Mr.Alejandro Sebastian (My One nigth Stand) Chapter 5


Mr.Alejandro Sebastian (My One nigth Stand) 🌿
🌼Chapter 5..🌼..SAFE…🌼
“Nagising na lamang ako sa sakit ng katawan ko dahilan sa tambak na trabaho ko kahapon.
“.mabuti na lamang at weekends ngayon at walang pasok….kung hindi makikita ko na naman ang lalaking ayaw ko nang makita pa.
“pero ano nga ba ang magagawa ko..kung siya ang may-ari ng pinagta-trabahuan ko..wala akong karapatan magreklamo at iwasan siya dahil madalas ko pa siyang makakasama…
“Lumabas na lamang ako ng aking silid upang magluto ng almusal at ipagluto na din si aling mel.
“Oh anak…ang aga mo naman magising akala ko ba sabi mo kagabi walang kang pasok.
“ah ..aling mel balak ko po sanang magluto ng almusal at ipagluto ko din po kayo..
“Naku naman anak..kahit hindi na at masaya na ako sa kapeng iniinom ko sa umaga samahan pa ng mainit na pandesal.
“ah ganun po..ba sayang naman …kung ganun sige po at magluluto na lamang po ako ng itlog…ngiti ko sa kanya.
“Sandali lang anak …matanong ko lang sino ba yung lalaking naghatid sa iyo kagabi…at pagkakakisig naman..tugon ni aling mel sa kanya…
“ah…si Mr.Alejandro Sebastian po aling mel…baka po kapatid po siya ni Mr.lance sebastian na sinasabi po ninyo sa akin.
” aba ganun..ba..ngayon ko lamang nakita ang batang yun…pero sa pagkakaalam ko ..hindi niya kapatid si Mr. Alejandro na tinutukoy mo anak.dahil magpinsan sila yun lamang ang alam ko.
“Oh siya mamaya na tayo magusap at napakarami ko pang dapat gawin..pero anak bagay kayo…sambit nito kay isabelle na may halong pagngiti pa sa kanya..
“Aling mel naman hindi po mangyayari at may iniibig na po iyun..isa pa hindi po kami bagay dahil langit po siya at lupa naman po ako..
“hay …isabelle marami ka pang hindi alam tungkol sa pag-ibig..darating din ang panahon at araw na masusubukan ka nito..kung hangang saan mananaig ang tunay na pagmamahal.kaya’t kung ako sayo kung sakali man maramdaman mo ituloy mo lang dahil minsan lang tayo magmahal..pero palagi mong iisipin na tama…at hindi sa maling paraan lang…habang hawak ni aling mel ang dalawang kamay niya..kasabay ng pagturo ng daliri nito sa dibdib niya..
“Halos napapailing na lamang si isabelle sa mga sinasabi ni aling mel sa kanya…
“siguro maganda ang love story ni aling mel..kaya niya nasasabi ang mga bagay …na’yun.kasi ang iba naman..puro iniwan lang…habang nakahalumbaba siya sa lamesa kasabay ng paghalo niya sa kapeng kanyang tinitimpla.
“Kakatapos lang niya magalmusal ng may biglang bumukas ng pinto mula sa salas nila…
“isabelle ….bessy….habang papalapit ito sa kanya ay ang pagbuka ng dalawang braso nito upang siya ay yakapin.
“I’m sorry bessy….sorry talaga…kung napaghintay kita…nalasing kasi ako at hindi ko na naalala pa ang sunod na nangyari..tugon nito kay isabelle.
“ok lang nakauwi naman ako ng maayos …ellaine…
basta hindi ko mapapatawad ang sarili ko…kung sakaling may mangyari sayo…
“pero how’s your work..? ok ka lang ba dun balita ko napa-istrito raw ng may-ari nun…at wala din raw patawad.
“ha…at saan mo naman narinig ang ganung kwento…sambit ni isabelle
“syempre madami akong source…nuh..ano ka ba…? Hindi ba’t wala kang pasok bakit hindi ka nalang sumama sa akin…sa party…
party…kunot noo ni isabelle.hindi ako marunong umattend dun at isa pa hindi ako sanay sa mga party…ellain..dito na lamang ako sa bahay..siguro..
“dont worry my bessy…ako bahala sayo…hehhehe…pagagandahin kita…
“Nakarating sila sa mall ng medyo may kaagahan pa kaya naman ay hindi pa ito ganun kabukas.kaya’t napagisipan nalang muna nila ang kumain sa isang maliit na restaurant na malapit sa mall na kanilang pagbibilhan…
hey bessy..bakit hangang ngayon wala ka pa din boyfriend…ha…
wala akong oras sa mga ganung bagay pa.at isa pa masisira lang ang buhay ko.marami pa akong gustong marating.
ah ganun….ba…hehehe…pero kapag tumibok ang puso mo hindi mo na yun mapipigilan….
“ngunit ngiti lang sa mga labi ni isabelle ang kanyang isinagot sa kanyang kaibigan.
ilang sandali pavay nagbukas na ang mall…dumeretso kaagad sila sa department store..maraming damit na magaganda..pero hanagang ngayon wala pa din mapili si isabelle na maisusuot niya.
“bessy…ano may napili kana ba…?
“pasesnsya na..pero wala akong makitang mababagay sa akin..isa pa ang mamahal nila nuh..wala din naman ako pera pambili..saad niya sa kaibigang si ellaine.
“kahit kailan ka talaga ….kaya kita isinaman dito para ako ang magbayad ….isa pa…ako ang nagpumilit na sumama ka..sa party na yun…kaya ako ang gagastos…ahmmmm kasabay ng pagtaas ng kamay nito..sa kanya…
dumako sila sa isang boutique na halos mapanganga naman si isabelle sa mga dress na naggagandahan…first time kasi sa buhay niya ang makita ng personal ang mga ito,kadalasan sa mga napapanuod lang niyang movie.
“Grabe…ellaine..ang gaganda naman nito…pero nabaling siya sa tag na nakalaylay sa hawak niyang dress..
“ang mahal…naman ….hindi na natapos ang sasabihin niya ng biglang hanggitin ito sa kanya ng kaibigan niya..
dont compare the price on the dress…kasi kapag yun ang una mong tiningnan hindi mo makikita ang totoong ibig sabihin ng dress na hawak mo..bawat dress na nahahawakan mo meron silang kanya-kanyang simbolize…isabelle…
“oh isukat muna …ng makita ko kung bagay sayo.sabay balik ulit nito sa kanya…
“Isang ligth blue na fitted dress na halos half shoulder ito sa kanya…habang ang likod nito ay nababalutan ng manipis at maala kulambong tela..na hangang baywang kaya’t makikita ang hugis ng kanyang katawan samahan pa ng pagkahati nito sa kabilang side ng dress na talagang dumagdag sa kanyang ka seksihan.
“wow…isabelle…ikaw ba yan…hindi ko akalain na babagay sayo ang dress …ang ganda talaga ng bessy..ko…
“salamat ellaine ..pero hindi ako sanay sa ganitong dress..
“naku…wag kana mag-alala..pa …ok…ako ang bahalang magbabayad isabelle…habang mabilis na tinungo ng kaibigan niya ang counter para magbayad…
“mabait si ellaine…lahat ng gusto nito nabibili niya..isa din kasing kilala ang pamilya nito sa isang business industry..pero kahit ganun pa man may kabutihang puso din ito pagdating sa kaibigan..minsan nga lang kapag ginusto niya hindi mo maaaring tangihan….pero natigil siya sa pagiisip ng higitin siya ng kaibigan niya palabas ng boutique at magtungo sa kabilang side na halos puno ng ibat-ibang desenyo ng sapatos…
“sandali ….ellaine hindi pa ako nakakpagpalit..
“ano ba huwag kana magpalit kasi magbibihis na din ako after natin mamili…sulyap nito kay isabelle habang nakangiti ito na halos...


lumabas na ang maganda nitong dimples.
“magbibihis…pero nakakahiya ..oh..pinagtitinginan na nila tayo…
“bessy…nakatingin sila dahil maganda ka at sexy ka…oh di ba….may sexy akong kaibigan…
“halika …na ..at kailangan natin magsukat…
“Wala na siyang nagawa…kaya’t sumunod na lamang si isabelle sa kanyang kaibigan..medyo hapon na din ng sila ay nakatapos.Ayaw pa sana niyang sumama sa party pero wala na din siyang kakayahang umurong pa..dahil una nahihiya siya sa kaibigan nag-abala pa itong bumili ng mga damit niya at sapatos..na halos napaka-mamahal…
sumakay sila sa isang itim na sasakyan kasabay ng pagsakay ni isabelle at ellaine sa back seat nito.
“ok ka lang…tugon ni ellaine sa kanya..habang siya ay nakatitig sa labas ng bintana ng sasakyan..na ang makikita niya lamang ang mga nagiilawang mga gusali at hindi pamilyar na lugar na kanilang binabaybay….na daan..
“Ah..ou ok lang ako…saan ba lugar ito ellaine..bakit halos nagtata-asang building ang nakikita ko …halong kaba ang nararamdaman ni isabelle hindi niya alam kung bakit pero…ang bilis ng tibok ng puso niya…
“manila pa din …tayo isabelle …pero pupunta tayo sa Casa bianca…isang kasi yung private place na kung saan …mayayaman lang ang maaring makapunta dun…kung wala kang red card na tinatawag nila hindi ka makakapasok dun…pero dahil invited kita..ok lang…
“ibig mo bang sabihin ganun …ka kayaman ha..ellaine..pero bakit ngayon mo.lang na kwento ito sa akin…pagtataka ang namutawi sa mukha ni isabelle habang nakatitig ito sa kanya.
“sandali..lang bessy..ha..hindi ka naman nagtatanong at isa pa..alam mong kilala ang daddy ko sa business industry kaya natural nabibilang lang din ako sa kanila..pero mas masaya pa din ako sa simpleng buhay yung hindi ka kilala…dahil mayaman ka …kundi kilala ka sa kabutihang meron ka….
“i hate daddy..so much isabelle…kasi gusto niya ikasal ako sa lalaking hindi ko naman gusto…kaya nga ayoko siyang makita..kung maari lang magpalit na kaya tayo ng katauhan..nuh…
“magpalit..tumigil ka nga ellaine..mahirap ang maging mahirap nuh…
“ou tama ka mahirap ang maging mahirap.isabelle ….pero malaya ka…naman..ehheheh..
halos tawanan ang namutawi sa kanilang dalawa ni hindi na nila namamalayan na huminto na ang sasakyan sa tapat ng malaking gate na humaharang dito….kasunod ng pagbukas nito sa kanila…
“Hindi makapaniwala si isabelle sa ganda ng lugar..talagang kahit sa mga dekorasyon na makikita mo sa buong lugar na yun…ay mamamangha ka talaga…
“Maraming mga bisita…at mahahalata mo sa kanila ang pagiging isang mayaman…inilibot pa ni isabelle ang mga mata niya sa lugar…sa di kalayuan matatanaw mo ang malalaking puno.. at sa ilalim nito ang mga upuan na maari mo din pahingaan…halos dampi ng malamig na hangin ang nagmumula sa matatayog na puno na iyung makikita…
Subalit natigil na lamang siya sa pagmumuni-muni ng tawagin siya ni ellaine sa di kalayuan….
“isabelle…tawag ni ellaine sa kanya habang dala-dala nito ang dalawang kopita na may lamang alak….
“Ano ka ba …? bessy akala ko kasunod nakita yun pala..nakatitig ka lang sa hangin…
“Oh …inumin mo para naman magka-powers ka..hehehhe ..saad nito sa kanya…kahit nalilito siya sa mga sinasabi ng kaibigan niya…
“powers…anong ….? kasunod ng paglapat ni elline ng hintuturo niya sa kanyang bibig…
“shsss…ibig kong sabihin..para mawala ang hiya mo…feel it..and enjoy it…yun lang isabelle…”oh siya maiwan muna kita…hinahanap kasi ako ni daddy babalikan na lamang kita mamaya..enjoy my bessy …isabelle…mwuahhh…kasunod ng pagyakap at paghalik nito sa pisngi niya…
“pero..ellaine..wala akong….hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil patakbo na itong umalis sa harapan niya..habang pagkaway lang ni ellaine ang iginawad sa kanya.
Nagawi muli ang mga mata niya sa isang upuan na pinagkukublihan ng matatayog na puno…pero habang tinatahak niya ito…isang kamay ang naramdaman niya sa kaniyang baywang ..na halos hindi naman niya ito lubusang kilala..
“Ay…kabayo..tugon niya ng malakas na tinig mula sa kanyang bibig….
“hi…babe…parang nagiisa ka …ha..wala ka bang kasama…saad ng lalaking halos hubaran na siya sa pagkakatitig nito sa katawan niya…
“I’m sorry..pero hindi kita kilala…sambit ni isabelle..pero aalis na siya ng biglang…baltakin ng lalaki ang braso niya…
“sa palagay mo ba…pakakawalan ko ang babaeng katulad mo…maganda ka at nababagay ka…sa akin ngayong gabi…
pasensya na..pero hindi ako..katulad ng iniisip mo…habang pagkatanggal ni isabelle sa kamay ng lalaki at patakbong umalis sa kinaroroonan nito….
mabilis at may halong ka ba ang kanyang nararamdaman..takot na ..baka kung ano ang maaring gawin sa kanya…
“ganito..ba talaga ang mayayaman…walang galang sa babae…tugon na lamang niya sa kanyang sarili…pero akmang uupo na siya ng biglang damputin siya ng dalawang itim na lalaki sa likod niya…
“sandali sino kayo..ha..bitawan niyo nga ako..habang nanginginig ang mga kamay niya sa kaba..
wait lang miss…type talaga kita..wag kang mag-alala paliligayahin kita….
ellaine….tulong….please sigaw niya…pero parang hindi na siya maririnig dahil halos malayo na siya sa lugar kung na saan siya…ellain….malalakas na tawag niya pero kahit sino ay walang nakakarinig sa paghiyaw niya…
Nangbiglang isang hindi pamilyar na tatlong lalaki na nakasuot ng itim na suit..ang humila sa dalawang may hawak sa kanya..kaya’t bumagsak siya sa gilid ng hallway na kanyang kinaroroonan…tatayo na sana siya ng may isang lalaki muli ang bumuhat sa kanya na parang sako siyang isinampa sa balikat nito..
hey…ano ba..ibaba mo nga ako….bakit ba ang sama-sama niyo ha….hindi ako pakawalang babae…. maawa na kayo sa akin..walang humpay niyang sinusuntok ang likod nito…kaya’t mabilis siyang iniupo nito…sa ibabaw ng itim na sasakyan…
please stop…ok….tugon nito sa kanya….habang ang lahat ng buhok niya ay nakasangga sa harap ng mukha nito at walang tigil ni isabelle sinusuntok ang matitigas nitong dibdib..
hey…stop it..please…your safe…natigil si isabelle at kasunod ng pag-angat ng mukha nito sa lalaking nagsalita sa harap niya habang nakahawak naman ito sa dalawang bisig ng kamay niya.kasabay ng pagtulo ng mga luha ni isabelle sa harap ng lalaki…
pero..laking pagtataka nito ng makita ang kabuuang mukha ni isabelle….sa harapan niya..
Ms.Clavio…tugon nito sa kanya ..habang pagkabigla din kay isabelle ng matitigan niya ito ng malapitan habang walang himpit na daloy ng kanyang mga luha.
kasunod ng sambit niya sa pangalan ng lalaki….
Mr.Alejandro Sebastian….saad ni isabelle….habang namumugto ang mga mata niya sa walang humpay na pagiyak sa harapan niya..
kasunod ng ngiting sumilay sa mukha ni alejandro…sebastian…
hindi ko alam kung anong meron ka..pero bakit ayaw kitang mawala sa tuwing nakikita kita..isabelle …..bulong ni alejandro sa kanyang isipan….
🌼thank you readers and admin 🌼






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top