SANDRA’s POV:
“MASUNURIN ka naman pala.”, nakangiting wika ko sa Ginang. Marahan kong hinaplos ang buhok niya habang nakaluhod ito sa akin.
“Okay na ba? Baka pwede mo ng pirmahan ang kontrata?”, sakrastikong turan nito.
“Sure. Dahil kagaya ng sinabi ko, madali akong kausap. So give it to me now.”, saad ko rito.
Agad siyang tumayo at kinuha sa bag ang kontrata. Binigay niya rin sa akin ang ballpen na tila handang-handa ito.
So I signed it now dahil para siyang aso na walang makain.
“Okay na. Baka pwede na akong umalis.”, wika ko sa kanya.
“Aalis ka na? Hindi pa nga dumadating ang order natin. And besides, gusto kong magbonding tayo.”, masayang pahayag nito.
Mapang-asar ako na tumawa at muli siyang tinitigan.
“Bonding? Sorry, baka kasi kulangin ang pera mo kapag ako ang kasama mo. Nakakahiya naman sayo. Baka umutang ka bigla sa bangko.”,
“Miss Sandra, I can afford the things that you want. Kaya huwag mo akong yabangan ng pera. Kasi feeling ko, may galit ka sa akin.”, sambit ng Ginang.
“Wala akong galit sayo. At higit sa lahat, hindi ako mayabang. Hindi kasi ako katulad mo na yabang-yabangan kahit hindi naman kaya.”, pagsasagot ko rito.
Talagang ginagalit niya ako. Dapat pala hindi ko agad pinirmahan ang kontrata.
“You know what, kung hindi lang patay ang minahal ng anak ko, masasabi ko na ikaw si Kate.”, wika niya habang may ngisi sa labi.
Yung pananalita nito, parang pinapahatid niya na may panghihinala siya sa akin.
“Kate? At sino ba ang Kate na ‘yan?”, turan ko para i-deny ang pagkatao ko.
“That girl is like a shit. Siya si Kate na walang ginawa kundi ang perahan si David. Kaya naisip ko tuloy, baka nabuhay siya at naging ikaw.”, saad muli nito.
Malakas akong tumawa dahilan para magkunot-noo siya.
“Mahilig ka pala magbiro. But eewww. Kinukumpara mo ako kay Kate? Ni hindi ko kilala ang taong ‘yan.”, maarteng sabi ko.
“Anyway, kung sino man siya, bakit parang takot ka? Siguro may kinalaman ka sa pagkamatay niya? Kasi nabanggit ni David ang tungkol sa mag-ina niya. Nakakagulat nga dahil hindi ko inaasahan na may anak pala siya sa unang asawa bago kinasal kay Katrina.”, mahabang wika ko.
Hindi ito naka-imik at napalunok na lamang ng laway.
“I don’t know what happened to that woman. Basta ang alam ko, namatay sila.”, pag-iiwas niya.
“Okay. May tiwala naman ako sayo. Pasensya na kung tinatanong ko ha? Ayoko lang kasi na magka-issue sa kompanya. Sige, I need to go. May ibang meeting pa ako.”, turan ko sa matandang babae.
Kinuha ko na ang aking bag at naglakad, pero huminto ako saglit dahil may nakalimutan akong sabihin.
“Nga pala, yung inorder kong kape, sayo na lang. Medyo cheap kasi ang prize. Hindi sanay ang tiyan ko sa mga gano’n.”, pahayag ko ulit.
Lumabas na ako ng coffee shop para sana magpahangin.
Nagpadiretso ako sa tahimik na lugar dahil gusto ko munang makalanghap ng sariwang hangin.
Iisipin ko ang bawat kilos para sa susunod, hindi ako paghinalaan ng babaeng ‘yon.
Muli kong binalikan ang reaksyon niya kanina. May dapat yata akong malaman tungkol sa kanya. Malakas kasi ang kutob ko na may alam siya sa pagkamatay ng anak ko.
Hindi...
yes finally