(Chapter 1) THE RUNAWAY FIANCEE
MIA POV
“Kelan mo pa naging lotion ang libag?” taas kilay na sita sa kanya ni France ng mapagbuksan niya ito ng pinto
“Magandang umaga din sayo” nakasimangot na sagot naman niya dito, saka pinalawakan ang pinto ng kanyang bahay para makapasok ito
“Anung nangyari sayo? Hindi mo yata alam na matagal ng na-imbento ang salamin, tubig at suklay?, ma-awa ka naman sa makaka -kita at makaka-amoy sayo. Ang baho baho mo kaya, himala nalang talaga kung makikita kitang bagong ligo” na-iiling na sabi nito sa kanya, pero hindi niya ito pinansin at agad na inagaw ang hawak nitong plastic na amoy niyang crispy fried tapa ang laman. Saka siya dumireteso sa kusina at inilagay ito sa plato.
“Mag ayos ka ng sarili mo bago ka kumain, baka mamaya dumating yung si Ezekiah mo at makitang ganyan yang itsura mo”
“Wala akung paki-alam sa herodes na yun” nag-init ang ulong sikmat niya dito saka pinagtutusok ang kawawang Tapa
“Bakit anung nangyari, binasted ka na nung nililigawan mong chubby na yun?” sabi nito sabay dikit pa ng mukha sa mukha niya
“Lumayo ka sa akin, Ang lakas ng loob mong sabihan akung mabaho kung ikaw mismo hininga mo palang talong talo na ng tear gas, nakaka diri! Amoy paminta na may bauang at sibuyas. At huwag mo ng alamin kung anung nangyari sa amin ng baboy na yun” inis na inis sa sagot naman niya dito
“Ha? Mabaho ba? eh mouth wash kaya yan ni Jiana, nakigamit lang ako kanina” inamoy-amoy pa nito ang hininga napatunayan naman yata nito ang sinabi niya dahil nakita niyang napangiwi ito. Na-iiling na pinagpatuloy nalang niya ang nilalamon niya.
“Eh anu na kasing nangyari?” tanong nanaman nito ng makuntento ng amoyin ang sarili nitong hininga
“Wala na siya, tinanggap daw niya yung trabaho sa kanya sa Uganda” walang ganang sagot niya dito
“O, eh lalayo lang naman pala para sa trabaho, Haler! Kaya nga may Skype at Yahoo messenger at We chat at etc. saka lagi ka namang lumalabas ng bansa para sa weirdong mga adventures mo. Bakit ganyan ang itsura mo? Anu yan kunwari emo ka?” takang tanong naman nito
“Eh buti nga kung ganun lang eh, pero nalaman kung may kasama siyang babae nung lumayas siya dito sa Pinas”
“Sino?”
“Si Chelsea” bumangon ang lahat ng inis niya sa katawan pagkasabi niya sa pangit na pangalan na yun ng babae.
“Si Chelsea? Anak ng tokwa! Hindi nga?” nanlalaki ang butas ng ilong nito sa narinig
Si Ezekiah ay nakilala niya nung nagtour siya sa Zimbabwe. Hindi naman niya ito boyfriend pero parang ganun na nga dahil boyfriend niya ito sa kanyang imagination. Nandito na kasi halos lahat ng gusto niya sa isang lalaki, pero kahit na halos ipamukha at isaksak na niya sa puso nito na gusto niya ito ay hindi pa rin...
next episode please
beautiful story 🥰
beautiful
next po plzzz😊