ITINAGO NILA ANG CELLPHONE KO”
By: Kim Elvina
[BASAHING MABUTI]
********************
Balisa ako ngayong araw hindi ko talaga alam ang gagawin ko tang*na.
Inilagay ko muna ang cellphone ko sa ibabaw ng arm-chair ko.
Hindi ako mapakali. . .
Tumayo ako at lumbas muna para magpahangin. . .
Kaya ako nagkakaganito dahil nababahala ako sa Text ni Ate– hindi raw maganda ang lagay ni mama, isang taon nang hindi makapag salita ng maayos, o makalakad si mama dahil sa sakit niya sa Boto at kaninang umaga isinugod raw siya sa Ospital kase inatake.
Ite-text o tatawagan daw niya ako para ma-update ako kaya hindi ako mapakali kanina sa katitingin sa Cellphone ko.
Saka ko lang narealize na naiwan ko pala ang cellphone ko sa arm chair ko. . . Bumalik ako sa loob para sana kunin yung cellphone ko pero wala na ito do’n sa Arm Chair ko.
“Y-Yung Cellphone ko?” Kinakabahan kong ani. Lalaki ako pero mabilis akong kabahan at maiyak tss.
“S-Sinong kumuha ng Cellphone ko?” Tanong ko ulit sa kanila pero iling lang at saka ngisi ang isinagot nila.
“Ano ba! ibalik niyo ang Cellphone ko tang*na!” Sigaw ko pero tinawanan lang nila ako.
“Arvin ikaw ba kumuha ng selpon ko dre?” iling lang isinagot niya.
“Ikaw Jason?”
“Hindi Pre eh,”
“Tang*na ibalik niyo ang Cellphone ko!” Galit kong sigaw pero tumawa lang ulit sila.
P*ta! Si mama, naiiyak ako sumabay pa ‘tong mga Kaklase ko.
“Ibalik niyo na oh parang awa niyo na may importante akong tinitingnan don!”
Hindi sila sumagot kaya padabog akong pumunta sa Gilid– naupo saka dumokdok do’n.
P*ta naman– si mama? Kumusta na siya sh*t ‘di ko alam gagawin ko!
Napahikbi nalang ako dahil sa pagpipigil sa galit na nararamdaman ko.
“Ahh? Glen? Eto yung phone mo Sorry,”
inangat ko ang paningin ko at tumambad ang kaklase kong si Ariela.
Matalim ko siyang tiningnan at saka hinablot ang cellphone ko sa kamay niya.
“N-Napagutusan lang sorry talaga, kanina pa nagvi-vibrate ‘yan,” rinig ko pang sabi niya.
Binuksan ko ang Phone ko at tumambad ang napakaraming text galing kay Ate.
From; Ate
Glen Gusto kang makita ni mama
From; Ate
...