TIYANAK
Eto ang paboritong kwento sa akin ng tita ko.
Noong pinagbubuntis palang daw niya, si Ate Erica doon nagsimula ang pagpaparamdam ng tiyanak.
Nasa taas kasi ng bundok ang bahay nila, walang kapit-bahay. May iba pa namang bahayan pero malalayo ang agwat.
Si Tito ay katulong daw nila lola sa pag aani ng kape. Ang tanging kasama lang ni Tita ay yung bunsong kapatid nila, si Tita Rere.
Isang gabi, bumaba raw si Tita, para mamili ng bigas, kape at asukal.
Si Tita Rere ang nagbantay ng bahay nila tita.
Sabi ni Tita, maaga naman daw siya nung pauwi na. Mga alas kwatro, kaso dahil nga hindi pa noon uso ang tricycle ay kailangan niyang maglakad.
Limang buwan na rin naman daw ang tiyan ni Tita kaya hindi naman daw naaagas. Isa pa, sa paglalakad naman, naiiwasan niya yung pagkapanas ng mga paa niya.
Dumaan daw siya sa sementeryo bandang alas kwatro y media, kalahating oras na lakaran pa raw kasi nasa paanan ng bundok ang sementeryo.
Maliwanag pa pero wala ng araw. Hindi pa naman daw nakakaramdam si Tita ng takot non hanggang sa may maramdaman siyang sumusunod sa kaniya.
Nang lingunin naman daw niya, e wala naman. Walang masyadong bahayan.
Doon na siya nagmadaling naglakad, pero hindi niya medyo magawa dahil na rin sa dala niyang dalawang kilong bigas at kalahating kilong asukal, idagdag mo...