MISTAKEN WIFE Continuation


MISTAKEN WIFE
(by: HeavenInHell)

|Continuation|•
{Mi Amore}
“My wife…you’re back!”
Hindi maproseso ng maayos ng utak niya ang mga nangyayari, masyado siyang naguguluhan.
At anong mga pinagsasabi nitong asawa siya nito?
Hindi niya malaman kung ano ang dapat niyang gawin ng mga oras na iyon sa estrangherong lalaking ito na mahigpit pa rin siyang yakap-yakap.
Nakabaon ang ulo nito sa kanyang leeg kung kaya’t hindi niya maiwasang makaramdam ng kung anong kiliti sa tuwing dumadampi ang hininga nito sa kaniyang balat.
Kung hindi pa niya naramdaman ang bahagyang paghalik nito ay hindi pa niya mapapagtanto ang sitwasyon nila.
Mabilis siyang kumalas dito. Hindi niya alam ngunit parang may kulang sa kaniya ng lumayo siya sa mga bisig nito.
“Ahmm…Mister, I think you’re wrong. Hindi po ako ang asawa niyo.”
Mahinang sabi ko habang hindi makatingin ng maayos dito.
“Y-you’re kidding right? Wife, alam kong hanggang ngayon hindi mo pa ako napapatawad. But please wife, don’t leave me again.”
“Nagkakamali po talaga kayo.”
“No! Kilalang-kilala kita dahil asawa kita!”
Tinangka siya nitong hawakan sa kamay ngunit humakbang na siya paatras. Nasilayan niya ang sakit at lungkot ang lumarawan sa mukha nito.
At nagi-guilty siya dahil doon. Pero hindi naman talaga siya ang asawang tinutukoy ng lalaking ‘to!
“Hindi po talaga ako ang asawa niyo.” may diing sambit niya.
Nakita niya kung gaano ito kabilis na magbago ng emosyon. Mabilis siya nitong hinaklit sa braso at nanggigigil na tiningnan.
“D*mn it Cristina! I know it’s you!!”
Nagliliyab ang mga mata nito sa galit. Sa hindi malamang dahilan ay bigla siyang nakaramdam ng takot mula rito.
“L-let me go! Nasasaktan a-ako…”
Pilit niyang hinihila ang mga braso ngunit lalo lamang nitong hinihigpitan.
“No! I won’t let you! Sasama ka sa akin ngayon whether you like it or not. Uuwi na tayo!”
Maawtoridad nitong sabi...


sabay hila sa kaniya papunta ng kotse nito. Nagpahila na lang siya dito, she doesn’t know but she can’t move her body on her own.
Nakita pa niya ang mga nagtatakang tingin ng mga tao sa paligid hanggang sa unti-unti nang nanlalabo ang kaniyang paningin.
Nais niyang sumigaw para humingi ng tulong ngunit hindi na niya kaya.
“H-hindi ako si Cristina…”
Tanging nasambit na lamang niya bago tuluyang nandilim ang lahat.
SA LOOB ng isang silid sa pamamahay ng mga Villanovan ay matiim na nakatitig lamang si Dhelord sa babaeng nakahiga sa kaniyang kama.
Walang iba kundi ang kaniyang asawa. Ang nag-iisang babae minahal niya sa buhay niya — maliban sa kaniyang ina. Alam niyang marami siyang nagawang pagkakamali kay Cristina, alam din niyang pinagsisisihan nito na siya ang lalaking pinili nitong pakasalan. Na naging dahilan ng pag-iwan nito sa kaniya tatlong taon na ang nakararaan.
Hindi niya alam kung bakit nito itinatangging asawa siya nito. She was his wife, and no one can change that even her.
At ngayong nasa puder na niya ito hindi niya ito hahayaan pang mawala sa piling niya.
Wala siyang maalala sa mga pinanggagawa niya kanina ngunit labis na niyang pinagsisisihan kung ano man iyon.
And he was so scared back then, when she suddenly fainted on his arms.
Ayaw na niyang mawalay pa itong muli sa kaniya, hindi na niya iyon kakayanin pa. Maaari na siyang magkaroon ng serious breakdown.
Maingat siyang umupo sa kamang kinahihigaan ng asawa niya. Hinawakan niya ang kanang kamay nito at dumukwang upang gawaran ito ng masuyong halik sa noo.
“I hoped you’ll forgive me wife. I love you, mi amore.”
______
-work of fiction-
-no to plagiarism!-
A/N:
Sana magustuhan niyo. And of course I dedicated this to all of my readers out there.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top