THAT MAFIA IS THE FATHER OF MY SON


#TMFS
SARAH PORTUGAL’ POV
Pagkatapos ng ilang araw ang nakalipas, finally nagising na rin si Tatay. Sobrang saya ko dahil nagising na rin siya akala ko ay hindi ko na siya masisilayan na gumising at masisilayan niya ako uli.
Pero sabi ng Doctor kailangan niya munang manatili sa Hospital dahil kailangan niya munang magpahinga at magpagaling upang makatiyak na hindi na naman siya aatakihin sa highblood.
Nanatili muna ako sa Hospital dahil gusto kong alagaan ang aking ama. Hindi sana ako papayagan si Damion na mananatili rito dahil sa nalaman niyang buntis na ako ay Ayaw niyang maistress at mapagod ako.
Well dahil buntis ako tsk, hindi niya ako mapipigilan. Hindi naman ako mag papakaistress e, nag-iingat naman ako. Subukan lang niya ako papauwin, mahirap ako magtampo, hanggang hukay talaga niya ako susuyuin. Bahala siya pag ako nainis sa kanya.
Lagi kasi niya ako kinukulit na pauwiin. Para ano gapangin na naman niya ako, alam na nga niyang buntis yung tao may paisa isa pang nalalaman, e kung putulin ko kaya yang kaibigan niya.
Mataman lamang ako na nakatingin sa natutulog na aking ama, sanay more na makacover na siya. Para hindi na ako mag-aalala pa.
“Wife, here’s your icecream now” nakangiti niyang bungad. Nagningning naman ang aking mga mata, naupo na siya sa aking tabi. Agad ko namang siya niyakap at nagpakandong sa kanya. Sinunggaban ko siya ng halik sa pisngi na ikinapula ng tenga nito.
Kinikilig pa ang loko, agad ko nang tinanggal ang supot saka binuksan ko na ang isang gallon na icecream buti na lang buko ang binili niyang icecream.
May dala na rin siyang kutsara. Binigay ko sa kanya, na ikinakunot niya.
“Feed me hubby” nakasimangot kong sinabi, at iyon nalinawagan na siya.
“Sure wife I will serve you as you want” malambing nitong sinabi saka pinatakan ng halik aking noo. Hinapit na rin niya aking bewang.
Nagsimula na siyang subuan ako, totoo nga tinatamad ako. Kaya ito nagpapasubo na lang ako. Ilang minuto bago ako natapos kumain ng icecream ay mahihiga na sana ako ng may nagbukas sa may pintuan. At nakita ko ang isang pagdating na Attorney, bakit may Attorney rito.
“Magandang hapon ijah” nakangiting bungad ng Attorney.
“Magandang hapon rin Attorney, ano pong kailangan nila” nagtataka kong tanong, ngunit ngumiti lamang siya, animoy may ibang pinapahiwatig ang ngiting iyon.
Lalapit na sana siya sa akin ng may sumunod ring bumukas sa may pintuan, at binuksan iyon ni Damion. Nawindang pa siya ng makita ang kaharap ko.
“O Attorney, what are you doing here” parang kilala na nila agad ang isat isa. Napangiti lamang siya sa harapan ng Sofa, kakalipat lang kasi nila kahapon si Tatay rito sa private room parang kuwarto na rin siya. Pagmamay ari kasi ni Damion ang hospital na ito. Kaya siya na rin ang mismong nagpalipat ng kuwarto ang aking ama. Dahil sa gusto kong na munang manatili rito.
Upang may sapat rin ako hihigaan rito sa sofa na kasya ang dalawang tao. Hindi ko rin naman Alam na may ganitong klaseng kuwarto.
“Nothing Mr. Damion, nandito ako para may mahalagang bagay na ihaharap ako sa isang Sarah Portugal.”
“Ano pong ibig niyong sabihin, Attorney wala po akong naiintindihan sa iyong gustong iparating. Ano po bang may mahalagang ihaharap niyo sa akin??”
Takang tanong ko, medyo kinakabahan ako na ewan. Napabuntong hininga muna siya bago mag salita muli. May kinuha siya na folder sa kanyang bag.
“Una sa lahat gusto ko sanang humingi ng paumanhin sayo ijah, kami ang dahilan kung bakit nag kaganyan ang iyong ama. Naiintindihan ko rin ang iyong ama sa insedenting iyon dahil sa padalos dalos na ginawa namin ni Gobernor. Nadala lang naman siya sa sarili dahil sa sabik. At alam ko na nadala rin sa emosyon sina Tatay mo at kay Governor, hindi naman namin sinasadya ijah”
Malungkot at mahaba niyang lintanya, medyo naguguluhan ako sa mga sinasabi niya, ano bang ibig niyang sabihin, anong meron kay Tatay at sa Governor, medyo nakaramdam rin ako ng galit pero hindi naman gaano kababaw ang galit ko, animoy nararamdaman ko na gusto ko munang malaman yung totoo bago maglabas ako ng emosyong nararamdaman ko.
“Bakit po ano po bang meron??” Bigla kong naramdaman ang pagkahawak at pagpisil ni Damion ang aking palad. Para bang pinapakalma niya ako at kung anong tinatagong ngiti sa kalooban niya.
Napatayo ako ng marahan ng makita kong bumangon si Tatay na may bahid na galit sa mukha nito ng makita niya si Atty. Timothy.
” Anong ginagawa ng lalakeng iyan rito anak” maawtoridad...


na sinabi ng aking ama. Agad kong nilapitan ang aking ama, medyo sinidlan ako ng pag aalala baka ano na namang mangyari ang aking ama.
“Tay, kalma lang kayo. Wala po siyang intensyon na iba, sa totoo po nanghihingi siya ng tawad dahil sa nangyari sa inyo” mahinahon kong sinabi. Pero hindi pa rin nawawala ang galit na bumahid sa muka ng aking ama.
“Mang Berto, nandito po ako para humingi ng tawad…”
“Hindi ko kailangan ng tawad mula sayo, dahil sa kasalanang ginawa ng amo mo, at ngayon may kapal ng mukha kayo para puntahan kami, pagkatapos sa lahat lahat” sarkastikong sinabi ng aking ama.
“Tay” suway ko, tilang nahihiya na rin si Atty. Dahil sa inusal ng aking ama, ano na kasi ang point nila bakit nagkakaganito sila.
“Sorry I’m late” isang boses ng matanda ang bumungad sa amin, nagulat naman ako ng makita ko ang ama ni Kevin rito. Teka don’t tell me siya yung Bagong Governador ngayon. At saka anong ginagawa niya rito, anong ibig sabihin nito.
“Tsk, anong ginagawa mo na naman rito Lexus” sarkastimong sinabi nito, at may bahid rin na galit ang pagkasabi nito.
“Insan, alam naman natin kung anong pakay ko rito, gusto kong magpaliwanag dahil sa nakaraan na hindi natin pinag kakaintindihan, ang mas mabuti kailangan mong sabihin yung totoo kay Sarah kung ano ako sa kanya”
Makaawa nitong sinabi, teka bakit nadamay ako rito, ano bang totoo at bakit niya sinasabi ito kay Tatay, ano bang meron sa amin ng Gobernador. Ang gulo na talaga, so magpinsan pala sila ano naman ang hindi nila pinag kaintindihan noon.
“Sarah anak”
Pagsusumamo niyang sinabi, nawindang naman ako sa aking narinig. Bakit niya ako tinawag na anak, napatingin naman ako kay Tatay. Napakaseryoso pa rin ang tingin niya kay Gobernador. May kailangan ba akong malaman na totoo na sinasabi nina Atty. at Gov. Teka para naman akong walang kaalam alam sa mga sinasabi nila.
“Teka po totoo po ba ang narinig ko, tinatawag niyo akong anak. Hindi niyo naman ako anak, anak po ako ng Tatay ko diba, Tay anak niyo ako diba”
Mahinahon kong sinabi, ngunit hindi sumagot ang aking ama. Nanatili pa rin na nakatingin ng masama sa harapan ni Governor animoy ang laki laki ng galit niya rito.
“Berto, parang awa mo na sabihin mo yung totoo kay Sarah ang katotohanan. Alam ko malaki ang pagkakamali at kasalanan ko kay Belinda, hindi ko naman sinasadya ang nakaraang iyon sana naman huwag mong ilayo ang anak ko sa akin, may karapatan ako sa anak ko Berto kahit ilang takas mo sa katotohanan, hindi mo iyon matatakasan”
Puno ng magmamakaawa niya sa aking ama. Anak niya ako pero paano naman nangyari yun, e anak niya ako si Tatay, may dapat ba talaga akong malaman.
“Teka po naguguluhan ako, ano ba kasing nangyayari bakit wala akong maintindihan. Bakit niyo sinasabing anak mo ako” nagtatakang tinanong ko kay Gov. Napangiti siya sa akin saka hinawakan aking kamay.
“Mas mabuting tanungin mo ang Tatay mo. Alam ko na wala kang naiintindihan, sigurong magusap muna kayo para malaman mo ang totoo anak. Berto nakikiusap ako sa iyo sabihin mo yung totoo. Babalik ako anak may kailangan pa akong tapusin. Ito DNA test ang naglalaman ang folder na yan” nakangiting sinabi ni Gov. Inabot ko naman ang Folder na nang galing kay Atty.
“I’ll hope Robert, you can tell the truth to my daughter, hindi mo ako matatakasan berto mas malaki ang karapatan ko sa bata.” Puno ng makakaasang sinabi nito. Ngumiti muna siya, bago lumabas ng kuwarto kasama ang Attorney.
Nanginginig kong binuksan ang Folder, at ganon na lang ang pagkabigla ko ng makita ang resulta. Masuyong hinaplos ni Damion ang aking likod. Unti unting napatingin ako sa aking ama. Umiwas lamang siya ng tingin sa akin.
“Tay totoo po ba, hindi naman siguro nagsisinungaling ang resultang ito diba, totoo po ba lahat ang narinig ko??”
“Tito I know nahihirapan kayo, but I’ll hope you can tell the truth to Sarah” mahinahong sinabi ni Damion.
Pwede ring naniniwala ako, hindi naman siguro magsisinungaling si Tatay, at sasabihin niya ang totoo dahil napansin ko ring may pagkawagis kami ni Gov pero litaw pa rin ang pagkawagis ko sa aking ina. Ibig ba sabihin nun hindi ko biological father si Tatay.
Gusto kong malinawagan, sa mga narinig ko, gusto kong malaman ang punot dulo ng lahat. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman, dahil ang gaan ng loob ko sa Gov animoy nagluluksong dugo ako na ewan.
“Tay totoo ho ba???”
To be continued.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top