🥀CHAPTER 12:Mike’s Downfall🥀
Few days Later……….
🥀Alliyah Majandra POV🥀
“Alliyah gusto kitang makausap. Promise hindi ako manggugulo! I swear. May mga gusto lang akong sabihin sayo.” Sabi ni Carla sa akin.
Himala at kalmado siya. Asan na yung kakapalan ng mukha niya? May pasabi sabi pa siyang aagawin niya sakin ang asawa ko!
“At ano naman yon ha? Sa tingin mo maniniwala pa ko sayo? Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo.” Inis kong sabi.
Sasaruduhan ko na sana siya ng pinto ng mansyon pero iniharang niya ang kamay niya. Ano bang kailangan ng babaeng toh?
“Tungkol kay Mike. Please lang mahalaga to. At wala akong balak na lokohin ka. Alam ko naman na hindi ko makukuha sayo si Marco.”
At dahil mabait ako binuksan ko ang pinto at pinapasok siya. Isa maling galaw niya lang at ipapalapa ko na talaga siya sa aso.
“Alliyah mag-iingat kayo kay Mike. B*liw na siya. Baliw na ang t*rantadong yon. Malalaman niya rin na nagpapanggap kayo.”Sabi ni Carla sa akin.
Agad akong napataas ng kilay. Paano niya nalaman na nagpapanggap lang kami? Aba may utak din pala siya.
” Anong nagpapanggap ang pinagsasabi mo diyan? “May halong iritasyon na tanong ko. Hindi siya makatingin ng ayos sa akin.
” Alliyah sorry….. Alliyah sorry talaga…… Sorry na…. Patawarin mo na ko….. Nagawa ko lang naman dati yon dahil sa pera ehh… “umiiyak niyang sabi habang nakaluhod sa harap ko.
” Ano bang ginagawa mo?! Tumayo ka nga diyan. Ano bang nangyayari sayo Carla? Nababaliw ka na ba ha? Ipadadala na kita sa mental. ”
“Inutusan ako ni Mike noon na akitin ang asawa mo….Alam mo naman diba sinabi ko sayo noon na may crush ako sa kanya noong hindi pa kayo kasal….” sabi niya at nakaluhod pa rin.
“Tumayo ka nga diyan! Bat mo ginagawa yan? Naaamoy mo na bang balak na kitang ipakulong ha? Kaya umaamin ka na sa mga kasalanan mo?”
Ang dala ko rin siyang naging kaibigan. Halos kapatid na nga ang turing ko sa kanya. We’re best friends. Pero hindi ko inaasahan na magagawa niya yon.
“Noong naabutan ko kayo noon may nangyari ba ha? May nangyari ba sa inyo ha? May nangyari ba? Sagutin mo ko!”
“Oo meron.. Pero dahil yun sakin. Nilasing ko siya noon at habang ginagawa namin yon. Pangalan mo ang binabanggit niya.. Alliyah maniwala ka sakin…..”
“Ehh bakit hanggang ngayon ipinipilit mo ang sarili mo sa kanya?! Ha bakit? Bakit nil*landi mo ang asawa ko?! Bakit gusto mo siyang ah*sin sakin? Bakit?!”
“Inaamin ko Oo! na gusto ko ring magkagusto siya sa akin. Oo gusto ko siyang makuha sayo. Gusto ko siyang maagaw sayo…
” Ehh anong ginagawa mo dito ha? Bakit ka nakaluhod diyan at umiiyak sa harap ko? Hindi na tayo magkaibigan Carla! Hindi na! “garalgal na rin ang boses ko.
” Alam kong nagpapanggap lang kayo ni Marco na magkaaway at maghihiwalay na dahil kay Mike at dahil sakin. Kami naman ang pinagmumukha niyong t*nga. ”
” May utak ka rin pala! Paano mo nalaman ha? Ehh ano ngayon sasabihin mo kay Mike? Magkasambwat kayo diba? Sige sabihin mo na!”
” Hindi yun ganon…. Gusto ko kayong tulungan. Gusto kong makabawi sayo. Dahil lang sa pera kaya ko nagawa ang lahat ng yon… Oo noong una may mga masama akong balak sa inyo at inaamin ko yon…… ”
” So ang sinasabi mo si Mike ang may pangana...