Through The Waves Chapter 5


Author: NenengPalangging
Chapter 5: The Possessed
Lover
“NAG presenta ka sa parents ko na aampunin mo ako,tapos ngayon nagrereklamo ka?”
Simangot na sabi ni Lorena. Ang haba ng nguso nito ay puwede ng sabitan ng kaserola.
Humagalpak ng tawa si Marcus sa narinig.
“Ampon talaga Babe?”
” Ang dami ko pang pangarap. Maka graduate,magtrabaho abroad. Lahat ng iyon,hindi na mangyayari. Aasawahin mo na ako.” Himutok ni Lorena.
“Sino ba kasi ang nagsabing hihinto ka sa pag-aaral mo? Lahat ng pangarap mo,matutupad. Yung sinasabi mong mag-aabroad,sige ok yan. Magto-,tour tayo Baby.”
“Magto-tour? Mang-uto ka pa!” Irap na sabi ni Lorena. Na lalong nagpalabas ng malalim nitong biloy sa magkabilang pisngi.
NAISIP ni Marcus,totoo nga ang warning sa kanya ng magiging byanan niyang babae. May pagka spoiled ang kaniyang nobya. Hindi iyong tipong malditahin. May katigasan ang ulo,pag may gusto mapilit. Pag ayaw,ngmamaktol na parang bata.
Hindi nga nagulat ang parents nito nang malamang nadulas ito sa hagdanan. Takaw disgrasya daw talaga ang kanilang anak.
“Alam mo bang last year lang semestral break nila,nahulog yan sa puno ng aratelis? Umusli ang buto sa balikat buti nadala sa hilot.” Kwento ng kaniyang byanang babae.
Napangiwi siya sa narinig. “Ganoon po ba?”
“Noung last time naman na umuwi dito yan,ang laki ng bukol sa ulo. Nabangga daw sa double deck na higaan sa boarding house nila.” Dugtong pa ng kaniyang kausap.
“Pansin ko nga po,may pagka hyper si Lorena.” Patiayon niya.
“At gusto pa nyan magpabili ng motorbike sa ama.” Kwento pa ng Mama ni Lorena.
“Motor po?” Kung sa pagka dulas nga lang nito,nag kulay talong ang malaking bahagi ng balakang nito. Paano pa kung sumimplang ito sa motor. Naisaloob ni Marcus. Hindi na niya nagawang sabihin ito sa kausap.
“Kasalanan kasi ng Ama nyan.” Tinapik pa ng Mama ni Lorena ang tuhod ng asawa nito. “Sinanay ang anak,kulang na lang gawing lalaki ang panganay nya....


Pati sa sabungan,sinasama ang anak.”
Napangiti siya sa narinig.
“HOY! Bakit ka nakangiti dyan? Nanono ka ba?” Pansin ni Lorena sa katabi.
Nakita kasi niya ang nobyo kaninang umaga na umihe ito sa may puno ng santol sa kanilang likod bahay. Hindi naman niya sinasadyang makita ito. Sumaktong pagdungaw niya,kitang-kita niya itong umiihe. Nakatalikod ito sa kanya.
Ewan kung anong pumasok sa kukute niya ng mga sandaling iyon,sinipulan niya ng malakas si Marcus gamit ang dalawang dalire na isinuksok sa kaniyang bibig.
Napalingon si Marcus habang inaayos ang brief sa loob ng short.
“Aasim ang bunga,mamatay ang puno.” Sigaw niya sa nobyo at ibinigay ang mapang-asar na ngiti dito.
“Nakakalakad ka na?” Tanong nito sa kanya sa tapat ng bintana.
“Opo. Hindi na masyadong masakit.” At tumalon siya ng mahina,patunay na ok na sya.
Nakatulong ng malaki ang dahon ng tuba-tuba na pinahiran ng langis. Itinapal iyon ng kaniyang Mama sa kanya.
MALAKAS na ipinilig ni Marcus ang ulo. Para siyang nasa gitna ng dagat. Lumulutang habang naglalakbay ang dlwa,kasabay ng paggalaw ng mga alon na humahampas sa kanya.
Lalong nag-arko ang mga kulay ni Lorena.
“Hala! Kay na-unsa ka man? Nabuwang na ka Dad?” Lumabas ang pagka Bisaya ng kaniyang angkan sa kaniyang bibig habang nakatitig sa nobyo. Kakaiba ang mga kinikilos nito.
“Baby,nakakabuwang talaga ang sobrang pag-ibig. I am madly,deeply,possessed in love with you.” Madamdaming sabi ni Marcus sa kanya at mahigpit siyang niyakap gamit ang isang kamay habang nasa manibela ang atensyon nito.
“Ay sus! Kay na-possessed ka na talaga.” Naguguluhan niyang sabi.
Tinawanan lang siya nito.
IYON nga yata ang nangyayari sa kanya. Ang laki ng pagbabago sa kaniyang katauhan. Lagi na siyang tumatawa. Kahit alam niyang nag-iinarte ang kilos ng nobya,kinatutuwaan niya ito.
Maliit na bagay lang,nakangiti agad siya. Marihap man timplahin at dalhin ang ugali ng isip-bata niyang kasuyo,walang sandali na hindi siya nag-eenjoy sa piling nito.
Lalo kang mai-spoiled sa akin Babe…Pangako niya sa sarili habang nakatitig sa katabi.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top