas ng Kampo, tumungo sya sa Barr.
“Two Bottles of Jack Danniels please with lime.” order nya sa Barr table counter tsaka naupo sa Sofa.
Naka cross legs sya habang nakapikit ang mata nang may babaeng maupo sa tabi nya. “ikaw yung guard ni Jiro hindi ba? ”
Kunot noong tingnan lang ito ni Alexa na sa pagkakatanda nya ay syang nag cheer kay Jiro nung...


Basketball game nito.
“Ako si Alice, lihim na tagahanga nya.” lalong kumunot ang noo ni Alexa, alam nyang nay kakaiba syang naramdaman nang narinig nya ang huling linya ni Alice ngunit hindi nya masiguro kung ano iyon ‘Selos ba ang tawag don? ‘ nasabi nya kasabay ng pag kakangiwi dahil para sa kanya ay hindi akma ang salitang iyon sa isang amasonang katulad nya.
‘biruin mong nay naloko pa ang bakla na iyon? ‘ ani alexa sa isip nya. ” ngayon? “sarkastikong sagot nya.
“a-p-pasensya na, tingin ko kasi ay nagkaidad lang tayo kaya nilapitan kita. ”
Hindi sya pinansin ni Alexa nang dumating ang order nito. Walang hirap na binuksan ng dalaga ang bote ng alak tsaka ito nilagok mula sa bote.
“ah.. “aniya pa nang masiyahan sa ilang lagok tsaka pinunasan ang labi nya gamit ang likod ng palad nya. “Kung sasabihin mo lang na Gusto mo si Jiro ay pasensya kana pero wala akong panahon. ”
“Hindi iyon.. “kaagad na saad ng babae. “sa totoo lang ay may lihim akong dinaramdam ngayon. “malungkot na saad ni Alice, wala mang interes ay nakinig parin si Alexa. ” pilit akong ipinag kasundo ng magulang ko para ipakasal kay Esteve Silvannia. ” lalong lumungkot ang mata nito ngunit iyon naman ang nagpabuhay sa interes ni Alexa.
“Bakit? “kaagad na tanong nya “bata pa kayo kaya bakit nila iyon ginawa? ”
“Kase… Kailangan nila ng tiga pag mana bukod paroon, batid kong papatayin din nila ko kapag naisilang ko na ang lalakeng nais nila.” mangiyak ngiyak na anito.
Hindi nakapagsalita si Alexa, sa patong-patong na problemang kinakaharap niya ay ayaw na halos rumehistro nito sa utak nya.
hindi pa man sya nakakasagot ay may mga kalalakihan nang pumasok sa barr at tumungo sa pwesto nila. ‘GING’ basa ni alexa sa name tag nitong ginto sa bandang dibdib. “Miss Alice pinasusundo po kayo ni Master Esteve ” anang lalake na Ging ang pangalan, tsaka nito dinampot ang pulsuhan ni Alice.
“ano ba! Bitawan mo’ko! “ani Alice
Itinaas ni Alexa ang binti nya tsaka malakas na pinatamaan sa braso ang lalake dahilan para mabitawan nito si Alice, sa lakas ng pag atake ni Alexa ay napatayo sya matapos ay muling umatake para suntukin ang lalake sa dibdib dahilan para umusad ito, Muli nyang tinungga ang bote ng alak. “sabihin mo, kung ayaw mong sumama ay kaya kitang itakas ngayon. “nakapamulsang saad ni Alexa, naka agaw ng pansin ang lahat ng pangyayari kaya’t ngayon ay nasa kanila ang oares ng mata ng mga taong naroon.
“Ayokong madamay ka pa. “umiiling na saad nang babae tsaka nagsimulang tumulo ang luha nito. “hindi natin sila kayang takasan. “ani Alice tsaka tumayo at kusang sumama sa mga lalakeng iyon, matalim lamang na pinanuod sila ni Alexa.
‘nakaka awa ang Buhay na mayroon ang mga taong kagaya mo. ‘ nasabi ni Alexa tsaka umupo at nagpatuloy sa pag laklak ng Alak.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top