Ika-anim ng Hunyo, 1975
Mahal kong Ayong,
Nasaan ka, mahal ko???
Sa unang gabi ng aming pag-aasawa… Sa unang gabi ng pag-angkin niya sa aking dapat ay sa iyo lamang…
Ayong, hindi ko naitago ang mga hikbi sa bawat haplos niya sa aking katawan.
Sa bawat pagpikit ng aking mga mata’y wangis mo ang aking nakikita.
Sa bawat halik na dulot niya’y labi mo ang aking inaasam.
Batid na niyang ikaw ang una sa akin, Ayong. Ngunit hindi iyon naging hadlang upang ako’y angkinin niya ng paulit-ulit.
Wala siyang imik sa magdamag naming pagniniig. Hindi siya nagtanong kahit isang kudlit.
Hinayaan niya akong mahimbing, at sa pagmulat ng aking mga mata sa umaga’y wala na siya sa aking piling…
Buong araw akong mag-isa sa bahay na aming inuwian.
Buong araw akong lumuluha sa tuwing napasok sa isipan ko ang mga tanong na
” Bakit???”
Bakit, Ayong? Bakit???
Hinintay kita sa ating tagpuan hanggang abutin ako ng bukang liwayway. Hinintay kita, Ayong…naghintay ako..
Kahit ang pagkurap ay halos ayaw kong gawin sa kasabikang masilayan kita..kahit sa huling sandali.
Nangako ka, Ayong…nangako tayo sa...