IF ONLY I CAN BE HIM”
written by—Solene Terpsichore
—take time to read this.
“B-Bakit ba kailangan siya pa ang mawala at hindi nalang ikaw!” malakas na sigaw sa akin ni Athena habang pinag-mamasdan ang kabaong ng aking kakambal na kaniyang boyfriend.
“Bakit ba sa akin mo isisisi ang bagay na ’yan Athena? ilang beses ko bang sasabihin na pare-pareho tayong biktima, at walang may gustong mapahamak si Jaymeson!” sigaw ko na nakapagpatahimik sa kaniya.
Tanging pag-iyak nalang nito ang naririnig, kaya agad ko siyang nilapitan at niyakap, ‘huwag kang mag-alala Athena, nandito lang ako hindi kita pababayaan, iingatan kita gaya ng pag-iingat sa’yo ni Jaymeson.’ tanging bulong ko sa isip ko habang siya ay nanatili paring yakap-yakap ko.
____________________
Dumating na ang araw na kailangan na naming magpa-alam, wala kaming nagawa kundi ihatid na ang kapatid ko sa kaniyang huling hantungan.
Lahat ay nagdadalamhati at umiiyak, si mama ay tila ayaw pang bitawan si kuya Jaymeson ngunit wala siyang magagawa. Aksidente ang nangyari at alam ko na wala akong kasalanan, sinunod ko lang ang sinabi ni kuya na lumabas na ako at isama ko si Athena, pero bumalik ako, ngunit huli na ang lahat.
_________________________
It’s been 3 years since mawala si kuya, napapansin ko na kahit anong gawin ko kay Athena ay siya parin ang mahal nito. Kahit pumayag siya na maging girlfriend ko ay ni minsan ay hindi ko naramdaman na mahal niya ako, tulad ng pagmamahal niya sa kapatid ko.
“Hey let’s go, your drunk!” wika ko sa girlfriend ko at siya naman ay marahan akong hinawakan.
“S-Sorry for being so selfish James, you know I love you but—.”
“But you love my brother more than you love me.” ako na ang nagtuloy ng sasabihin niya, alam ko naman ih palagi naman kaming ganito.
“Why don’t you just left me, ayoko ng nasasaktan ka James.” tanong niya at ako naman ay parang sinaksak ng dahil sa mga sinasabi niya.
“Do you think it’s easy for me to left you? knowing your pregnant right now but the saddest fact is you can’t accept our soon to be child ’cause it’s not Jaymeson who impregnate you.” hindi ko na napigilan na magtaas ng tono, balak niya bang patayin ang anak namin kasi araw-araw ko na lamang itong nakikita na umiinom, knowing na sensitive siya magbuntis pero ginagawa niya parin.
“Can you just listen to me Athena, kahit hindi mo na ako isipin. Isipin mo nalang ang magiging baby natin, wala siyang kasalanan.” wika ko at siya naman ay umiyak na lamang ng umiyak.
“Kasalanan ko ito, ako ang nag-insist na gawin natin ang bagay na ’yon akala ko kapag magka-baby tayo mawawala na ang nararamdaman ko, para sa kapatid mo pero hindi ih, nandito parin, kahit anong limot ko hindi siya nawawala lalo na at nandyan ka, iisa kayo ng mukha kaya mas lalo akong nahihirapan.” umiiyak paring wika niya kaya agad ko itong ikinulong sa bisig ko.
______________________
ATHENA POV:
Mabilis ang pagmamaneho...