The Battered Wife CHAPTER 8


Author : Krista1307
Genre : Random
🌻🌻🌻 🌻🌻🌻
( SKY – POV )
Pansamantala kaming nagkalayo ni Zeny pagkatapos umalis ni Elise.
Kailangan kase niyang tapusin ang kontrata sa kanyang trabaho sa ibang bansa.Kaya mag-isa akong nakatira dito sa bahay.
Simula ng hindi na nagparamdam sa amin si Elise ay malaki ang pinagbago ng buhay ko.Nagalit sa akin ang mga magulang at kapatid ko pati na rin ang pamilya ni Elise.Matagal na panahon na siyang wala sa tabi ko pero naninibago pa rin ako kase wala ng sumasalubong sa akin tuwing pag-uwi ko.Wala na din yung taong naghahanda ng pagkain ko kahit na hindi ko iyon kinakain.
Tapos , dumagdag pa sa isipan ko si Zeny.Hindi kase siya nagpaparamdam sa akin simula nung umalis siya ng bansa.Kaya feeling ko parang pinaglaruan niya lang ako.Ganito pala yung nararamdaman ni Elise kapag binabalewala ko siya.
Biglang natigil ang pag-iisip ko ng tumunog ang cellphone ko.
” Pwede bang pakisabi sa mga empleyado mo na ayusin ang trabaho nila.Ang tagal ko ng hinihintay ang report na sinasabi mo pero hanggang ngayon wala pa rin ! ”
Siya nga pala si Mr.Franco Miller.
Kasyoso ko sa kompanya at nakabase siya sa Australia.
Magkapatid angturingan namin sa isa’t-isa.
” Bro , easy .. hayaan mo pagsasabihan ko ang mga tauhan ko.Wait lang kelan ka ba uuwi ng bansa. ”
” I think sa birthday ni mama , alam mo naman yun palaging may party ang kaarawan niya.Lagot ako dun kapag hindi ako nakapunta.”
” Bro , hanggang ngayon ba naman takot ka sa mama mo ? ”
” Hindi naman sa takot pero iniiwasan ko lang na magalit si mama , makakasama yun sa kanya.”
” Tawagan mo ako agad kapag nasa pilipinas ka na ha .. ”
” Sa bahay na lang namin tayo magkita.May sorpresa ako sa’yo , Sige na , saka na lang tayo ulit mag-usap , bye ”
Bakit parang kinabahan akong bigla sa sorpresang sinasabi niya ???
( ELISE – POV )
” Franco , sigurado ka bang isasama mo ako sa pilipinas … alam mong hindi pa ako handa ”
Panibagong problema na naman.Gusto niya akong isama pabalik sa bansang iniiwasan ko.
” Elise , kasama mo ako.Alam kong kaya mo silang harapin.Hindi kita iiwan.Nakaayos na ang papeles mo , tandaan mo secretary kita kaya kung nasaan ako nandun ka din . ”
” Lagi naman...


yan ang sinasabi mo Franco eh ”
Hindi ko na nasundan pa ang sasabihin ko ng bigla akong hinila ni Franco papunta sa isang salon.
” Miss , kayo na ang bahala sa kanya.Elise , babalikan kita mamaya ”
” Franco , teka lang … Ah eh , Miss aning ginagawa ko dito ? ”
Tanong ko sa mga babaeng nakapalibot sa akin.
” Make over Madam .. umupo ka nalang po diyan at kami na ang bahala sa inyo.”
Wala na akong nagawa pa.
Ilang oras ang nakalipas , nakakangalay umupo tapos wala pang salamin sa harap ko , di ko tuloy makita kung ano na ang itsura ko.
” Madam ang ganda mo … ”
Nabalik ako sa tamang ulirat ng magsalita ang babaeng kanina pa may ginagawa sa mukha ko.
Pagtingin ko sa salamin …
” Ako ba talaga ito ? ”
” Ikaw yan Bella ”
Bumalik na pala si Franco.
” Bella ? Bakit iba na ang tawag mo sa akin ? ”
” Dahil simula ngayon hindi na ikaw ang dating Elise.Tsaka marami ng tumatawag sayo nyan kaya nag-isip ako ng iba.Nasa pangalan mo naman yun diba Arabella Elise ”
Halos di ko makilala agad ang itsura ko.
Hindi na yung mukhang talunan na sa isang saglit lang ay iiyak na.
Ngayon mukha na akong palaban.
Sa make over na ipinagawa para sa akin ni Franco , nabuo ang kompyansa ko sa sarili na harapin ang mga taong pilit na hinahatak ako pababa.
” Hintayin nyo ang pagbabalik ko ”
( SKY – POV )
” Bro , nandito na kami sa pilipinas , ”
Bungad sa akin ni Franco ng tawagan ko siya.Ako na kase ang kusang susundo sa kanya … Teka may kasama syang iba …
” Bro , may kasama ka pala ? ”
” Ah oo , secretary ko ”
Hindi naman nagtagal ay nakita ko na si Franco.
Kasama ang isang napakagandang babae.
At ng tumingin ito sa gawi ko ay tila ba tumigil ang mundo ko.
Marami ang nagbago sa kanya.
Pananamit , hubog ng katawan at itsura …
Pero hindi niya mababago ay ang pagtingin ng kanyang mga mata sa akin.
Si Elise.
Nagbalik na siya.
Pero bakit , paano at saan niya nakikala si Franco ?
Madaming tanong ang hahanapan ko ng sagot
Teka , nagseselos ba ako ?
To be Continued …






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top